C H A P T E R [ 48 ] Maica Mendez Napangiti ako nang hanapin ni Aika ang anak niya. Maingat siyang nagpaalalay na itaas ang ulo niya sa kama. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pangamba at pag-aalalala. “How’s your feeling? Okay ka na ba? May nararamdaman ka ba? Tell me! Tatawag ako ng doktor or nurse,” sabi ko pero hindi niya ‘yon pinansin at hinanap lang ang anak niya. “Where’s my b-baby?” sambit niya at inikot ang mata sa buong silid. Agad kong kinuha ang sanggol sa kinahihigaan nito at dahan-dahan kong ipinakita ito sa kanya at habang pinagmamasdan niya ang bata ay bigla na lang siya naluha at alam kong ang iyak na ‘yun, it was tear of joy. Napangiti ako nang makita ko siyang ngumiti nang masilayan niya ng maayos ang anak niya. “Gusto mo ba na itabi ko siya sa’yo?” tanong

