••• C H A P T E R [ 43 ] Aika Mendez Nagising ako sa kama ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan ko at ang sakit ng ulo ko pero hindi ko ‘yun inalintana at sinubukan kong gumalaw. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari nang mapagtanto kong nawalan ako ng malay kanina sa cr. Inikot ko ang mga mata ko sa buong silid at napansin kong madilim na sa labas ng bintana. Nakita ko rin si Maica na may kausap na matandang babae sa labas ng kwarto ko. Mukha itong isang doktor dahil sa kasuotan at mga gamit na hawak nito. Sinubukan kong tumayo sa kinahihigaan ko upang kumuha ng tubig sa mesa na nasa tabi ng higaan ko pero wala talaga akong lakas para gawin iyon. Napansin ni Maica na gising na ako kaya dali-dali siyang lumapit sa akin. “Aika, you’re awake! Huwag ka munang kumilos. Hindi

