Vision 14

1657 Words
"LOOKS like, I will hear a wedding bells!" Napatayo si Aerra sa boses ng ama. Natatarantang hinablot niya ang kumot sa katabi at saka inalog ang tulog na tulog na binata. s**t! Anong oras na kaya? Bakit hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya? Bakit napahimbing din ang tulog niya? O tamang sabihing nag-enjoy din siya na katabi sa iisang kama si Seb. "D-Dad, we didn't do anything.." "I know. Wala naman akong nakitang may ginagawa kayong masama." Napabalikwas din ng bangon si Seb at pupungas-pungas na humarap sa kanyang ama. "Good morning, Tito. Puwede po bang matulog pa? Inaantok pa ako eh." At ang loko-loko nga ay muling humiga at nagtalukbong pa ng kumot. Siya na tuloy ang nahiya at tumayo. Pambihira, hindi man lang nahiya ang isang ito at parang wala lang dito ang ginawa nila. Nakakahiya sa kanyang ama! Inakay niya palabas ang ama na kuntodo ngiti pa sa naabutan. Teka nga lang, kauuwi lang ba ng kanyang ama ngayon? Sa Ospital ba ito natulog? O wala pa itong pahinga? "Dad, did you sleep?" "Yeah, yeah! Sa Ospital na ako nagpahinga. May sasabihin sana ako saiyo." Tinimplahan muna ni Aerra ng mainit na kape at hinandaan ng scrambled egg bilang palaman sa slice bread ang ama saka hinayaang makaupo. Nang sulyapan ang wall clock sa dining, pasado alas siete na ng umaga. Biglang sumikdo ang puso niya. Tila tinatambol sa labis na kaba. Ano kaya ang sasabihin nito ngayon? Hindi siya excited lalo na sa malungkot nitong anyo na parang napipilitan sa sasabihin. Madalas naman ay masaya ito kapag may sasabihin at hindi ganitong tensyonado. Umupo na rin siya, naglagay ng slice bread saka sumandok rin ng sunny side up. "Dad.. Kung nakakatakot ang sasabihin n'yo, ituloy n'yo na kesa atakahin ako sa nervous. Pakiramdam ko kasi nakakakaba ang sasabihin n'yo." Mapait na ngumiti ito. Hindi niya gaanong maaninag sa mga mata nito ang emosyon. "I am given you the permission to join the police." Nagningning ang mga mata niya na automatic na parang bell na tumunog sa tainga niya. "Totoo, Dad?" pangungumpirma parin niya kahit narinig na sa mismong bibig ng ama. Nais parin niyang sumagot ito. "Yes, Dear." Tinitigan niya ang anyo ng ama kahit pa tagusan ang nakikita niya. Kinuha niya ang shades at sinuot saka binusisi ng tingin ang ama. "Pero bakit parang malungkot naman kayo?" "I'm just worried. Whatever you'll like I'd be happy for you." Napatayo siya at patalikod na niyakap ang ama habang nakaupo parin ito. Humalik pa siya sa pisngi nito. "Thank you so much, Dad. I love you." Hindi na nawala-wala ang mga ngiti sa labi ni Aerra hanggang nagising si Seb at nahihiyang nagpaalam. Nagdahilan pa ito na inantok kaya sa kanila nakatulog. Hindi naman tumutol ang ama at mukhang gusto pa nga ang nangyayari. Ang kapalit nga lang ay kailangan nitong pakasalan siya na sinang-ayunan naman kaagad ni Seb nang walang pagdadawang isip. Masiglang nag-ayos si Aerra para tumungo sa himpilan ng pulis. Lehitimo na siyang magiging kasapi ng kapulisan. Pinaghandaan talaga niya ang lahat matapos maipasa ang mga misyon. Taas noong pumasok pa si Aerra sa hall, ngayon siya ipakikilala ng Hepe. Suot na niya ang uniporme at isa na ngayong Police Officer 1, ngunit may hadlang sa pangarap niya. She was informed that this particular person is against her. He wanted her to waive and withdraw her application. Ano siya? Baliw! That is no longer on her system. Ang layu-layo ng narating at pinagdaanan niya tapos magwi-withdraw lang siya. Hindi siya makapapayag! Sinsabi pa naman ng taong ito na hindi siya deserving at marami pa raw siyang dapat pagdaanan, kumbaga marami pa siyang kakaining bigas. Nunca na umatras siya. She will prove herself and impress him for whatever he's upto. But she will never give up. Takot lang yata itong maungasan niya kaya nabahag ang buntot at tumututol sa desisyon ng Hepe at desisyon niya. Ano naman ang pakialam niya? Hinding-hindi siya magpapaapekto. Pagpasok ay binati pa siya ng mga makakasama. Nakapila ang mga ito at gumawa ng isle na siya ang dadaan. Kung dito lang din siguro naka-aasign si Seb baka puwede pa niya ito matulungang ma-promote. Sa Laguna kasi siya in-assign ng Police General, malayo kay Seb. Mainam na rin siguro na malayo sila sa isa't-isa para hindi siya mahihiya at matatago pa niya ang hiya lalo na nang makaamin na siya kay Seb at opisyal ding naging sila na. Tinanggap ni Aerra ang pulumpon ng mga bulaklak na inabot sa kanya ng Hepe ng mga pulis kung saan siya magtatrabaho. She was so glad to be with them. Part of the family. "Mukhang may kaunti ka lang na problema, hija." Napatitig siya sa katabing nagsalita. Sinulyapan niya ang name badge sa dibdib nito, SPO3 Monsor. Ano naman kaya ang problema nito? "Hindi ka sasabak sa ingkwentro," patuloy nito. Ang ingkwentrong sinasabi nito ay ang misyon o operation. Ibig sabihin hindi siya sa field magtatrabaho? Marahas na sinulyapan ni Aerra ang hepe. "Chief, hindi ako sa Field?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hindi naman sa ganoon, hija. Pero hindi ka lang magtatrabaho kapag may barilan." Kung ganoon, ano pala ang gagawin niya? Tutunganga lang kapag barilin na? Ano pang silbi na nagtraining siya kung hindi rin niya magagamit? Sino ba kasi ang walang hiyang nagpapabagsak sa kanya? Sa pagkakaalam niya, nakakulong na ang Superintendent na dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina. May bago na naman ba siyang makakalaban. Kung ang gift na lang sana sa kanya ng Diyos ay marinig ang mga iniisip ng mga ito ay baka nalaman na niya kung sino ang lapastangang humihila sa kanya pababa. "Ano na lang po ang gagawin ko, Chief? Magbabantay sa selda 'pag may nadala ng kriminal? Hindi naman tama 'yon!" kastigo pa niya na hindi makapaniwala sa nangyayari. "Carinan, sa korte ka na lang magpaliwanag dahil nasa prisinto ka na." Ewan niya kung matatawa ba siya sa joke o kulang na lang ay tirisin niya ang nagsalita dahil sa pang-aasar nito. Kung alam lang ng mga ito ang laki ng maitutulong niya, baka ang mga ito pa mismo ang humanap sa sira ulong humahadlang sa pangarap niya. Hindi nga nagtagal at nagkatotoo ang sinabi ng mga ito. Hindi siya makapagtrabaho sa field. Lalo na 'nong mismong may tumimbre sa kanila na may nagtatagong mga holdaper sa Laguna. Hindi siya makaalma na sasama lalo pa at pinagbawalan siya ng Hepe. Nakapagtataka namang sinama nila si Amarah, ang isa rin sa babaeng pulis. Apat ang mga babaeng pulis kabilang siya. Napapakamot ulo na lamang siya. Makikita ng hinayupak na poncio pilato na iyon. Ha-hunting-in niya talaga ito. Wala talagang makakatibag sa katigasan ng ulo niya. Patago niyang sinundan ang mga kagrupo. Hindi naman siya nahirapan lalo na nang gamitin niya ang kanyang vision. Through her eyes, she can easily see everything. Kahit pa magtago ito sa pader o sa kahon. Nang pakatitigan ni Aerra ang pinaghintuang lugar ng mga kagrupo gamit ang kanyang vision, nasa bangko sila. Pasado alas kwatro ng hapon, isang bangko ang nakapagtatakang nakasara. Hindi dahil walang trabahante o naka-holiday. May transaksyon nang araw na iyon ang bangko. Ngunit dahil trapped ang mga tao sa loob, walang makalabas at hindi matuloy ang operasyon. Inisa-isa ni Aerra ang mga tao sa loob gamit ang kanyang vision. Nahihintakutan ang mga ito at lahat ay nakadapa habang ang isang babae naman ay hinahakot ang pera papasok sa loob ng malaking bag na kasing laki ng luggage. May nangyayaring kakaiba. Ito na kaya ang mga holdaper na hinahanap ng kanilang grupo? Ginamit pang maigi ni Aerra ang vision para makilatis at makiramdam sa nangyayari sa loob. Tatlong babaeng teller ang nakita niya habang nakadapa ang mga ito at takot na takot. Habang ang dalawang lalaki naman ay nakadapa rin at ang kamay ay nasa uluhan. Ang dalawang kawawang gwardiya ay tinututukan naman ng baril. Halos hirap huminga si Aerra sa nakikita niya sa kanyang vision. Kaya agad niyang tinawagan ang hepe para ipaalam kung ilang kataong holdaper ang naroon sa loob. Nagtaka pa ang huli kung paano niya nalaman ang bilang at nangyayari sa loob. Siya tuloy ang biglang kinabahan kung paano magpapaliwanag. Wala namang nagawa ang mga ito nang sabihin niya ang lahat dahil priority ng mga ito ang makaligtas ng buhay at mahuli ang mga holdaper. Mabilis naman ang naging pagsalba ng mga kapulisan nang ma-rescue ang mga hostages sa loob. Kahit pa takang-taka ang mga ito kung bakit nahulaan niya o nalaman niya ang eksaktong nangyayari sa loob. Hanggang nagkapalitan ng putok. Papasok din sana siya para tumulong nang makita niya sa kanyang vision na tinamaan ang isa sa gwardiya. Mula sa vison ni Aerra, nakita niyang lumusot ang bala sa tagiliran malapit sa small intestine ng gwardiya. Natarantang tumawag ng ambulansya ang mga pulis. Tiyak ni Aerra na mamamatay ang biktima kapag hinintay pa ang ambulansya kaya nagpresinta na siya na kukunin niya ang bala sa katawan nito. Nagulat ang lahat, na-realized din ng Hepe na anak nga pala siya ng doktor. Pero mas nagulat ang lahat kung paano niya nalaman ang eksaktong pwesto ng balang nakapasok sa katawan ng gwardiya. Mabuti na lamang at may dala siyang alcohol at bulak saka gloves na binigay sa kanya. Dahil walang gamot na pampamanhid at kailangang may reseta, binuksan ni Aerra ang tagiliran ng gwardiya gamit ang bread knife matapos mababad sa mainit na tubig na may alcohol upang ma-sanitize. Walang kahirap-hirap na nailabas niya iyon kahit napapangiwi sa hapdi at pigil sa pagsigaw ng sakit ang pobreng gwardiya. Gamit ang tela para maampat at mapigil ang patuloy na pagdurugo, sakto namang nakarating din ang ambulansya at nadala na ang biktima. Timbog ang limang holdaper dahil sa vision niya. Timbog din siya kay Seb na tarantang bumyahe mula Cavite hanggang Laguna matapos mapanood sa f*******: ang nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD