NAPATAKBO si Sebastian nang marinig ang panaghoy ni Aerra. He was so thankful that Aerra is not in danger. In fact, hindi ito nasaktan dahil sa suot na bullet proof vest. Nawalan lang talaga ng malay ang dalaga.
"Aerra, okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" halos sunod-sunod na tanong ni Sebastian na nakatitig lang sa mukha niya.
"S-Sebastian? Anong nangyari?"
Bahagya pang kumirot ang ulo ni Aerra sa pag-alala sa nangyari. Bigla niyang naisip ang siyang totoong dahilan kung bakit siya nasa Ospital.
"Nasaan na si--" Pinutol ni Sebastian ang pagtatanong niya nang abutan siyang nakaupo na.
"Hush now. Okay na ang lahat. Nakakulong na siya." Hinaplos-haplos pa nito ang likuran niya para pakalmahin siya.
Napahigpit ang yakap niya kay Sebastian, natatakot na baka kapag nawala siya o ito ay hindi na sila muling maglalapit ng katulad nito.
Napakasarap ng ganitong pakiramdam, ang mapunta sa bisig ng lalaking lihim na pala niyang minamahal. Walang duda, mahal na nga niya ang binata.
Dumating ang kanyang ama, saka lang siya kumalas at hinintay ang paglapit ng ama.
"You're not in danger now, dear." Ang ama niya na binibigyan na siya nang nagdududang tingin dahil sa aktuwasyon niya.
"Dad, don't give me that look," puna niya sa ama.
"What?" Nagtaas pa ito ng balikat na parang hindi aware sa ginagawa.
Hindi na lang pinalawig ni Aerra ang nais ipakahulugan.
Sa mismong araw din na iyon ay nakalabas na siya ng Ospital. Si Sebastian pa nga ang nag-drive sa kanila.
Ang hindi lang niya inaasahan ay ang pag-iwan sa kanila ng ama sa Sala saka ito sumakay ng sasakyan at may babalikan daw sa Ospital na hindi naman niya pinaniniwalaan. Tiyak kasi ni Aerra na nais lang ng ama na makapag-solo silang dalawa ni Sebastian.
"Mukhang may binabalak ang Daddy mo ah," tudyo pa sa kanya ni Sebastian.
"Tumigil ka nga Sebastian." Saka siya umirap.
Naglakad palapit sa kanya si Sebastian. "Ah.. Ang sarap sa pandinig kapag tinatawag mo ang pangalan ko. Parang ako ang may pinakaperpektong at magandang pangalan sa buong mundo."
Dali-dali siyang nag-iwas ng tingin. Sumisikip yata ang mundo at hindi siya makahinga ng maayos hanggang nahuli siya nito at kinulong sa sariling braso.
"Magtatagu-taguan parin ba tayo.. Ng feelings?"
Mag-iiwas pa sana siya ng tingin nang hawakan na nito ang pisngi niya at piliting tingnan ito.
"I love you, Aerra. From the very first time I saw you, you never failed to amazed me."
Wala ng nagawa si Aerra pati ang puso niya lumakas ang kalabog at gusto na ring magwala. Napatitig siya ng tuluyan sa magandang pares ng mga mata nito na nangangako.
"Narinig mo ba ang sinabi ko? Mahal kita at sana, mahalin mo na ako."
Dinig na dinig niya, nabibingi na nga siya at parang iyon lang ang ume-echo sa tainga niya ngayon.
Nagitla na lamang siya nang hawakan nito ang pisngi niya at angkinin ang mga labi niya.
Oh my golly! This is it. Ito na ang halik na iniisip niyang sana mangyari at nangyayari na nga. Hindi niya alam kung paano at bakit ngunit nakapag-response siya sa halik nito.
Kumawala ito at pinakatitigan siya nang malalim sa mga mata. She saw he own deep reflection. And she fell to his poison and potion at the same time.
"Mahal din kita, Seb."
Unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito saka siyang muling hinapit ang bewang at siniil ng malalim at mas mapusok na halik.
Para siyang dinuduyan sa klase ng halik nito at parang ayaw na rin niyang tumigil ang mundo nilang dalawa.
He seek entrance and she give in, freed and seek.
Hinayaan niyang damhin ng mapaghanap nitong dila ang dila niya. He suck and nimble his lips both her upper and lower lips.
She grumbled in total seduction.
Pinaghiwalay pang muli nito ng mga labi niya at patuloy ang paghahanap sa loob ng kanyang bibig. Tasting and savor all her taste.
Kung alam lang niyang ganito pala kasarap ang halik at mahalikan lalo na ni Sebastian, hindi na sana siya nagpaka-dalagang Pilipina.
Pareho pa nilang habol ang sariling hininga nang kumawala sila sa isa't-isa.
"Are we officially dating now?"
Nahihiyang tumango siya. Ramdam pa niya ang labi ni Sebastian sa sariling labi at nag-iinit ang bawat sulok ng pisngi niya sa ginawa nila kanina. Isa lang ang maalala niya ngayon, masarap humalik si Sebastian.
Humirit pa ito ng halik sa pisngi niya bago tuluyang nagpaalam na uuwi na ito. Ayaw pa sana niya itong pauwiin kundi lang nakakahiya at parang tumatakas na ang hiya sa presensiya niya. Sana may halik ulit.
PINAALAM na ni Aerra sa ama na official nang SILA na kinatuwa naman ng ama at botong-boto pa sa binata. Sa susunod nga na araw ay nais ni Sebastian na magpunta sila sa bahay nang madalaw ang pamilya ni Sebastian.
Masaya ngunit may kaba na baka hindi siya magustuhan ng pamilya ni Sebastian lalo na sa nangyari dati. Marami siyang agam-agam. Maraming bagay ang naiisip niyang hindi pa nangyayari ay baka magkatotoo.
Nasa sala sila ni Sebastian at nagmo-movie marathon nang matahimik siya. Hindi niya namalayang may kinukwento nga pala ang binata sa kanya.
"May problema ba?"
"W-wala." Napadampot siya ng basong may tubig saka inisang lagok iyon.
"Alam kong may problema. Iniisip mo ba si Dad?" Pumreno pa ito sa pagkakatanong na parang alam na nito ang gumugulo sa isipan niya at nagpapatahimik sa kanya ng ganito. Umisod ito at hinapit siya sa bewang saka hinarap. "Look Babe, ang nakaraan ay nakaraan. Sigurado naman akong hindi ang tipo ni Daddy ang magtatanim ng sama ng loob. Isa pa, bata ka pa noon, nasaktan at hindi iyon maiiwasan. Kung pipigilin niya tayo, ipaglalaban kita." Humigpit ang yakap nito saka nagtungo ang hintuturo para itaas ang baba niya at salubungin ng halik. "That's enough, okay. Kung ipo-postpone muna natin ang pagpunta sa bahay. Okay lang, walang problema, Babe." Humalik pa ito sa noo niya at sa tungki ng kanyang ilong. "Huwag na lang kaya tayong manood ng movie?"
Iningutan niya ito saka pilit kumawala sa mga bisig nito. "Gabi na, umuwi ka na kaya." Tumayo si Aerra.
"Wala pa ang Daddy mo. Hintayin ko lang siyang makarating, then I'll go ahead."
Gusto na niyang ipagtabuyan si Sebastian lalo na sa paraan ng pagtitig nito. Mapanganib, nagbabadya ng matinding emosyon.
Hinila nito ang kamay niya at pinaupo siya saka naman ito humiga sa kandungan niya. Hinila pa nito ang batok niya para magsalubong ang mga labi nila.
"Patulugin mo muna ako."
"Ha?" Natameme siya sinabi nito. "Ipaghele kita?"
"Hindi. Padedehen mo ako."
Ngali-ngaling pinalo niya ang noo nito. "Bastos ka talaga!"
"Sige na, kantahan mo na lang ako."
"Hindi ako marunong kumanta."
"Mamili ka, dedede ako o kakanta ka?" pananakot pa nito.
Iniamba niya ang kamao. "Suntukin na lang kaya kita nang makatulog ka."
"Sabi ko nga ako na lang ang kakanta eh." Tumikhim pa ito bago nagsimula. "Gusto kita.. Sa puso ko ikaw lang ang mahalaga.." Nakapikit pa ito habang bumibigkas ng kanta. "Pilitin mang limutin ka ay hindi ko magagawa. Parang alipin mo ang isip at damdamin ko. Gusto kita.. pagkat ang kilos mo'y sadyang ibang-iba. Mahinhin at malambing pa, katangiang 'di mo sadya.
Pag-ibig kong ito ay 'di na magbabago pa. Kahit sabihin na mali ako, alipin mo o bihag mo, ako'y iyong-iyo. Kung pag-ibig na ang pag-uusapan, 'di ko na ililihim pa, ang damdamin ko sa'yo sa akin ay gusto kita." Tumigil ito sa pag-awit. Gusto niya ang naririnig at gusto niya ang pag-awit nito kahit hindi pamilyar sa kanya ang kinakanta nito.
Bahagya niyang inalog ang dalawang hita. "Tulog ka na ba?"
"Gusto kong matulog pero mas gusto kong katabi ka."
Biglang nag-init ang magkabila niyang pisngi. Gusto rin niya ang ideya ni Sebastian kaya lang ay baka mapagalitan sila ng kanyang ama at isipin pang may ginagawa silang milagro.
"M-matulog ka na lang sa kwarto ko. Dito na lang ako." Nasamid yata ang dila niya.
"Gusto ko lang na kasama ka, hindi ko sinabing may gagawin tayo."
Tumayo ito at hinila ang braso niya dumiretso nga ang loko sa kwarto niya. Gusto tuloy niyang bawiin ang sinabi. Kung puwede lang i-lock na lang niya ito mula sa labas ay ginawa na niya.
Hindi sa wala siyang tiwala o natatakot siya sa binata dahil sa totoo lang siya ang takot sa sarili niyang anino. Dahil baka matukso siya at hindi matanggihan ang binata.
"Come on." Hinila siya nito pahiga. Umayos ito ng higa, nakatagilid na nakaharap sa kanya habang ini-extend ang braso para unanan niya. "This is the perfect sleep."
Napayuko na lang din si Aerra nakatingin sa dibdib nito na humahalimuyak ang amoy. How she loves his smell. Kumabog pa ang dibdib niya na parang tinatambol ang puso at nais kumawala sa dibdib niya.
Mayamaya ay narinig na niya ang mahina nitong hilik habang nakayakap pa ang braso nito sa baywang niya at tila ayaw siyang hayaang makawala.
Ayaw rin naman niyang mawala si Sebastian. Like it was a meant to be. Nagpapasalamat siya at nakilala niya si Seb na handang tanggapin ang lahat sa pagkatao niya. Handang sumugal para sa kanya at handa siyang ipaglaban. At ipaglalaban din niya si Seb.