CHAPTER 6

1159 Words
CHAPTER 6   Ilang araw ko nang na-f-feel na parang may nakatingin sa ‘kin palagi. I don’t know, maybe I am hallucinating.   “Oy! Poli!” kunot noo kong tinitigan ang dalawang lalaking tumawag sa ‘kin. Humahangos pa ang mga ito at parehong naka-suot ng jersey na pang table tennis na game. Bigla kong naalala na mga kaibigan pala ‘to nung weirdong Martinez na ‘yon na mas lalong nagpakunot ng noo ko.   “Nakita mo ba si Gelo?”   “Gago bro, si Martinez kasi Ms.Poli.”   Why are they asking that to me? Mukha ba akong taguan ng nawawala?   Ikinumpas naman ng naunang nagsalita ang mga kamay nang panliitan ko sila ng mga mata. “Ah, wala wala kalimutan mo na pala ‘yun,” biglang sabi nito at linagpasan ako.   Weirdo ko naman silang sinundan ng tingin nang magtatakbo ito sa kabilang building na kaharap nito. Nang magawi ang mga mata ko sa ikalawang floor ay mas lalong kumunot ang noo ko nang makita si Martinez na nakatunghay sa barandilyas.   He is intently looking at me pagkatapos ay biglang ngumisi at kumaway. I made face bago naglakad muli.   “Creepy bullshit,” I uttered out of nowhere while walking.   Kahit noong mga sumunod na araw ay parati ko pa din nararamdaman na parang may nakatingin sa akin but then naabutan ko o nahuhuli ko ang pares na mga mata ni Diko   “Poli girl…” Andrea cutted my reading time when she suddenly popped in front of me dito sa library. I raised a brow at her at sinara ang kanina ko pang binabasa na novel. Binuksan ko naman ang isang libro na para sa science subject namin.   “May nagtanong sa akin kanina kung ano daw paborito mo?” patanong na sinabi sa ‘kin ni Andrea na nagpatigil sa akin sa paglipat ng pages.   “Sino naman?” takang tanong ko.   Kakatanong ko palang nang gulat akong tumingin sa dumating na si Liam. “Anong ginagawa mo dito? Wala kang pasok?” sunod-sunod kong tanong. Hindi naman ito kumibo at naupo nalang sa tabi ni Andrea.   Inusisa naman ni Dre ang dala ni Liam kanina na padabog nitong nilapag sa harap namin. I glanced at it at ibinalik ulit ang tingin sa nagdala.   “Practice game namin dito sa inyo ‘tapos inutusan akong dalhin ‘yan dito,” yamot nitong sagot. Binigyan ko naman siya ng hindi makapaniwalang tingin. Inismiran lang ako nito at nginuso ang likuran ko.   Out of curiosity ay liningon ko naman, only to see that Martinez guy’s back talking with his friends. Sinamaan ko naman ng tingin ang dalawang kaibigan niya na biglang nawala ang ngiti at nginuso ako.    Nalingon naman si Martinez pagkatapos n’on. Inis ko siyang tinapunan ng tingin bago tumayo. Umiinom na pala si Drea ng milktea na inilapag kanina ni Liam at alam ko kung kanino galing ‘yon!   Napanganga naman si Andrea nang agawin ko sa kaniya ang iniinom niya bago ibinalik sa plastic bag. “Angal?”   “Sinabi ko?Nagsalita ako? Nagreklamo ako?” lumingon naman si Andrea kay Liam at doon nagtatatalak sa harapan nito. “Tamo ‘to ‘di nga ako nagreklamo.”   “Gaga ‘to, wala akong sinabi!”   I walked towards the table of Martinez. Napatayo naman ang mga kaibigan nito nang ihagis ko sa lamesa nila ang bigay nito ‘yung isa pa nga ay nahulog sa inuupuan pilit namang pinipigilan ng kasama nito ang matawa.   I glanced at Martinez but he looks amused!   “Hindi nasusuhulan ang pagiging mandaraya Martinez,” mahina kong sabi bagama’t lahat ng salita ay pabagsak kong binigkas.   Kinagat naman nito ang pang-ibabang labi. I rolled my eyes. Aalis na sana ako nang hawakan nito ang palapulsuhan ko.   I kicked him just right at the soft spot of all men.   May narinig naman akong ilang napa ‘oww’. Nang namimilipit pa ito sa sakit ay inagaw ko na ang pulsuhan ko at umalis.   Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko ng mabilisan ay liningon ko pa ito na masamang nakatingin sa akin habang ang mga kaibigan nito ay kinakantiyawan siya. I put my tongue out na mas lalong nagpaliit sa mga mata nito.   Kala mo ha.   “Masakit ‘yon ah!” reklamo ni Liam nang lumabas na kami ng library.   “Apaka oa mo ‘no? Para namang ikaw ‘yong tinadyakan ko.” Inis kong bulyaw sa kaniya.   “Nagkokomento lang uy! Alam ko naman kung gaano ka kalakas manadyak.”   “Talaga.”   Days passed by at malapit na kaming mag-graduate ng senior high. I would take nursing as my pre-med course kaya sobra-sobra ang paghahanda ko.   Maka-ilang ulit pa akong tinanong ni Liam kung nakikita ko pa ba daw ‘yung Martinez na ‘yun. Hindi naman ako nakasagot , alangan namang bantayan ko lang ‘yon kung sumusunod ba sa ‘kin o ano.   Sa araw din na ‘yon ay nagabihan ako sa pag-uwi. I was reviewing in the SSG office the whole day kasi may activity sa school pero ‘di ako sumipot.   “Pukinangina mo!” gulat kong naibulalas nang may humarang sa harapan ko. Paano ba naman eh sobrang dilim na tapos manggugulat!   “Martinez?!” Pagkilala ko nang mamukhaan ang nasa harapan. Ilang araw na akong walang pake sa taong ‘to pero bakit masaya ata ako ngayon?   “Ahm…Hi Poli!” I crossed both of my arms. “Anong hi Poli ka diyan! Baliw ka ba?!”   “Sa ‘yo? Oo. Charot pero may kasamang harot. Charot ulit!” singit nito na sinamaan ko ng tingin. “Ba’t ka ba nanggugulat!”   “Hindi naman ‘yun ang sadya ko. Gusto ko lang sana makipag-usap. Sincere, ganun.”     I was caught off guard sa sinabi niya. I can only hear crickets after. Wala naman talaga siyang ginawa. Nagreklamo kasi ako noon sa coach ko sa journalism na nanood din nung time na ‘yun at sinabi niyang pasok naman daw talaga ang tira ni Martinez.   “S-Sure.” I said. He smiled. Felling a bit guilty.   We talked at the old rofftop. “This wouldn’t take long.” He stopped walking and faced me.   Nauuna kasi siyang maglakad papaakyat. Hindi ko naman napansin na may flash pala ang cellphone ko. “Ano ‘yun?” lito niyang baling ulit sa akin.   I just rolled my eyes at nauna na sa kaniya. “Pinucture-an ko lang ‘yung likuran mo! Just in case you know.”   I didn’t heard him answer.   Ilang oras na yata at tahimik pa din siya sa tabi ko while we are at the rail. “Ano ba ‘yun? It’s getting late.” I told him.   He looked at me. Napalunok pa ito bago magsalita.   “I like you.”   _________________________________________________________________________________ ;)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD