Chapter 2

2538 Words
Dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa ring nahahanap si Aiden na magpapanggap bilang girlfriend niya. He was kinda stress for it. Kasalanan ito ng mommy niya, eh. "Bakit hindi na lang 'yon, Dude?" Napatingin siya sa tinuro ni Wyatt. It was a beautiful woman with a sexy body. Kung ipapakilala niya ito sa mommy niya ay sigurado siyang hindi sila nito pagdududahan, pero gaya nga nang sinabi niya ay ayaw niya ng commitment. Isa man siya sa grupo ng mga womanizer ay hindi naman talaga siya womanizer. Nasali lang siya dahil sa mga kaibigan niyang mga babaero, pero kahit kailan ay hindi siya nakipaglaro sa mga babae. Ilang taon na nga siyang walang girlfriend. Gusto niya kasi, kapag pumasok siya sa isang relasyon ay pareho silang seryoso ng babae. Ayaw niya ng laro-laro lang. Kahit marami namang ibang babae diyan ay hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nahahanap na seseryosohin niya. "Oo nga, Dude. Mukhang okay naman ang babae na 'yon," sabi naman ni Dylan na alam niyang pinapasadahan na nito nang tingin ang babae. "Nah. I don't wanna. Sa tingin ko pa lang, clingy ang babaeng 'yan." "Yon nga ang mas maganda, Dude. Ang clingy. Para kapag nasa harapan na kayo ng mommy mo ay hindi na kayo mahihirapan na magpanggap na sweet sa isa’t-isa." "Ayoko pa rin. Baka mamaya, kapag natapos na ang kontrata ay maghabol 'yan. Remember guys, magpapanggap siya bilang girlfriend ko at magpapanggap kami na ikakasal. Kapag naniwala si mommy at natapos na ang kontrata namin, paano kung maghabol 'yan sa akin? Syempre hindi ako papayag, pero paano kapag sa mommy ko 'yan pumunta? Eh, di sabit pa din ako. Ayoko ng complicated." Napailing na lang ang dalawa. Inakbayan siya ni Wyatt. "Kung ang hanap mo ang babae na hindi maghahabol sa 'yo kapag tapos na ang kontrata mo. Aba'y, mahihirapan ka talagang hanapin ang babaeng 'yon, Dude, at saka meron pa bang babae na gano’n? Yong hindi agad mafa-fall sa lalaki?" "Actually, I already found her." Napatingin sa kanya si Dylan. "Oh! Nahanap mo na pala. Eh, ano pang pinoproblema mo?" "The problem is, ayaw niya." "What? Why?" Sinabi niya sa mga ito ang sinabi sa kanya ni Apple ng mag-usap sila noong isang gabi. "Come on, Dude." Napapailing si Dylan. Hindi makapaniwala. "Tinanggihan ka talaga niya?" Tumango siya bilang sagot. "Tinanggihan niya ang kagwapohan mo?" "That's why I like her." Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "I like her to be my fake girlfriend." "Ahhh…" Napatango-tango naman ang mga ito. Napailing na lang siya. Kahit anu-ano na lang talaga ang iniisip ng mga ito. Ni hindi pa nga siya tapos magsalita. "Siya ang napili ko kasi hindi siya mahirap kausap regarding sa kontrata at sa gusto kong mangyari. One out of ten ang chance na magkagusto siya sa akin. Kapag gano'n ay wala akong magiging problema." "Ang kaso nga ayaw niya." Napabuga na lang siya ng hangin sa sinabi ni Wyatt. He already found the perfect girl that can pretend to be his fake girlfriend, pero ang problema ay ayaw ni Apple pumayag. Ayaw naman niyang pilitin ito. Gaya nga ng sinabi niya dito ay hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakabastos nito. Kapag pinilit niya ito sa gusto niya ay para na din niya itong binastos. Hindi nirespito ang desisyon nito. "Kung hindi nga lang kasal si Ice, pwede siyang magpanggap." Binatukan niya si Dylan. "May asawa na 'yong tao at masaya na 'yon kaya huwag na natin siyang idamay sa problema natin." "Pero aminin natin, nami-miss na natin ang dati. Noon magkasama tayong lumalabas. Ngayon tatlo na lang tayo. Si Ice, may asawa na habang si Zaver naman ay nagmumukmok at nilulunod ang sarili sa trabaho simula ng hindi na niya makita si Sky." Napatango na lang kaming dalawa ni Dylan sa sinabi ni Wyatt. Marami na ngang nagbago sa kanila. Hindi na sila gaya noon na halos hindi mapaghiwalay. Ngayon ay may kanya-kanya ng buhay ang mga kaibigan niya at alam niya hindi magtatagal ay magkakaroon din silang tatlo ng sariling pamilya. Hindi pa nga lang nila alam kung kailan. AGAD na lumapit sa drawer si Apple nang makapasok siya sa kwarto nila ng mga kasama niyang katulong. Narinig niya kasing tumunog ang kanyang keypad na cellphone. Alam niya ang kanyang pamilya ang tumatawag dahil maliban sa mga ito ay wala ng iba pang tumatawag sa kanya. "Ma, napatawag ka?" tanong niya ng masagot ang tawag. "Mangungumusta lang kami sa 'yo, anak. Kumusta ka na?" Napangiti siya kahit alam niyang hindi naman nakikita ng ina niya ang kanyang ngiti. "Ayos lang naman ako, Ma. Kayo po, kumusta?" "Ayos lang din kami, Anak." "Mabuti. Kumusta naman po si papa?" "Ito, patuloy pa rin sa pag-inom ng gamot niya, pero maayos naman siya. Mas nagiging malakas na siya ngayon." "Mabuti naman po." Nakahinga siya ng maluwag sa balita nito. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Miss na miss na kasi niya ang kanyang pamilya. Ilang buwan na kasi siyang hindi nakakauwi sa probinsya nila. May day off naman sila pero isang araw nga lang. Malayo ang byahe pauwi sa kanila. Kapag umalis siya ng umaga ay hapon na siya makakarating doon. Parang balewala din ang pagpunta niya doon dahil kailangan din niyang bumalik ulit. Ayaw pa naman niyang um-absent dahil sayang ang sahod na kikitain niya sa isang araw. Kaya ang pamasahe pauwi ay iniipon na lang niya para ipadala sa pamilya niya. Dagdag panggastos ng pamilya niya, lalo na para sa gamot ng papa niya. Nagkasakit kasi noon ang papa niya at kailangan nitong maoperahan. Wala silang kapera-pera dahil magsasaka lang naman ang ama niya at isang labandera ang kanyang ina. Tama lang ang kinikita ng mga ito para sa pang-araw-araw nila. Tatlo silang magkakapatid at nag-aaral pa. Tumigil siya sa pag-aaral ng magkasakit ang kanyang ama para magtrabaho at para tulungan na din ang ina niya sa paghahanap buhay. Kahit na naging tindera siya sa palengke ay hindi sapat ang kinikita nila mag-ina para makaipon sila ng pera pambayad para sa operasyon ng ama niya kaya naman napilitan silang isangla ang kanilang bahay at lupa sa mga Alberto. Isang mayamang pamilya ang mga Alberto sa lugar nila. Kaya naman napaopera nila ang kanyang ama. Mabuti na lang at may kaibigan siyang luluwas ng Maynila para magtrabaho kaya naman sumabay siya dito para makipagsapalaran din sa Maynila. Natatakot man siya sa simula at nangungulila sa pamilya niya ay tiniis na lang niya ang lungkot at laging iniisip na para ito sa pamilya niya. Gusto din niyang mag-ipon ng pera para mabawi nila ang bahay at lupa na isinangla nila kay Don Alberto. Pinamana pa iyon ng kanilang lolo sa mama at papa niya kaya gagawin niya ang lahat para mabawi lang ang bahay at lupa. "Kailan ka ba uuwi dito, Anak? Miss na miss ka na namin." Agad niyang pinunasan ang kanyang luha. "Hindi ko pa po alam, Ma. Hindi pa din kasi ako nakapagpaalam sa amo ko na uuwi ako." May plano na siya na magpaalam kay Aiden na uuwi muna siya kahit na tatlong araw lang para naman makasama niya ang kanyang pamilya. Ilang buwan din niya itong hindi nakita at nakasama. Miss na miss na niya ang kanyang mga magulang at ang dalawa niyang mga kapatid. "May sasabihin pala ako sa 'yo, Anak." "Ano 'yon, Ma?" "Tungkol sa bahay at lupa natin." Bigla siyang kinabahan sa sinabi ng ina. Sa dalawang taon kasi na nakasangla ito kay Don Alberto ay hindi pa siya nakakalahati sa nabayad niya dito. Malaki naman ang sahod niya bilang katulong sa bahay ni Aiden, pero hindi pa rin sapat para makabayad siya ng malaki sa mga ito. May gamot pa kasi ang kanyang ama na kailangan nitong inumin araw-araw. Kaya nga wala na siyang tinitira sa sarili, lahat ay pinapadala niya para masigurado lang ang pamilya niya at ang gamot ng ama niya. "Bakit, Ma? Mareremata na ba ang bahay at lupa natin?" "Hindi. Hindi, Anak." Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Akala niya tuluyan na itong mawawala sa kanila. Kapag gano'n nga ang nangyari ay wala na silang matitirahan. "May sinabi kasi si Don Alberto." "Ano po 'yon?" Ilang segundo ito bago sumagot, "Ibabalik niya sa atin ang bahay at lupa, kapalit nang—" "Nang ano po?" tanong niya ng mapansin niyang hindi nito maituloy-tuloy ang sasabihin. "Kung magpapakasal ka sa panganay niyang anak na si Noah." "Ho?" Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at biglang kinabahan. "Pumayag ka ba, Ma?" "Hindi, Anak. Sinabi ko sa kanya na itatanong ko muna sa 'yo." Nakahinga naman siya ng maluwag. "Pero, Anak, sa tingin ko ay wala namang problema sa suhesyon ni Don Alberto. Mabait naman si Noah at isa pa, wala ka namang nobyo." "May nobyo ako, Ma." Bigla niyang natakip ang sariling bibig at napasapo sa noo. Bakit niya ba nasabi ang mga salitang 'yon? Wala naman siyang nobyo. "Meron ka ng nobyo, Anak?" gulat nitong tanong. Alam niyang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya dahil kahit kailan ay wala naman siyang nabanggit dito na may nanliligaw sa kanya, tapos maririnig na lang nito na may nobyo na siya? Napapikit siya. "Opo, Ma. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi sa 'yo. Natatakot kasi ako na baka magalit kayo kapag nalaman niyo." Patawarin mo ako, Mama, kung nagsinungaling ako sa 'yo. Ito ang unang beses na nagsinungaling siya dito. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa. Mabait si Noah, ang anak ni Don Alberto, pero wala siyang gusto dito. Ayaw niyang magpakasal sa lalaking hindi naman niya mahal. Bigla siyang napatigil at pumasok sa isip niya si Aiden. Ngayon ay alam na niya ang nararamdaman ng binata. Kaya pala gagawin nito ang lahat, kahit na ang magsinungaling, para lang hindi ito matali sa babaeng hindi naman nito mahal. Napakagat-labi siya. "Hindi naman ako magagalit, Anak. Nasa wastong edad ka na at alam kong alam mo ang tama at mali." Mas nakaramdam siya ng konsensya dahil sa sinabi ng ina niya. Kahit kailan ay hindi ito nagalit sa kanya. Lagi siya nitong iniitindi at kung nagkakamali naman siya ay sinasabi nito kung ano ang tama sa mali. Nag-usap pa sila sandali ng pamilya niya bago natapos ang usapan nila. Tulala siyang nakatingin sa kisame ng silid. Anong gagawin niya ngayon? Gusto ng mga magulang niya na isama niya ang nobyo 'kuno' niya sa pag-uwi niya. Sinong isasama niya at magpapanggap na maging nobyo niya? Bigla namang niyang naisip si Aiden. May nahanap na kaya itong babae na magpapanggap? Napabangon siya mula sa pagkakahiga saka napakagat-labi. Pero nahihiya siyang lumapit sa binata para itanong kung available pa ba ang offer nito. Sana naman available pa, dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng lalaki para magpanggap bilang nobyo niya. Lumabas siya sa kwarto at nakita si Gretchel, isa sa mga kasama niya. "Nakauwi na ba si Sir Aiden?" tanong niya dito ng makalapit siya dito. "Hindi pa, eh. Bakit?" "Ahmm... Gusto ko kasing umuwi sa amin. Magpapaalam sana ako sa kanya," pagdadahilan niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay pumunta siya ng kusina para maghugas ng huhugasin. Gabi na ng matapos na sila sa lahat ng gawain at oras na ng pahinga nila. Gabi na, pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Aiden. Napagdesisyonan niya na hintayin na lang ito. Kailangan na kailangan niyang makuha ang offer nito. Sana lang ay wala pa itong nakikitang kapalit niya. Dahil kung meron na ay hindi niya alam kung sinong Poncio Pilato ang ipapakilala niya sa mga magulang. Ayaw niyang maikasal kay Noah. Magkababata sila ni Noah dahil sa iisang paaralan lang sila pumapasok noon at hindi kalayuan ang bahay nito sa bahay nila. Kahit na sabay silang lumaki at mabait ito sa kanya ay tanging kaibigan lang ang turing niya dito. NAPADILAT si Apple sa kanyang mga mata nang makarinig siya ng ingay ng sasakyan at agad na napabangon. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa paghihintay dito. Mabuti na lang at nagising siya sa ingay ng sasakyan nito. Maingat siyang lumabas ng kwarto, baka kasi magising ang mga kasama niya. Nang makalabas ay siya ding pagpasok ni Aiden sa bahay. Lumapit siya dito na ikinagulat ng binata. "Good evening, Sir Aiden," bati niya dito saka yumuko ng bahagya. "Apple. Why are you still awake?" nagtataka nitong tanong. "Nakatulog na po ako kanina. Nagising lang ako nang marinig ko ang sasakyan niyo." "Oh! I'm sorry if I did wake you up. Go back to sleep now," sabi nito saka nagsimulang maglakad sa hagdan. "Sir," tawag niya dito dahilan para mapahinto ito sa paglalakad at mapatingin sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya. Nahihiya siya dahil tinanggihan niya ang offer nito noong nakaraan at kung anu-ano pa ang pinagsasabi niya na ayaw niyang manloko ng tao tapos ito siya ngayon, magtatanong kung meron pa ba ang offer nito. Huminga siya ng malalim. Its now or never. "Itatanong ko lang po sana kung nakahanap na kayo ng babaeng magpapanggap na nobya niyo? Dahil kung hindi pa po, pumapayag po ako na magpanggap bilang nobya niyo." HINDI makatingin si Apple sa mga mata ni Aiden. Nandito sila ngayon sa study room nito. Hindi ito sumagot sa tanong niya kanina bagkus ay pinapunta siya nito sa study room. Ilang minuto na siyang nakatayo at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang binata. Ayaw din naman niyang magsalita dahil nahihiya siya. Tumingin siya dito para makita kung anong ginagawa nito, pero agad ding napaiwas nang makitang nakatitig pala ito sa kanya. Napakagat-labi siya. Wala ba talaga itong plano na magsalita. "What change your mind?" Napatingin siya dito. Seryoso itong nakatingin sa kanya. "Sabihin na lang po natin na nasa iisang bangka tayo." Kumunot ang noo nito. "What do you mean?" "Tumawag si mama sa akin kanina at sinabi na ipapakasal daw ako sa anak ng pinagkakautangan namin, total wala naman daw akong nobyo ay walang masama sa suhesyon nito. Tapos biglang lumabas sa bibig ko na may nobyo na ako, kaya ngayon gusto nilang makilala ang nobyo 'kuno' ko. Bigla kong naisip ang offer mo. Total, nasa iisang sitwasyon lang naman tayo, kaya papayag ako na magpanggap na nobya mo at magpapanggap ka ding nobyo ko." Habol niya ang hininga nang matapos siya sa pagsasalita. Hindi kasi siya humihinga hangga’t hindi natatapos ang sinasabi niya. Hindi ito sumagot at tumitig lang sa kanya ng matagal. Lihim siyang nagdadasal na sana naman pumayag ito. Total, magpapanggap naman siya na nobya nito, bakit hindi din ito magpanggap bilang nobyo niya? "Okay." Nanlaki ang mga mata niya. "We need each other para hindi maikasal sa mga taong hindi naman natin gusto. And besides, hindi pa ako nakakahanap ng babaeng gusto kong magpanggap. I'm glad that you agree." Tumayo ito saka inilahad ang kamay nito sa kanya. "It will be my pleasure working with you, Miss Rural." Kinuha niya ang kamay nito. "Same to you, Mr. Thompson." The both of them shake their hands as an agreement. "Pero, Sir, dapat may sahod pa din ako sa pagpapanggap ko, ah. Pinangako mo sa akin na tataasan mo ang sahod ko," paalala niya dito. Natawa ito sa kanya. "A promise is a promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD