Chapter 30.1

2367 Words

 ••• C H A P T E R [ 30.1 ]  Maica Mendez MASAYA akong sinalubong ni Kyzer nang makarating ako sa lugar na pinagkasunduan naming dalawa. Dumampi sa balat ko ang malamig na hangin at saksi sa mata ko ang kagandahan ng sikat ng araw na unti-unting kumukupas sa kalangitan. Rinig na rinig ko rin ang kalmadong paghampas ng alon sa dalampasigan.  Narito kami ngayon sa tabing dagat. Ito ang paborito naming lugar. Ang lugar na naging saksi sa pagmamahalan naming dalawa na ngayo’y kailangan ko ng wakasan. Puno ng memorya… Puno ng masasayang alaala na tila mawawalan na lang ng saysay kasi mas kailangan ko ng pagtuunan ang buhay na pinili ko ngayon kaysa sa kanya. Mabigat ang didbib ko habang dinadala ko ang sarili ko rito. Hindi ko alam kung anong salita ang marapat kong ibato sa kanya ngayon pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD