••• C H A P T E R [ 40 ] Maica Mendez Ipinarada ko ang sasakyan ‘di kalayuan sa townhouse kung saan ako dinala noon ni Tyler. Ako lang ang may alam sa town house na ito. Kahit si Kyzer at ang pamilya niya ay hindi alam na may sikretong townhouse ang kapatid niya sa lugar na ito except uncle Mike, I believe he knows this place. Tiningala ko ang mata ko at pinagmasdan ko ang buong bahay. Oo, pumunta ako dito dahil pakiramdam ko na dito dinala ni Tyler ang kambal ko. Habang pinagmamasdan ko ang townhouse ay naalala ko ‘yung araw na dito ko unang nalaman ang totoong pag-uugali niya. Dito ko unang naranasan ang kalupitan niya bilang asawa ko. Dito niya rin ako pinagsamantalahan at itinago ng ilang araw sa pamilya ko. No one has helped me here the day I suffered from him and I don’t want A

