Chapter 6

1706 Words
Nagising si Apple nang marinig niya ang ingay ng sasakyan ni Aiden. Napabangon siya saka napatingin sa orasan at napakunot-noo nang makitang alas-dos na ng madaling araw.   Ang sabi niya hindi siya magpapagabi masyado. Bakit ngayon lang siya?  Tss! Baka napasarap siguro ang pambabae no’n.   Napailing-iling na lang siya. Kailangan pa ba niya magtaka? Kapag umaalis naman ito ay normal na dito na ganitong oras ito umuuwi. Pero ang sabi kasi nito sa kanya ay hindi ito magpapagabi masyado. Napailing-iling na lang. Para siyang girlfriend kung makaasta.   Napa-poker face siya saka bumalik sa paghiga. Hindi na lang niya papansinin ito at babalik na lang siya sa pagtulog. Ipinikit na niya ang mga mata saka babalik na sana sa pagtulog nang makarinig siya ng parang may nabasag. Mabilis siyang napabangon. Napatingin siya sa mga kasama para tingnan kung may nagising din ba sa ingay, pero wala. Ang himbing ng tulog ng mga kasama niya. Mukhang siya lang ang nakarinig.   Napailing na lang siya saka bumangon mula sa higaan. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng maid’s quarter. Dumiretso siya sa sala dahil doon niya narinig ang ingay kanina. Nakita niya si Aiden na nasa sala, nakapalumbaba habang nakatalikod sa kinaroroonan niya. Napakunot-noo siya at nagtaka kung anong ginagawa ng binata doon. Kahit madilim ay nakikita naman niya ang binata dahil sa liwanag ng buwan na nagmumula sa malaking bintana ng sala.   “Sir Aiden?” Nakita niyang tumaas ang balikat nito. Parang nagulat. “Anong ginagawa mo diyan?”   Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. “Apple,” bigkas nito sa pangalan niya. “Nagising ka ba sa ingay?” Napabuga ito ng hangin. “Pasensya ka na.” Muli itong humarap sa sahig.   Napatingin naman siya doon at nanlaki ang mga mata na pinupulot pala nito ang nabasag na vase. So, vase pala ang narinig niyang nabasag kanina. Pero hindi ‘yon ang ikinalaki ng mga mata niya kung hindi ang daliri nitong dumudugo. Parang hindi nito nararamdamang ang sugat nito dahil patuloy pa rin nitong pinupulot ang mga bubog habang dumudugo ang daliri nito.   “Sir!” Mabilis siyang lumapit dito saka pinatayo ito. “Ano bang ginagawa mo?”   “P-pinupulot ko lang naman ‘yong mga bubog, eh. I didn’t mean to break the vase, Apple. I promise.” Tinaas pa nito ang kanang kamay na tila nanunumpa.   Hindi siya nakaimik o nakagalaw nang makitang namumula na ang mapupungay nitong mga mata. Para bang ano mang segundo ay magsisibagsakan na ang mga luha nito.   “I… I didn’t mean it… I swear.” Napasapo siya sa noo.   Ngayon niya lang nalaman na nagiging isip bata pala ang binata kapag nalalasing. Sabagay, ngayon niya lang talaga nalaman dahil ngayon niya lang nakita na lasing ito. Sa tuwing umuuwi kasi ito noon, kahit nagigising pa siya sa ingay ng sasakyan nito ay hindi naman siya lumalabas. Ngayon lang talaga siya lumabas dahil narinig niya ang pagbasag kanina.     “Sige na, sige na. Hindi mo na sinasadya, pero hindi mo naman kailangan na kamayin ang mga bubog, eh. May walis naman kasi at dust pan.” Napabuga siya ng hangin. “Pwede mo naman kasing iwan diyan, eh. Nagkasugat ka pa tuloy.   “I’m sorry, Apple.” Napatitig siya sa binata nang tumulo ang isang butil ng luha nito.   Napamewang siya habang sapo ang noo. Ang sakit pala sa ulo kapag nalalasing ang binata. Dapat dito hindi na pinapainom, eh.   “Okay na, okay?” Napabuga siya ng hangin. “Ang mabuti pa, pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga.” ”Pero paano ‘yan?” Turo nito sa basag na vase.   “Ako na ang bahala diyan. Sige na.” Tumalikod na siya saka kumuha ng walis at dust pan. Nagulat siya nang makita na nasa sala pa rin ang binata. Akala niya kasi ay pumunta na ito sa kwarto nito nang umalis siya. “Bakit nandito ka pa? Di ba sinabi ko na sa ‘yo na pumunta ka na sa kwarto mo?”   “Pero—”   Napabuntong-hininga siya. Ang tigas din ng ulo nito, eh. “Ako na kasi ang bahala dito, kaya—” Napatigil siya nang sa pagbaling niya dito ay nakataas ang daliri nitong nagdudugo. Napangiwi siya nang nakangusong nakatingin sa kanya ang binata habang may maiiyak na mga mata. “Sandali lang.”   Muli siyang umalis saka pumunta sa kusina para kunin ang first aid kit. Nang makabalik siya sa sala ay nagulat siya ng nasa dust pan na ang mga basag na vase. Mukhang nilinis ng binata ang mga bubog habang wala siya. Nakaupo na din ang binata sa sofa habang nakasandal ang ulo nito. Nakapikit ang mga mata nito. Lumapit siya sa binata.   Inilapit niya ang mukha dito para i-ckeck kung natutulog ba talaga ito. Hinawakan niya ang balikat nito saka mahinang niyugyog. “Sir Aiden?” Hindi ito sumagot. “Oy, bawal ka matulog dito. Doon ka sa kwarto mo.”   Idinilat nito ang mga mata at napatitig siya sa mga mata nito. Noon pa man talaga ay nagagandahan na siya sa mga mata nito, pero mas maganda pala talaga ang mga mata nito sa malapitan.   “Baby girl?” Hinawakan nito ang kanyang pisngi. “Baby girl.” Ngumiti ito sa kanya.   Napangiwi siya dahil parang nananaginip ito. Inalis niya ang kamay nito sa mukha niya. “Hindi po ako ang baby girl mo, Sir. Ako po si Apple. Apple D. Rural!” Hindi ito sumagot.   Sino naman kaya ang baby girl na tinutukoy ng mokong na ‘to? Nananaginip ba ito at nakikita nito ang baby girl sa akin? Napailing na lang siya. Baka ex ito ng binata. Baka hindi pa nakaka-move on ang binata dito kaya ng malasing ay nakikita nito ang baby girl nito. Umupo siya sa tabi nito saka kinuha ang kamay nito.   Sinumalan na niyang gamutin ang sugat nito. Hindi niya din lubos maisip na nagiging tanga ang isang Aiden Thompson kapag nalalasing.   “Ayan, tapos na.” Napatingin siya dito at nagulat nang makitang titig na titig ito sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha, Sir?” Napahawak naman siya sa mukha niya. Mukhang wala naman.   Umiling-iling ito. “No. There’s nothing.”   “Eh, bakit ganyan ka makatingin?” Napakamot siya sa pisngi saka napaiwas nang tingin dito. Para naman itong tanga makatitig sa kanya. Akala mo ngayon lang nakakita ng tao.   “Thank you.” Hindi na siya nakasagot at nanigas na lang sa kinauupuan dahil sa ginawa nito.   HINDI alam nina Aiden at Apple na nakatingin pala sa kanila si Manang Pesing sa isang sulok kung saan hindi nila makikita dahil may kadiliman sa kinatatayuan nito. Napangiti ito nang makita ang nangyari. Napatingin ito sa hawak nitong cellphone nang mag-vibrate ito.   Sinagot niya ito. “Hello, Madam?”   “Manang, ano ng balita? Nalaman niyo na po ba kung sino ang girlfriend ni Aiden?” Napangiti ang matanda. “Itong batang talagang ‘to. Naglilihim na sa akin. Hindi man lang sinabi sa akin na may girlfriend na pala siya. Kung hindi ko pa pinilit na makipag-date kay Danicca, hindi ko pa malalaman. Ano na, Manang? Nalaman niyo na ba? Dinala ba niya diyan ang babae?”   Napailing na lang siya dahil hanggang ngayon ay madaldal pa rin si Almira, ang ina ni Aiden. “Wala pa po siyang babaeng dinadala dito, Madam.”   Napasapo ito sa noo. “Kailan ko ba makikilala ang babaeng ‘yan? Anyway, ilang linggo lang naman ay uuwi na din ako diyan at isasama ko si Danicca.”   Napakunot-noo ang matanda sa sinabi nito. “Bakit niyo pa po isasama kung sinabi naman pala ni Aiden na may girlfriend na siya?”   “Gusto kong makasiguro, Manang. Baka mamaya, may binayaran na ‘yang babae para magpanggap sa harap ko para lang hindi makasal.”   Napabuntong-hininga siya. “Bakit niyo po ba gustong ipakasal agad si Aiden?”   “Dahil nag-aalala ako sa kanya, Manang. Ilang taon na lang malapit na siyang mag-trenta. Anong plano ng batang ‘yan? Maging matandang binata? No, he can’t. Hindi pwede na maputol ang bloodline ng mga Thompson sa kanya. He needs to be married and have a heir soon. Ayaw ko man isipin, pero may posible na nagkaroon na ng trauma si Aiden sa nangyari sa past relationship niya.   “Hindi pwedeng habang buhay ay makulong na lang siya sa nakaraan niya. Hindi pwedeng isipin niya na magkatulad ang ex niya at ang ibang babae. That’s why I want him to meet Danicca. Danicca is such a beautiful, and a kind girl at alam kong magiging mabuting asawa si Danicca sa kanya kapag kinasal na sila,” dagdag pa nito.   Hindi na siya nakasagot dahil alam niyang wala din siyang karapatan na kontrahin ito sa mga desisyon nito patungkol sa binata. Sino ba naman siya para tumutol? Mayordoma lang naman siya sa bahay nito.   “Kung ‘yan po ang sa tingin niyong nararapat, pero sa tingin ko hindi papayag si Aiden. Kilala niyo naman ang anak niyo.”   Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. “That will be the problem, too. Haist! Bahala na. Malalaman din natin ang mangyayari at magiging desisyon niya sa pag-uwi ko.”   “Sige po, Madam.” Pinatay na nito ang tawag.   Napatingin naman siya kay Apple na nakatulalang nakaupo sa sala. Sana nga magkatotoo ang nararamdaman ng dalawa. Sana nga si Apple na ang makapagbukas muli ng puso ni Aiden na matagal nitong sinara. Umalis na siya saka pumunta sa kwarto niya.   UMALIS na ang binata, kanina pa. Pero nandito pa rin siya sa sala, nakaupo, at hindi makagalaw. Napatingin siya sa malaking bintana na nasa sala at nanlaki ang mga mata nang makita niyang sumisikat na ang araw.   “What the…” Napakurap-kurap siya. Ibig sabihin ilang oras din siyang nakatulala. Napahawak siya sa pisngi niya saka naalala ang ginawa ng binata. Sumama ang mukha niya. “Lintek na lalaking ‘yon! Bakit niya ako hinalikan sa pisngi?” Niyakap niya ang sarili ng makaramdam nang kilabot sa katawan. “Brrr! Hindi na talaga ako lalapit sa lalaking ‘yon kapag nakainom ‘yon. Arrrggh! Gwapo naman talaga si Sir Aiden, pero… arrggh! Hindi ko siya type. My gosh!”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD