Chapter 51

1567 Words

Nakahiga si Apple sa kama habang nagmumukmok. Gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang tatlo galing sa pamamasyal. Nagsitulog na ang lahat pero wala pa rin ang mga ito. Siguro hanggang ngayon ay masaya pa rin ang mga ito na gumagala at hindi napansin ang oras. Hindi tuloy siya mapakali sa kakaisip kung anong ginawa ng mga ito o kung ano ang ginagawa ni Aiden at Danicca. Nagsisisi siya kung bakit siya umalis. Kung bakit binigyan niya ng chance ang dalawa na magkaroon ng oras. Kung talagang mahal niya si Aiden ay hindi siya magpapadala sa selos at hindi niya ito ipapaubaya sa iba. Dapat ay ipaglaban niya ito kahit pa walang kasiguraduhan na mahal din siya ng binata. Pinukpok ni Apple ang sariling ulo sa unan. Ang tanga-tanga mo, Apple. Isa kang malaking tanga. Kahit pa hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD