••• C H A P T E R [ 42 ] Aika Mendez Naramdaman ko ang kamay ni Maica na pumatong sa braso ko. Pilit niya akong pinapakalma dahil patuloy ang pagbugso ng luha sa mata ko. Mabigat ang dibdib ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatanaw ako sa libing ni Inang. Hindi ko magawang lumapit. Hindi ko man lang siya nakausap at nakita sa huling pagkakataon. Gustuhin ko mang lapitan siya ay hindi pwede dahil sa sinabi ni Maica. Wala dapat makakaalam kung nasaan kami hangga’t hindi pa namin nagagawa ang plano. Alam din naming hindi aksidente ang nangyari kay Inang. Hindi siya namatay dahil sa sakit ng puso. Malakas ang kutob namin na pinatay siya. They killed her and I know he was behind all of this. Imposibleng magkaroon ng sakit sa puso si Inang. Malusog at malakas pa siya at

