••• C H A P T E R [ 41 ] Aika Mendez Nagmamadali akong bumaba sa motor na sinakyan ko at agad akong pumasok sa building kung nasaan ang condo ni Maica. Siya lang ang kaisa-isang tao na pwede kong lapitan. Siya lang ang alam kong pwede ko sabihan lahat ng nangyari sa akin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ako nakaalis sa puder ng demonyong Tyler na ‘yon. Hindi lang siguro pananakit ang gagawin niya sa akin kung hindi ako nakatakas. Baka mapatay niya pa ako dahil sa ginawa ko. Wala na talaga siya sa sarili niya. Nilamon na siya ng kabaliwan sa utak niya. Pero nung nakawala ako sa kanya parang binunutan ng milyon-milyong takot ang puso ko. Mabuti na lamang at naisipan niya akong ilabas kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas. He’s no person at all. Marapat na nga ak

