••• C H A P T E R [ 45 ] Maica Mendez Pumasok ako sa kwarto ni Aika and she’s sitting on the bed doing nothing. Nakatulala lang siya sa isang pader habang may hawak-hawak siyang unan. Simula nang mailibing si Inang, ilang araw na siyang tahimik at hindi makausap ng maayos. She’s really hurt about what happened. Hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin sa kondisyon niya. Ilang araw ko na rin napapansin na ilang beses na rin niyang sinusuka ang mga pagkaing binibigay namin sa kanya. Minsan hindi niya rin ito kinakain dahil ayaw ng panlasa niya. She’s always sleeping, and nakikita kong uminom siya ng gamot sa sakit ng ulo. We told her na dadalhin na namin siya sa hospital para matignan siya muli ng doctor pero ayaw niya. Binibisita naman siya ng doctor dito pero iba pa rin kung n

