••• C H A P T E R [ 29 ] Aika Mendez “KYZER? Nasaan tayo? Akala ko ba iuuwi mo na ako?” tanong ko nang lumabas ako sa sasakyan niya. Mula sa kinaroroonan namin ay damang-dama ko ang lakas ng ihip ng hangin. Pinalilibutan din ng puno ang buong paligid. Sobrang presko ng lugar na ito at malayo sa syudad. May naririnig din akong hampas ng alon hindi kalayuan. Tingin ko ay malapit kami sa tabing dagat. “Sumunod ka sa akin,” tanging tugon ni Kyzer at hindi niya pinansin ang tanong ko. Sinundan ko siya sa matirik at mabuhanging daan at nakarating kami sa isang modern villa. Halos mapanganga ako sa sobrang ganda nito. May dalawa itong palapag at gawa sa mamahaling salamin ang mga bintana. The outer and interior design of the villa was great. Makikita rin ang swimming pool at maliit na garde

