••• C H A P T E R [ 32.1 ] Aika Mendez KABADO akong nakatayo sa pintuan ng condo namin ni Tyler. Direkta akong nakatitig sa door knob at hinihintay ko ang sarili na pihitin iyon. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko magawang igalaw ang kamay ko. Naiisip ko pa rin lahat ng ikinuwento sa akin ni Maica. Paano kung gawin niya rin sa akin ang ginawa niya sa kapatid ko? Paano kung saktan niya ulit ako? Dahil sa mga nalaman ko, nagdadalawang isip ako ngayon kung totoo ba lahat ng pinapakita niya sa akin. Mahal niya ba talaga ako o baka pinaglalaruan niya lang ako. Hindi ko alam. Gulong-gulo na rin ang utak ko. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko once na hinarap ko siya ngayon. Hindi mawala ang galit sa puso ko sa kadahilanang siya ang naging rason kung bakit namatay ang

