••• C H A P T E R [ 46 ] Maica Mendez After 1 year Inilayo namin si Aika sa lugar na ‘yon nang mahigit isang taon hanggang sa maipanganak niya ang anak nila ni Tyler. Iyon lang ang naisip naming paraan para mapabuti ang lagay niya dahil hindi maganda kung mananatili kami sa lugar na nagbigay sa kanya ng sama ng loob at kawalan ng pag-asa. Hindi rin ligtas sa kanya at nang anak niya na manatili sa lugar na ‘yon dahil alam naming may pag babanta sa buhay niya lalo na’t hindi alam ni Tyler na may anak sila. Kung nakayanan nilang patayin si Inang at subukang patayin ako, hindi impossible na gawin din nila ito kay Aika. Natatakot din ako na baka madamay si Kyzer sa galit nila once na malaman nilang nasa panig namin siya. Alam kong hirap na hirap na rin siyang itago ang lahat sa pamilya n

