CHAPTER 5
Kailanman ay hindi ko na ulit nakita pa ang Cruz na ‘yon. “Ano? Sasabay ka sa amin na kumain o magsasabay kayo ni Lexy, ayie~” Sinamaan ko naman sila ng tingin nang tuksuhin ulit ako nila sa Lexy na ‘yon.
Katatapos lang ng pang-umagang klase naman at break time na kaya panay ang ingay ng mga baliw na ‘to. “Hi, Angelo.” Napapikit nalang ako nang marinig ko ang boses ni Lexy sa likuran ko. Naghiyawan naman ang mga walanghiyang kaibigan ko lalo na noong haplusin nito ang likuran ko.
Ni hindi ko namalayang pumasok ito ng classroom namin dahil nililigpit ko pa ang mga gamit ko. Pilit ang ngiting hinarap ko ‘to. Her smile grew wider.
“Hi. Please respect me. I don’t sway that easily like what you think.” Nagsitahimikan naman ang mga kabarkada ko matapos ko bitawan ang mga salitang ‘yon kay Lexy.
I don’t want to hurt someone’s feelings pero ayaw ko din na ginugulo ang buhay ko at pinipilit ang sarili nila sa akin. Lexy is known to be girly in our school. Sa katunayan ay hindi mo mahahalatang nagbibihis babae lang ‘to dahil sa ganda nitong mag-ayos sa sarili.
She then left after a minute or so.
Matagal na ‘yang sunod ng sunod sa akin. At first, it was okay but then naging sobrang clingy siya to the point na nang-aaway na ng ilang babeng napapalapit sa ‘kin.
“That was harsh,” komento ni Ivan nang makalabas na kami ng classroom. I just faced him with a lazy look. “You know that wasn’t harsh yet.”
“Ayos na din ‘yun para matigil na siya,” Harold commented, I felt bad pero matapos ‘yon sabihin ni Harold ay gumaan naman din ng kaunti ang loob ko. I just really hope he’ll now stop bugging me.
“Nagugutom na ako. Grabe kayo mag drama.”
“Parati kang gutom. ‘wag kami ulol!” natawa nalang ako nang magsimula na silang magbangayan habang kinuha ko ang phone para naman may pagka-abalahan.
“Order mo tol?” Harold asked me while scanning through the menu, listed at the counter top of the cashier’s.
“Kahit ano.” I shrugged. Inilagay ko sa bulsa ang magkabilang kamay habang inaaliw ang sarili sa pagtingin ng mga taong naglalabas-masok sa canteen.
Whenever someone meets my eye and smiled ay sinusuklian ko naman. Nagtaka lang ako nang pumasok na kami ng canteen ay dumami ang babaeng napasok.
Halos mapuno na ang canteen kaya nahirapan akong humanap ng space para sa ‘min.
“Tara na.” Nanguna si Ivan sa pagkuha ng number namin.
“Hindi ka naman halatang gutom,” pang-aalaska ni Harold. Sinamaan naman ito ng tingin ni Ivan.
I really hope, may mauupuan pa kami.
I spotted one table na kakasya kami lahat but it was situated near at the table of Poli, bago ko ma-realize.
“Ayun! Sakto may upuan pa!” Napapikit nalang ako ng mariin nang manguna ulit si Ivan sa mesa. Halos tumakbo pa nga ito na para bang may aagaw sa pwesto na ‘yun.
Nakaramdam naman ako ng tapik galing kay Harold bago ito nakangising sumunod kay Ivan. Wala sa mood maan akong sumunod sa kanila.
Ba’t ba ako nalagay sa ganitong set-up!
I helped myself to look unfavored of the situation. Nang lingunin ako ni Harold ay ganoon nalang ang pag-ngisi nito nang makita ang busangot kong mukha.
“Hi Poli!” I gritted my teeth when Harold stopped by at Poli’s table. Inosente naman itong binalingan ni Poli but then she smiled.
Tila nawala ang inis ko nang makita ko ang pag ngiti niya. Nang lingunin niya ako na ilang layo pa ang hakbang kay Harold ay bigla na lang akong kinabahan.
She rolled her eyes at me but she smiled back to Harold!
I walked pass by them nang nasa daanan pa din si Harold at halos doon na ito umupo kaka-entertain sa mga babaeng kasama ni Poli.
“Rold! Pagkain mo oh.” Nilingon ko naman ito kung kinuha na ba niya ang pagkain’ inorder niya. Kakagat na sana ako ng burger when I accidentally met Poli’s piercing eyes.
I raised a brow at her bago pinagpatuloy ang pagkagat habang mataman din na nakatingin sa kaniya. She then rolled again her eyes at me.
Buti di pa na d-dislocate ‘yang eyeballs niya kaka taray sa ‘kin.“Bro!” Inis ko namang liningon si Ivan nang pasigaw ako nitong tawagin.
“Putangina? Ano!” Hindi ko namalayang napalakas yata ang boses ko.
I know all of them here, na nasa loob ng canteen at kumakain ay narinig ako pero ang una kong liningon ay ang gawi ni Poli.
I never ever complimented her, kahit maka-ilang beses na kami nagtagpo. Malapitan man o malayuan but today her face hits me differently.
‘yung balance ng ilaw na nagmumula sa labas at tumatama sa mukha niya. Ewan! Mababaliw na ata ako. Baka nadala na nga ako sa panay na tukso ng mga kaibigan ko.
I cut my gaze at her at itinuon ang atensiyon sa pagkain. Kukuha na sana ako ng inumin na nasa gitna namin kung saan nandoon ang tray nang mamataan ko ang nanunuksong tingin ng mga kaibigan ko.
Si Ivan na may pigil na ngiti habang si Harold na nakangisi.
“Ano?” Inis na tanong ko. Ba’t ba sila ganyan makatingin.
“Ano?” paggaya nila sa boses ko na mas ikinainis ko pa.
“Ba’t pa kasi pinipigilan kung gusto naman…” Ivan teased more. Inambahan ko naman itong duduraan ng juice na nasa bibig ko.
“Chill lang!”
“Pero nasa tabi mo lang pare! Tawagin mo lang lilingon ‘yan!” pagsabay pa ni Harold.
Wala sa sariling napatingin ako kay Poli but wala na sila doon. Inis akong napapikit ng mariin nang maintindihan ang nangyayari. My friends laughter boomed all throughout the corners of our canteen.
I gritted my teeth while they are still laughing in front of me.
“Grabe! Lakas tama!”
“Redhorse beer siya!” they laughed in unison.
The feeling na inis na inis ka na pero nagpipigil. Lagot talaga sa ‘kin ang mga ‘to mamaya.
“Tado! Ewan ko nga sa inyo!” Mas lumakas pa ang tawa nila nang tumayo ako at iwan sila. Walanjo hanggang sa pintuan ng canteen dinig na dinig sila. Tarantado talaga. Napa-iling nalang ako.
___
;)