••• C H A P T E R [ 32.2 ] Aika Mendez MASAYA kaming naghapunan habang nagkukwentuhan. Nang maisip kong itanong sa kanya ang tungkol kay Maica. He never opened anything to me about my sister at ngayong sinabi niya sa akin na gusto niyang maging bukas sa lahat ng nararamdaman niya. Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin siya tungkol do’n. “Tyler…” “Hmm?” “Alam ko wala ako sa lugar para itanong sa’yo ito, but I just want to know your story about you and my twin. Gusto ko lang malaman kung ano ang kwento niyong dalawa. Kung gaano niyo minahal ang isa’t-isa,” sabi ko kahit alam ko naman talaga na sa kanilang dalawa. Si Tyler lang ang nagmahal kay Maica. Nagbago ang reaksyon niya. Nawala ang mga ngiti sa labi niya. “Uhm… It’s okay. Kung hindi mo kayang ikwento. Tingin

