C H A P T E R [ 49 ] Maica Mendez Nagising ako sa isang malambot na kama. Hinawakan ko ang aking sintido dahil sa sobrang pangingirot ng ulo ko. Inikot ko ang mata ko sa buong silid at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mga bintana na saradong-sarado ng mga railings at mga kahoy na tila ipinako para hindi kami makalabas. Agad akong napatayo sa aking kinahihigaan at mabilis kong hinanap si Aika at ang anak niya. I was worried when I saw her beside me. Pero wala roon ang baby. Nakaramdam muli ako ng matinding kaba. Agad-agad ko siyang niyugyog at ginising. “Aika! Wake up! Aika! We’re in danger!” Napabalikwas siya ng bangon at agad humarap sa akin na tila naguguluhan sa mga nangyayari. . “Maica? Are we home?” pagtataka niyang tanong. Napailing ako. Matapos ‘yon ay inilakba

