C H A P T E R [ 50 ] Maica Mendez Matapos sabihin sa amin ni Tyler na si Kyzer ang tumulong sa kanya para mahanap kami ay agad kong nakita ang pigura ni Kyzer na pumasok sa silid. May mga galos ang mukha niya na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nakatungo siya at hindi makatingin sa amin. May dalawa ring lalaki na nasa likod niya na tila binabantayan ang bawat galaw niya. “Hey, brother, nandito ka na pala. Thanks to you dahil ang dami kong nalaman ngayong araw na 'to. For the first time, you made a big contribution for my entire life.” He grinned. Mahina rin siyang tumawa at tinapik nito ang balikat ng kapatid. Hindi ko inalis ang nanlilisik kong mga mata sa kanila. Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano niya kami nagawang isuko sa kapatid niyang demonyo? Anong pumasok sa utak niya

