CHAPTER 3
Pagkapasok ko palang ng faculty room kung saan gaganapin ang meeting ng wiz club ay sobrang ingay na ng loob. Nahinto naman ako sa mismong hamba ng pintuan at hinanap ng mata ang mga kaibigan.
“Gelo tol!” Naagaw naman kaagad ng atensiyon ko ang sigaw na iyon ni Harold na nasa pinakatuktok nakaupo. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanila. Nang makalapit ay namataan ko ang isang babaeng volleyball player ng school namin at kinakausap nila.
“Hey, nice to see you here Krizza,” pagbati ko at nilahad ang palad sa kaniya. Naka-suot pa din ito ng pan-training niya which is short shorts at varsity niya yata ang nasa ilalim ng nude big shirt na suot.
Pinandilatan ko naman ng mga mata ang mga kaibigan na kaagad nangislap ang mga matang nakatutok sa legs ng babae nang tumayo ito at nakangiting inabot ang kamay ko.
“Mauna na ako ah? My friends are waiting for me in there.” Itinuro niya ang mga kaibigan niyang nag-uusap na nasa pinakababang mga upuan.
Ang mga upuan kasi sa faculty ay inihalintulad sa mga college rooms na mararami ang estudyante per room at idinesenyo ng semi circle ang mga upuan at may hagadan sa magkabilang gilid nito. Habang may podium sa ibaba para sa speaker.
Binatukan ko naman isa-isa ang mga kaibigan na sinundan ng tingin si Krizza hanggang sa pagbaba. “Amin ka nga tol, crush mo si Krizza ‘no?” Nanunuksong ani nila habang nakangisi. Sarkastiko ko silang sinabayan sa ngisi nila na ikina-kamot nila ng ulo.
Hindi ko nalang sila pinansin at inilabas ang notebook sa isang subject ko na hindi ko pa nasasagutan kakamadali sa pagpasok. Tapos ang bagal pa ni papa kumilos eh siya naman ang taga-hatid sa ‘kin.
“Andito na sila.” Mahinang bulong ng kaibigan ko. Binalewala ko naman ito dahil kaya ko namang makinig kahit na nagsusulat. First subject ko kaya ‘to pagkatapos ng meeting na ‘to.
“Good morning freshmen and sophomores. Especially, to our señiors here. Thank you for coming to our sudden meeting,” dinig kong panguna ni Sir Tadeo. Head coach ng club namin.
“Tae, sino ‘yan?” mahinang bulalas ni Harold na nasa tabi ko at parang namamangha. Hindi ko naman napigil ang pagiging kuryoso nang maging ang ibang nasa loob ng faculty ay natahimik din.
“Sino?” Ani ko at inangat ang tingin. Pinaliit ko pa ang mga mata at baka nagkakamali lang ako sa nakikitang nilalang. Baka kamukha lang o ano. Kinusot ko pa ulit ang mga mata. Baka lumalabo ang mga mata ko dahil sa layo namin.
“Hi! Guys. I’m Polivianna Cruz, SSG President of our juñior and señior high. I’m the newly chosen member of wiz club.” Mahinhing ani nito sa harapan naming lahat. Pagkatapos nitong magpakilala ay pinalakpakan naman ito ng nakararami, liban sa ‘kin.
Kaagad naman itong napansin ng lahat dahil sa hitsura nito sa uniform niya. “God! Ang ganda grabe, tol.” Sabay na sabi ng mga katabi kong si Harold at Ivan na parehong nakapangalumbaba sa mesa at tutok na tutok sa babae.
Ginamit ko naman ang notebook ko na pamalo sa mga ulo nila. “Grabe ka na brad ah. Chicks boy ka na pala?” Natatawang ani nila habang hawak ang ulonan.
“Brad paki tingnan nga ng ulo ko baka may sugat,” oa na saad ni Ivan pagkatapos ko silang talikuran. Nang humarap ako ay nakatayo pa din ang babae sa harapan habang ang mga kamay ay nasa likuran nito.
Panay naman ang ngiti nito sa ilang mga matang nakakatagpo ata niya. Si Sir Tadeo naman ay panay ang discuss na hindi ko na maintindihan. Naipilig ko nalang ang ulo nang maisip na wala na ako sa konsentrasyon.
Liningon ko ang mga kaibigan na panay na ang tango kay sir sa mga sinasabi nito. Nai-abot ko tuloy ng wala sa oras ang water bottle ko na inilapag ko kanina sa harapan ko.
Saktong ilulunok ko n asana ang iinom ko nang maibuga ko ito sa harapan ko. “Ew! Martinez naman! Ang gross ha!” Natigil si sir sa pagsasalita at lahat ay napalingon sa amin pagkatapos sumigaw ni Sam ng pagkalakas-lakas.
Siya kasi ang nasa harapan ko at baka natalsikan ng naibuga kong tubig. “Nabasa ang likod ko Martinez! Tiganan mo nga! Halos buong likuran ko! Ghad!” Panay pa din ang bulyaw nito sa akin na binalewala ko dahil hinanap ko ang mga matang naging dahilan ng pangyayaring ‘to.
Pakitaan ka ba naman ng middle finger kahit wala akong ginawa. Sinong ‘di mabibigla? Pagkatapos officer pa siya! Hanep!
Nakita ko itong tinatakpan ng likuran ng kamay ang bibig niya. Tila nagpipigil ng tawa. Pinanliitan ko ito ng mata umaasang sa paraang iyong ay maapansin niya ang masamang tingin ko.
“Martinez, Valdez. What’s going on?” Tanong ni sir Tadeo dahilan para matigil ko ang masamang paninitig sa babae. Naipikit ko nalang ang mata sa inis nang makitang masama na ang tinging ibinibigay ni Sam sa ‘kin.
Napangiwi naman ako nang makaisip ng solusyon sa nagawa ko. “Oo na. I’ll buy a designer shirt mamaya.” Kaagad naman itong napangiti at parang walang nangyaring naupo ulit.
“Anong nangyari sa inyo Mr. Martinez?” ulit na tanong ni sir na sinagot naman ni Sam ng nakangiti dahilan para magpatuloy ulit ‘to sa pagsasalita.
Hinanap ko kaagad ang babaeng ‘yon sa harapan pero wala na ‘to sa kinatatayuan nito kanina. Pambihira, nagka-atraso pa ako.
Natapos ang meeting namin na may iilang oras pa bago ang unang klase kaya tinapos ko ng mabilisan ang assignment ko sa faculty habang palabas na ang lahat. Sabay naman kaming lumabas ng mga kabarkada ko na panay ang tawa sa nangyari kanina.
Nabulyawan ko pa nga sila kanina. Si Sam kinukulit ako kung kalian ko daw ibibigay ang pinangako ko. Ano naman kaya nai-promise ko? Natawa nalang din tuloy ako nang inis itong lumabas.
Tinutukso din kasi nila Ivan at Harold kanina kaya mas lalong nainis sa akin. “Grabe, kahit na nakakatawa kanina si Sam. Ang ganda talaga no’ng si Polivianna ano?” Napangiwi naman kaagad ako sa sinabi ni Harold na sinang-ayuan ni Ivan.
Sa hindi malamang dahilan ay na-badtrip ako ng todo pagkatapos nilang mabanggit ‘yon. “Si Poli? Oo! Ang ganda grabe!Si Poli! Oo!” walang sense na pinagsisigaw nila sa hallway habang papunta na kami sa room namin.
Mabilis naman akong naunang maglakad at iniwan sila. Mga abnormal. Ulit-ulitin ba naman. Isigaw ba naman sa hallway.
Galit ko naman silang liningon pabalik. “Mga tado kayo!” Imbis na magalit ay mas natawa pa sila. Pinantayan naman nila ako sa paglalakad at pabirong pinagsusuntok habang inaasar pa din sa pangalan ng Poli na ‘yon!
_________________________________________________________________________________
;)