CHAPTER 2
Nakasimangot pa din ako kahit na nakalabas na kami ng arena ni Liam at bumibili ng sweets sa 7eleven. “Busangot ka na naman?” natatawang tanong sa akin ng lalaking may hawak ng basket na dala namin.
Wala naman sa sariling kumukuha ako ng mg candies, chocolates na inilalagay ko sa basket. Alam ko namang ibinabalik ito ni Liam kagaya ng nakikita ko ngayon. Biglang nagka-huwisyo ako nang akmang ibabalik niya ‘yung peppero na kinuha ko sa estante nito. “Wait! Gusto ko ng peppero. Lagay mo lang diyan.”
Natatawa naman nitong ibinalik sa basket ang peppero. “Tama na ang busangot. Para namang ikaw ang naglaro at natalo. Daig mo pa ako!” ani niya at sinabayan pa ng tawa.
“Pucha naman kasi. Hindi dapat counted ‘yong isang tira no’ng lalaking ‘yon! Bakit kasi hindi ‘yon nakita ng nagbabantay sa inyo!” naiinis ko na namang reklamo.
Hindi naman kasi talaga dapat ‘yon eh!
“Bakit ka ba kasi nagagalit diyan?” Sinamaan ko naman ng tingin si Liam na panay ang tawa dahil sa pagka-badtrip ko.
“Ayokong magsulat ng sports news sa school na nanalo ang school namin!” Tinapunan naman ako ng hindi makapaniwalang tingin ni Liam. Bago natawa ulit habang umiinom ng chuckie.
“Biruin mo ‘yon? Lahat ng nasa schoolpaper namin pulos nalang good vibes! Hays.” Hindi pa din matigil sa pagtawa si Liam dahil sa mga isiniwalat kong rason sa kaniya.
Sa totoo lang ay kaya ayaw kong nananalo ang school namin kasi pag-isusulat na mahabang article! Kapag hindi naman, maikli lang. Nakakatamad magsulat!
“Ikaw lang ang kilala kong estudyante ng school niyo na ayaw manalo ang school.” Pahayag nito at nahinto sa isang basurahan. “Akin na.” Pagtukoy niya sa chuckie na iniinom ko at kanina pang ubos.
“Ba’t kasi ayaw mo?” Interesado na nitong tanong. Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata. “Ano?” Natatawa nitong saad.
“Bakit seryoso kang magtanong?” Pinaningkitan ko pa siya ng mata at hinabol nang tumakbo ito papunta sa parking area kung nasaan ang sasakyan niya.
“Liam!” Sigaw ko nang makatawid na ito sa kabilang kalsada habnag nakikipag-patintero pa ang isip at paa ko kung kailan tatawid.
Hindi ko naman namalayan na bumalik pala si Liam at kinuha ako. Hindi naman kasi talaga ako maalam sa pagtawid. Sa overpass talaga kasi ako nadaan.
“Matuto ka ngang tumawid mag-isa! Paano kapag hindi ako ang kasama mo? O hindi kaya may hahabulin kang snatcher kasi ni-snatch bag mo?” pangaral niya sa akin matapos naming makatawid sa kalsada.
Maarte ko naming hinawi ang buhok ko papuntang likod. “Hahayaan ko ‘yong snatcher. Kaniya nalang!” Natatawa kong saad.
Ngumisi naman si Liam at bigla-biglang hinablot ang leeg ko at pabirong kinaladkad ako. “Sana all mayaman!” ani ‘to habang hatak ako.
Napanguso nalang ako.
“Ang higpit mo pong maglambing. Sana all,” I said sarcastically at him na ikinatawa lang nito. I rolled my eyes at him at nauna na sa pinag-parking-an ng sasakyan niya.
“May after party pa kayo?” I asked nang makaabot na siya sa sasakyan. Nakanguso itong umiling habang nakatingin sa cellphone niya. Busy na.
“Sakay na. Una na muna kitang ihahatid kasi nanganak na daw si Ate Neshie.” He said na tila hindi natataranta. Pambihirang lalaki ‘to oh!
Kaagad naman akong tumalima at umikot na papuntang shotgun seat nang magulat at mapahinto sa nakita.
Siya ‘yong mandaraya sa laro kanina ‘di ba?
Nanlaki naman ang mata ko nang mapalingon ito sa akin habang hawak pa din ang t-shirt na sanay isusuot nito at nasa leeg pa lang.
Ngumiti man ito ay sinuklian ko lang ito ng irap. Galit ako sa kaniya. Kung pwede lang maging bias sa schoolpaper ay nagawa ko na para sirain siya kaso malaking swerte niya at nasa pareho kaming school.
Hahakbang na sana ako para iwasan ito at gumilid nang gumilid din ito sa direksiyon ko. Bigla naming nag-init ang ulo ko sa ginawa ng lalaking ‘to.
If he likes me… well, I-he’s not my type duh.
“Pwede ba! Padaan nga!” Naiinis na saad ko sa kaharap na manlalaro. Parang ewan! Tatanga-tanga, psh.
Inuna ko munang inilagay ang bag sa loob. “Nakipag-away ka na naman ba?” Bigla naman akong naasar sa mukha ni Liam na tila natutuwa pa sa nangyari. “Shut up Liam.” Wala sa mood kong sagot.
“ ’yon ‘yung kinaiinisan mo hindi ba? Si Martinez ‘yon.” Binigyan ko naman ito ng matalim na tingin na ikinangisi lang nito. “Nye nye, nobody asked. Nobody.” Yamot kong sagot sa kaniya.
May tao talagang hindi mo pa nga kilala ay kinaiinisan mo na talaga. Halata naman din na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking ‘yon eh, tsh.
“Saan ka pupunta after maihatid kita sa condo mo?” Usisa ni Liam.
“Why daddy?” Ibinigay ko ang buong atensiyon sa kaniya at nagpa-cute katulad ng napapanood ko sa social media ngayon. Ngumiwi naman ito tila diring-diri pero patuloy pa din akong nagpapa-cute sa harapan niya. Naaaliw ako sa reaction niya ba’t ba.
Napanguso namna ako nang tabunan niya ang mukha ko at pabirong itinulak dahilan para mapapikit ako mula sa pagkakatingin sa kaniya. “Grabe ka ha!” Reklamo ko sa kaniya na ikinatawa nito.
“Oh, ano ngang plano mo gayong ‘di tayo matutuloy sa lakad?” Usisa niya ulit. Nakamot ko naman ang ulo sa paulit-ulit na tanong nito. Napaka-kulit. “Papupuntahin ko si Drea sa condo. Baka mag Netflix nalang kami.” Sagot ko at kinuha ang cellphone sa bag para tawagan ang bruhilda.
“Hindi mo tuturuan si Drea na kumuha ng pictures?” Tanong nito habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa daan. Malayo-layo kasi ang condo ko sa pinagdausan ng tournament nila.
“Hindi na. Tamad naman ‘yon eh. Baka nga hindi na muna iyon pasalihin ni coach sa press-con this year.” Tumango lang naman ito habang nagtitipa ako ng message kay Andrea dahil hindi ko ito ma-contact.
“Here you go.” Ani nito at inihinto na ako sa harap ng building kung saan ang condo unit ko since sobrang layo ng bahay namin at para makatipid na din. “O, sige. Balitaan mo nalang ako at paki-congrats kay ate ah. Marami pa talaga kasi akong pending na articles.” Natatawa naman ulit itong napatango.
“Tamo ‘to. Tatawa ulit.” Pagsusungit ko sa kaniya. Mas lalo pa itong natawa nang mag-sign ako kung may tililing na ba siya.
“Sige na. Pasok ka na, para maka-alis na ako.” Tumango naman ako at sinara na ang pintuan. Dala-dala ang mga ipinamili niya sa akin.
Nang maka-abot sa harapan ng building ay liningon ko ito. Nakababa na ang bintana ng kotse nito at nakangiting sumaludo bago pinasibad ang sasakyan paalis.
Umakyat na din ako pagkatapos at mag-one on one pa kami ng mga pending articles ko. Buti nalang binilhan ako ng snacks.
_____________________________________________________________
;)