Chapter 7

1791 Words
“Apple! Apple!” Ilang beses nang tinatawag ni Aiden ang pangalan niya pero hindi niya pa rin ito pinapansin. Naiinis siya dito kaya bakit niya papansinin? Tss!   Napatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang second floor kung saan siya maglilinis. Napatigil siya sa paglalakad nang may humila sa kamay niya. Dahil sa lakas nang pagkakahila nito sa kanya ay nabangga siya sa matigas nitong katawan. Napalunok siya dahil ito ang unang beses na mahawakan niya ang katawan niya.   Damn! Matigas pala ang dibdib nito. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. Ano ba itong pinag-iisip niya? Biglang sumama ang mukha niya nang makita ang mukha nito. Marahas niyang binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.   “Bitawan mo nga ako.” Hinawakan niya ang kamay niya dahil medyo sumasakit ‘yon. Mukhang masyadong napalakas ang paghawak ng binata sa kamay niya.   “Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag, pero para kang walang naririnig.” Pinaikotan niya ito ng mga mata. “Did I did something wrong?” She make face dahilan para ikanuot ng noo nito. “Ano na? Meron ba?”   Hindi pa rin siya sumasagot. Naiinis kasi siya kapag naiisip ang kapalastanganan na ginawa nito noong nakaraan. Napabuga ito ng hangin saka napasapo sa noo.   “If there is, please, tell me. Hindi ‘yong para akong baliw dito na hangin lang ang kausap. Hindi ‘yong iniiwasan mo ako.”   Siya naman ang napabuga ng hangin saka masama itong tiningnan na ikinagulat nito. “Hindi mo ba naaalala ang ginawa mo noong nakaraan?” Inilapit niya ang mukha dito dahilan para mapaatras ito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.   “Not too close, Apple.” Gusto siya nitong itulak pero hindi naman nito magawa na hawakan siya.   “Hindi talaga?” Mas inilapit pa niya ang mukha dito saka tiningnan ang mga mata.   Bigla itong nailang. “Ano ba kasi ‘yon? I can’t remember anything. Wala akong maalala para ikagalit mo sa akin.” Tiningnan niya ng mabuti ang mga mata nito, kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.   Lumayo siya dito saka napa-cross arm. “Sa susunod nga, huwag ka ng uminom.”   “Bakit? You sounded like a girlfriend.” Natigilan ito ng may ma-realize. “Don’t tell me, you’re falling in love with me?” Napatulala ito sa kanya dahilan para ikainis niya.   “Sinabi ko na sa ‘yo na huwag kang masyadong maging assuming. Never in a million akong magkakagusto sa ‘yo.”   “Then why are acting like that?” Tinuro siya nito. “Acting like a… girlfriend.”   Gusto niyang sabunutan ang binata dahil nagiging assuming ito ngayon. “Hindi ako nag-aastang girlfriend mo, okay?” Pinandilatan niya ito ng mga mata.   “Then why are you forbidding me from drinking?”   “Kasi nakakaperwisyo ka!” sigaw niya dito na ikinagulat nito.   Bigla siyang natigilan sa sinabi. Nakita niyang tulala habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya ang binata. Napaiwas siya dahil hindi niya nagugustohan ang tingin nito. Gusto man niyang bawiin ang sinabi ay hindi na maaari. She already said it, loud, and clear. Ano pa nga ba ang pwede niyang idahilan.   “I see.” Hindi siya makatingin sa binata.   She know, this time, it was her fault. Sumobra siya. Ito ang dahilan kaya minsan ayaw niyang makipag-usap sa ibang tao dahil nagiging prangka siya at hindi niya mapigilan minsan ang sarili na magsabi kung ano ang tunay niyang nararamdaman.   “Sorry for causing trouble.”   “Sir Aie—” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil nakatalikod na ang binata sa kanya at medyo malayo na ito sa kanya.   Itinikom niya ang bibig dahil kahit tawagin pa niya ito ay hindi niya din naman alam kung anong sasabihin niya sa binata. Kung magso-sorry naman siya, mas lalo lang itong masasaktan dahil mararamdman nito na totoo ang sinasabi niya.   Napabuga siya nang malakas na hangin. Minsan talaga walang prino ang bibig niya. Kaya ayaw niyang nagiging madaldal, eh.   BUONG araw hindi nakita ni Apple si Aiden. Hindi niya alam kung umalis ba ito o iniiwasan lang siya ng binata. Ayaw din naman niyang magtanong sa mga kasama niya dahil baka magtaka ang mga ito. Hindi niya kasi hinahanap sa mga kasama niya noon ang binata kaya sigurado siyang magtataka ang mga ito kapag nagtanong siya tungkol sa binata.   Napabuga siya ng hangin habang nakaupo sa bench na nasa harden. Napatingin siya sa kulay krema na langit. Maggagabi na. Talagang hindi sila magkikita ng binata kung iniiwasan siya nito. Siguro, ayos na din ito. Sa ngayon kasi ay ayaw niya din muna itong makita. Hindi niya kasi alam kung anong gagawin o sasabihin kapag nakita niya ito.   “Hello, Ma?” sagot niya nang tumawag ang ina niya. “Kumusta na po?”   “Mabuti naman, Anak. Ikaw?”   “Ayos lang din po.” Inayos na niya ang kama niya dahil magpapahinga na siya. “Napatawag po kayo? May problema po ba?”   “Wala naman, Anak.” Napakunot-noo siya nang maging tahimik sandali. “Ano… itatanong ko lang sana, Anak, kung kailan ka uuwi dito?” Bigla niyang naalala na nangako pala siya sa ina niya na uuwi siya. “Malapit na din kasi ang kaarawan ng papa mo sa susunod na linggo.”   “Oo nga pala.” Gusto niyang batukan ang sarili dahil papaano niyang nakalimutan ang birthday ng papa niya. Napabuga siya ng hanging. “Sorry, Ma. Muntik ko ng makalimutan.”   “Ayos lang ‘yon, Anak. Alam naman namin na busy ka sa trabaho mo at maiintindihan namin kung hindi ka makakauwi—”   “Uuwi ako, Ma,” diretso niyang sagot dito. “Kahit na anong mangyari ay uuwi ako. Hindi pwede na wala ako sa birthday ni papa. At isa pa,” biglang humina ang boses niya. “nami-miss ko na din kayo ni Papa at ng mga kapatid ko.”   “Nami-miss ka na din namin, Anak. Lalo na ng mga kapatid mo. Gusto nga nilang palagi kang tawagan, pero hindi naman pwede dahil alam namin na may trabaho ka at isa pa, mahal ang load.” Bahagya siyang natawa sa sinabi ng ina.   “Pwede naman po kasi kayong magpa-load, Ma.”   “Hindi pwede na palagi na lang kaming magpa-load, Anak, para lang tawagan ka. Yong pera na ipangpapa-load namin, iiponan ko na lang para sa gamot ng tatay mo at para na din sa pag-aaral ng mga kapatid mo.”   Napangiti na lang siya. Nagmana talaga siya sa kanyang ina. Imbes kasi na ibili niya ng mga bagay na gusto niya at ng load ay iiponin na lang niya para ipadala sa pamilya niya. Kaya minsan hindi din siya nagpapa-load. Nagpapa-load lang siya kapag sobra na talaga niyang nami-miss ang pamilya niya.   “Oh, sige na, Anak. Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa trabaho. Mag-iingat ka, Anak. Mahal na mahal ka namin ng papa mo at ng mga kapatid mo.” Napangiti siya sa sinabi nito.   Talagang nawawala ang problema at pagod niya kapag nakakausap niya ang pamilya niya, lalo na kapag sinabi nito na mahal na mahal siya ng mga ito.   “Opo, Ma. Kayo din po, mag-iingat at mahal na mahal na mahal ko din po kayo.” Pinatay na niya ang tawag.   Napatitig siya sa cellphone. Kayo ang dahilan kaya ako lumalaban…   KINABUKASAN ay hinintay ni Apple na magising si Aide. Gusto niyang magpaalam sa binata na uuwi siya sa kanila sa susunod na araw. Hindi pwede na hindi siya makauwi, pero mukhang iniiwasan nga siya ng binata dahil wala ito.   “Saan po pala siya, Manang?” tanong niya kay Manang Pesing.   “Sa pagkakaalam ko ay nagbakasyon siya kasama ng mga kaibigan niya.” Bumagsak ang balikat niya sa narinig. Hindi naman halata na iniiwasan niya ako, no? “Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?”   Napanguso siya. “Magpapaalam sana ako sa kanya, Manang, na kung pwede ay uuwi ako sa amin sa susunod na araw. Birthday kasi ng papa ko.”   “Gano’n ba?” Tumango-tango siya habang nakanguso. “Papaano ‘yan? Eh, wala ngayon si Sir Aiden.” Mas lalong humaba ang nguso niya na parang katulad na ng isang patu. “Eh, kung tawagan mo kaya siya.”   Napatawa siya ng alinlangan saka napakamot sa pisngi. “Nahihiya po ako, eh.”   “Bakit ka naman mahihiya?” Manang naman! Ayaw ko nga siyang makita, ang makausap pa kaya? Hindi pa, hindi pa ako handang harapin siya. Gusto niyang sabihin ‘yon kay Manang Pesing, pero alam niyang hindi pwede. “May nangyari ba sa inyo?”   “Ho?” Lumaki ng pagkalaki-laki ang mga mata niya. “W-wala pong nangyari sa amin, Manang. Kahit gwapo si Aiden, hinding-hindi ko isusuko ang bataan ko sa kanya.”   Nagtaka siya nang tumawa ito. Mahina siya nitong hinampas sa braso. “Ikaw talagang bata ka. Kung anu-ano na lang ang pinag-iisip mo.” Parang nagkaroon ng malaking wuestion mark sa ibabaw ng ulo niya. “Ang ibig kong sabihin, nag-away ba kayo?”   Tumawa siya nang malakas saka naging mahina. “Yon pala ‘yon, Manang?” s**t! Nakakahiya siya. Kung anu-ano ang iniisip niya, hindi naman pala ‘yon ang ibig sabihin ni Manang Pesing. “H-hindi po kami nag-away,” pagsisinungaling niya. “Alam niyo naman po na hindi kami masaydong nag-uusap ni Sir Aiden.”   Napaiwas siya nang tingin dito dahil mabasa nito na nagsisinungaling lang siya. Bigla siyang may naisip. Hinawakan niya ang kamay nito na ikinagulat ng matanda.   “Tama! Kayo na lang po, Manang ang magpaalam kay Sir Aiden para sa akin.” Napakunot-noo ito. “Sige na, Manang. Please.” Pinagkukurat niya ang mga mata para magpa-cute dito.   Napabuntong-hininga ito dahilan para mapangiti siya. Mukhang napapayag niya ito. “Sige na nga. Total, importante naman ang dahilan mo.”   “Yes!” Masaya niya itong niyakap. “Maraming salamat, Manang.”   NAPATINGIN si Apple sa entrance ng terminal ng mga bus saka napabuga ng hangin. Aalis siya ng hindi man lang niya nakausap ang binata. Ni hindi man lang siya nakapag-sorry. Parang mabigat tuloy ang pakiramdam niya. Napabuga siya ng hangin. Magso-sorry na lang siya sa binata sa pag-uwi niya.   Sa ngayon, kailangan niya munang harapin ang pamilya niya at ang problema niya. Alam niya, sa pag-uwi niya ay hindi maiiwasan na pag-usapan ang magiging kasal niya sa panganay na anak ni Don Alberto. Wala si Aiden para tumulong sa kanya ngayon. Muli siyang bumuga ng hangin. Sa simula pa lang naman talaga ay wala ng kinalaman ang binata dito kaya kailangan niyang ayusin ang problema niya ng mag-isa.   Kaya mo ‘yan, Apple! Ikaw pa!        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD