CHAPTER 4

1110 Words
CHAPTER 4   Laking pagtataka ko nang tawagin ni Sir Tadeo ang atensiyon ko sa hallway habang papunta ako ng SSG office. “Cruz!” Pagtawag nito sa akin na ikinalingon ko. He ought me to come closer using his hand.   Kahit pa yata naka earpods ako ay maririnig at maririnig ko pa din ang pagkalakas-lakas na boses ni sir. “Uy sir!” I casually said nang makalapit ako sa kaniya. Ayaw kasi ni sir na masyado siyang igalang kasi nga daw sobrang weird at hindi pa naman siya nasa forties.   “Halika at may meeting kaming gaganapin sa faculty. Sumama ka na kahit na hindi ka pa nakapag-desisyon,” ani nito. Wala naman akong nagawa at hindi na naka-angal pa nang talikuran ako nito at nauna sa paglalakad.   I was playing with my fingers while walking behind sir. Hindi pa naman ako pumapayag ba’t naman ako isinama kaagad. Inis kong maktol sa isipan.   Nauna itong pumasok sa room at nagpa-iwan ako sa labas. Inantay ko munang mag-minuto at gusto kong i-ditch nalang si sir. Hahakbang pa lang sana ako nang lumabas ito ulit. Naiwan pa sa ere ang kamay na tatawag sana sa akin. Pinandilatan ako nito ng mata tila napansing balak ko siyang hindi siputin.   I smiled awkwardly nang mahuli ako. “N-Narinig ko kasi sir na parang may tumawag sa akin, hehe.”   “Pag-sure ba?” Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa sinabi ni sir. ‘yung tono ng pagsasalita nya is parang nagbibiro pero ‘yong mukha parang galit kaya nagdadalawang-isip ako kung tatawa ba o ano. Hays.   Ilang saglit lang ay pumasok na kami ng faculty room. Agad naming nagsi-tahimikan ang mga estudyanteng naroon nang nasa harapan na kami, marahil dahil kay Sir Tadeo.   Hindi ko inaasahang makakakita ako ng isang crocodile na ungas sa loob ng room matapos kong ilibot ang mga mata sa silid. I ignored him kasi parang hindi naman niya ako napansin. Nakatunghay kasi ito sa desk parang may ginagawa.   “Via.” Ibinaling ko naman ang tingin sa katabing si sir nang tawagin niya ako. I smiled at him na sinuklian naman niya. Parang ‘di plastic, amp.   “Hi! Guys. I’m Polivianna Cruz, SSG President of our juñior and señior high. I’m the newly chosen member of wiz club.” Pagpapakilala ko sa pinakamahinhing boses na alam ko. I smiled sweetly to them nang palakpakan nila ako after. Maaamo naman pala.   After my introduction ay nakatayo pa din ako sa podium ilang metro ang layo kay Sir Tadeo. Hindi po ako pina-upo. Ang galeng,lang. Inaliw ko nalang ang sarili sa pamamagitan ng pag-ngiti sa ilang nakakatagpo kong mga mata.   Sir Tadeo was discussing something related to the schedule of contests and training para sa taong ito. Competitive kasi talaga ang school namin mapa-sports man ‘yan o sa academic contests.   Speaking of sports. My eyes immediately went to the guy sitted sa pinakamataas ibig sabihin nasa pinaka-dulo. I crossed both of my arms below my chest.   Nang makita ko ito ay bigla nalang ulit nag-init ang ulo ko nang matandaan ulit ang ginawang pandaraya nito noong tournament. Mandaraya!   Nakita ko naman itong napatingin sa akin at inabot ang tubig. Pa-simple ko siyang binigyan ng f u sign gamit ang pag-angat ng daliri na siya lang ang makakapansin.   Laking tawa ko naman nang maibuga nito ang inumin. Kaagad na nagkaroon ng komusyon nang sumigaw ang babaeng nasa harapan niya. Pinigilan ko naman ang sobrang matawa.   Si Sir Tadeo ay nahinto sa pagd-discuss dahil sa komusyon. Dinig na dinig nga ang palahaw ng babae at pakikipag-away kay Martinez daw. “Ew! Martinez naman! Ang gross ha!”   Mas pinabuti ko pa ang pagpipigil na matawa nang malakas nang makita ko ang kabuuang likuran ng babae na basang-basa na para bang galing ito sa training, p.e o ‘di kaya naligo.   “Nabasa ang likod ko Martinez! Tiganan mo nga! Halos buong likuran ko! Ghad!”   “Martinez, Valdez. What’s going on?” Sumabat na sa usapan si sir nang makitang ganoon pa din ang sitwasyon.   Napalingon naman ako sa pintuan ng faculty nang sumilip si Stasha, SSG Secretary. Taas ang isang kilay na nilapitan ko ito. “What?May problema ba sa office?”   Kaagad na tanong ko dahil hindi naman talaga ito basta-bastang susugod kung simpleng problema lang sa office. My forehead creased when I heard and analysed what she just had said.   “Anong nangyari sa inyo Mr. Martinez?” Ulit na tanong ni sir. Liningon ko naman ulit sila. Okay lang naman ata na umalis ako.   Hindi na ako nakapagpaalam pa at lumabas na ng room. Sa labas na namin naipagpatuloy ang pag-uusap ni Stasha.   “Eh kasi, ‘yong iniwang budget ni miss para maayos na ang field nagkulang!” hysterikal nitong sumbong sa ‘kin.   Binigyan ko naman siya ng wierdong tingin but her eyes were at the glass window of the faculty kung saan kita sina Martinez sa labas.   “Hoy!Stasha.” pagtawag ko nang hindi ako nito pinapansin. “Hala,’di ko napansin! Andiyan pala si Martinez sa loob!” Namumulang anito.   Napa-iling nalang ako sa naging asta nito. I made face before leaving her there, drooling to that Martinez guy. As if naman na mapagaya ako sa kaniya ‘no! Napaka-pangit na nilalang naman no’n, che!   Mabilis ang lakad ko matapos kong iwanan si Stasha doon. Naka-ilang hinto pa ako para tingnan ang bruhilda kung sumunod na ba pero wala pa din.Pag talaga nagkalabasan na parang tanga pa din ‘yun doon. Natampal ko tuloy ng wala sa oras ang noo.   “I’m surrounded with, urh!” Ginulo ko nalang ang buhok nang maisip ang mukha ng kaibigan, mga mukha ng mga ka SSG mates ko, mukha ng teachers na naging kaibigan ko at pang huling nadagdag ay mukha nung ganid na sports player na ‘yon! Seesh.   “Pres!” Kaagad na nagsilapitan ang mga ka-mates ko nang makarating ako ng office. “Hala, asan si Stasha?” Nagtatakang tanong ni Craia, auditor namin.   Pagkatapos nitong hanapin si Stasha, ilang minute lang ang lumipas nang humahangos itong dumating sa office. I rolled my eyes at here. Napasimangot naman kaagad ito at nagpapa-cute na nag-pout. Parang pato naman.   “Ikaw na magtanong diyan Craia kung anong kabalbalan ang ginawa niyan imbis na sunduin lang ako.” I told her.   Kaagad namang sinunod ni Craia ang sinabi ko at naupo pa talaga sila sa couch habang busy kami. Narinig ko naman ang paulit-ulit na apelyidong Martinez sa pag-uusap nila. Hays, wala na talagang pag-asa ang mga ‘to. _______________________________________________________ ;)   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD