HINIHINGAL na dumating si Seb at kaagad na hinanap sa gitna ng nagkakagulong pangyayari ng hold up-an si Aerra. Kung hindi pa napanood ng binata ang nangyayari ay hindi ito mapapatakbo ngayon kung nasaan si Aerra. Ibinilin pa naman ang dalaga kay Seb na alagaan at ingatan kapalit ng pagpayag ng ama niya sa pagsali sa kapulisan.
Pawisan, magulo ang buhok at nag-aalalang mukha ang tumambad kay Aerra nang pumasok si Seb sa eksena. Pangalan nga agad niya ang narinig ni Aerra na sinisigaw nito na animo ay naghahanap ng anak na matagal nang nawalay at hindi makauwi-uwi sa bahay. Itali na kaya siya ni Seb para hindi parang timang na laging hinahanap na dinaig pa niya ang wanted.
Kaagad siyang niyakap ni Seb bago pa man siya makapagsalita. Napaurong siya at saka kumawala sa pagkakayakap nito na hindi naman nito pinayagan.
"Seb, ano ba! Maraming tao, nakakahiya."
Kumawala rin naman ito at hinawakan ang kamay niya saka diretsong hinihila siya palayo sa mga kumpulan.
"Uuwi na tayo."
Napahinto siya sa sinabi nito. "What? Are you out of your mind? Nasa gitna ako ng trabaho," pagmamatigas niya.
Binato siya nito nang ma-awtorisadong tingin. "This is out of your job, Aerra. Hindi ba sa police station lang ang trabaho mo? Why are you here? Puwede kang masisante dahil unauthorized ang pagpunta mo."
Napairap na lang siya sa ere mula sa paliwanag nitong kulang na lang ay idikdik sa kanya na wala siyang karapatan sa field. Teka nga lang, paano pala nito nalaman na hindi siya puwedeng magtrabaho sa field? May alam yata ito na hindi niya alam. O kaya ay ito ang may pakana kung bakit siya naka-ban sa field. Sa kabila ng ginawa niyang pagtulong, pagresolba ng mga kaso at pag-aksyon, siya pa ang na-ban. Hindi naman yata katanggap-tanggap iyon.
Pumamewang siya saka sinalubong ang mapagmataas na tingin ng binata. "Explain to me why I am ban on the field work?" tahasang tanong niya sa binata.
"Oo na. Ako na ang nagsabing hindi ka puwede sa field." Hindi na ito nagdahilan pa ngunit halata ang desperasyon sa boses nito. Defensive. He brush his own hair up from forehead. And settle his posture. Bumaba ang boses nito at nawala na ang pagkairitable. "Ayaw ko lang kasing may mangyaring masama sa 'yo. Ayaw kong mawala ka sa 'kin."
Okay, he's declaration of love is superb and incomparable. At inaamin niyang lumukso nang ilang ulit ang puso niya. Pero mali parin iyon.
"I will not blame what you did. Pero sana intindihin mo rin na ito ang gusto ko. Ito ang pangarap ko. Kung pipigilan mo lang ako sa pangarap ko, let's end this."
She walk out at nagmadaling makapara ng sasakyan. Gusto mang intindihin ni Aerra ang dahilan ni Seb, mali parin iyon. Kung ang kanyang ama nga ay hindi siya napigilan, ito pa ba na hindi naman niya kaanu-ano?
Nasaktan siya sa ginawa nito. Buong akala niya ay malinaw na sa kanila na magtatrabaho siya bilang pulis. Akala niya ay nagkasundo na sila gaya ng pagkakasundo na i-postponed muna ang pagpunta nila sa bahay nito para maipakilala siya. Ngunit hindi suporta ang ibinigay ni Seb sa kanya, pinasama pa nito ang kalooban niya.
Kahit hindi sabihin ni Seb ay alam niyang mahal siya ng binata. Stating the fact. Ngunit mahal din niya ang trabaho at mas gugustuhin pa niyang maghiwalay sila ni Seb kesa ipagpalit niya ang pangarap niyang ito.
Hindi na siya sinundan pa ng binata hanggang makapara siya ng taxi. Bumalik na lamang siya sa police Station at naghintay hanggang bumalik ang mga kasama.
Narinig pa niya ang mga kasama na bumati sa kanya ng 'good job' nang makabalik ang mga ito. Gumanti lang siya ng ngiti at hindi na rin pinansin ang mga ito.
Her mind is still wandering kung patatawarin pa ba niya si Seb. Ngunit biglang nagbabago ang lahat ng emotions niya. Ang lahat ng sama ng loob niya ay parang lobong lumipad at pumutok, sa tuwing maaalala niya kung paano siya pinahalagahan ng binata.
Sigurado naman siya sa nararamdaman niya, mahal niya ang binata pero humahadlang nga lang ito sa pangarap na ngayon na niya unti-unting nabubuo.
Ugh! Pagod na siya. Sa ngayon kailangan na muna niyang pagpahingahin ang isipan at ang sariling puso. Gusto muna niyang matakasan ang lahat. Saka na iisipin ni Aerra ang mangyayari.
NAKATAYO na sa harapan ng bahay nila Sebastian ang dalaga. Buo na ang loob niyang puntahan ang pamilya nito, naroon man o wala ang binata. Samantalang noong nakaraan lang ay halos wala siyang balak kibuin, tumawag o mag-message sa binata. Galit at naiinis siya ngunit napawing lahat nang bawiin nito ang pag-ban nito sa kanya sa field at mga operation. Para na rin nitong sinabi na wala na itong pakialam at nakikipaghiwalay na, kaya hindi siya makapapayag na mangyari iyon. Matapos nitong pahulugin ang damdamin niya at ma-in love nang husto ay ganoon-ganoon na lang. Natural lang na komontra siya. Kaya pamilya nito ang naisip niyang puntiryahin.
Huminga muna siya ng malalim bago inalis ang suot na shades saka ini-scan ang bahay. Naroon ang may edad na lalaki na tiyak niyang ama nito, nagme-merienda kasama ang isa pang lalaki na may hawig kay Seb ngunit mas malaki ang pagkakamukha sa ama nito. Naroong naghuhugas ng plato ang isang babaeng may edad na rin. Sa pagkakaalala niya, namatay na ang ina ng mga ito at tanging ang ama na lang ang umaasikaso.
Kaagad na siyang nag-door bell nang matiyak na safe sa loob at hindi alanganin ang sitwasyon.
Ang matandang babae ang nagbukas matapos niyang isuot ang shades.
"Magandang hapon po. Ako nga pala si Aerra Carinan, nobya po ni Seb."
Nanginang ang mata ng babae at kaagad siyang pinagbuksan ng nakangiti. "Ay, Halika! Pasok ka."
"Nasaan po si Mr. Delgado?"
Kahit na alam na niya ay tinanong parin niya.
"Come here, Hija!" sigaw ng may edad na lalaki.
Napatingin siya ng diretso sa matanda at iniiwasang tumingin sa kung saang bahagi ng katawan nito matapos ibaba ang suot na shades.
"Magandang hapon po."
Ibinaba niya ang dalang tatlong box ng pizza na iba-iba ang flavor.
"Wow! Maganda ka nga, hindi nga nagkamali sa pagpili si bunso!"exaggerated na sabi ng Kuya ni Seb. "Pabs nga pala, Kuya ni Seb."
Ngumiti lang siya.
"Wala dito si Seb kung hinahanap mo siya," singit ng ama ni Seb.
"Kayo po talaga ang sadya ko Mr. Del--"
"Call me Tito. I will be glad if sooner or later you'll be part of the family."
Pinaghila pa siya ng upuan ng nakatatandang kapatid.
"Maganda ka na talented ka pa. Napanood ka nga namin sa news nang iligtas mo ang buhay n'ong guard."
"Thank you."
"Ba't mo nga pala ako sinadya dito, Aerra?"
"Alam n'yo na siguro na nagkakalabuan na kami ngayon ni Seb dahil sa kaunting issue. Unang-una gusto ko hong mag-sorry sa mga kasalanan ko at ng Daddy ko sa inyo."
Mabilis na umiling ang ama ni Seb. "Past is past. Nakalimutan ko na nga iyon. Alam ko namang nagdadalamhati ka sa nangyari sa iyong ina kaya hindi naging objective ang nangyari."
"Thank you po! Napakabuti n'yo."
Sumingit si Pabs. "Ano bang ginawa ni bunso at mukhang nagkaroon kayo ng alitan?"
"Pina-ban lang naman niya ako sa mga field operation. Nagalit siya nang sumunod ako sa hold-up-an. Gusto ko ang trabaho ko. I dreamed this bago pa siya dumating, bago ko pa siya nakilala."
"Nag-aalala lang sa 'yo si Sebastian. I'm sure mahal ka n'on."
"Tama si Dad! Concern lang sa iyo si Bunso, isa pa mukhang malakas ang tama kaya ganoon ka-protective."
"Ha'mo at pagsasabihan ko ang batang iyon. Maiba ako, kumusta naman ang Daddy mo?"
"Okay naman si Daddy. Gaya ni Seb, kontra din si Dad na magpulis ako, but then pinayagan din niya ako sa wakas."
"Good to know that."
"Pasensya na po talaga kayo sa akin before."
"It's alright don't mention it." Isinuot pa ni Aerra saglit ang shades para matiyak na bukal nga sa loob ng Ginoo ang pagtanggap ng paghingi niya ng dispensa. Totoo naman ang nakikita niya, tanggap nito ang paghingi niya ng kapatawaran.
"Don't worry hija, kami na ang bahalang kumausap sa kanya."
"May hihingin lang po sana akong pabor."
"Go ahead, ano iyon?"
Tumayo na si Pabs. "Dad, Aerra, right?" pangungumpirma pa nito sa pangalan niya. "I have to go, may date kami ni Priscilla, baka mapurnada pa ang nalalapit kong kasal kapag na-late ako. Bye sa inyo!"
Ikakasal na pala ang kuya ni Sebastian. Mukhang kailangan niyang mag-make way para sa Kuya nito.
"Ano nga pala ang pabor na hihingiin mo?" tanong ng Ginoo.
"Gusto ko ho sanang makipag-ayos kay Seb sa paraan na ayaw ko na rin siyang mawala sa buhay ko. I've never been sure of my life until I met him and I wanted us to have a strong relationship."
Napatango-tango ang Ginoo na parang alam na ang nais niyang mangyari.
"So tell me, what is your plan and when would you like to do this plan?"
Mukhang boto sa kanya ang ama at pamilya ni Seb, tingnan pa niya kung makatakas ang binata sa gagawin niya.