Chapter 3

1506 Words
Maaga pa lang ay gising na si Apple at nagwawalis na sa harden ng mga Thompson. Nang matapos ay pumasok siya sa kusina para tumulong sa pagluluto. Siya ang tagahiwa ng mga gulay at tagahanda ng mga kakailanganin sa pagluluto. Ang kasama naman niyang si Robert ang tagaluto. Ito ang chief ng mga Thompson. Sa lahat ng bahay na napagtrabahuan niya ay ito ang pinakamaswerte niyang napuntahan dahil may amo silang mabait, kapag kailangan mo ng pera ay hindi ito magdadalawang-isip na bigyan ka, kung may emergency ay handa din itong tumulong, mababait din ang mga kasama niya, nakakain sila at nakakapagpahinga sila sa tamang oras. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit nagtatagal ang mga katulong dito sa bahay. Hindi katulad ng ibang amo na halos ituring ka ng hayop sa pag-aalipusta. Yon pa naman ang kinatatakot niya noong una pa lang niyang punta sa Maynila. Natakot siya na baka makapagtrabaho siya sa isang amo na gugulpihin siya at gugutumin. Bigla siyang nanginig sa nai-imagine. Gosh! Mabuti na lang talaga at dito siya napadpad. Lihim siyang natawa nang maalala niyang ito na pala ang unang bahay na napagtrabahuan niya, kaya hindi niya maikokompara ang trato sa kanila ni Aiden sa ibang pang mga amo. Napailing na lang siya sa lawak ng imagination niya. Silly her. Pero kahit gano’n ay ayaw na niyang umalis dito. Bakit pa siya aalis kung maayos ang trato sa kanya dito. Speaking of Aiden. Nakita niya ang binata na pababa na galing sa second floor. Kinuha na niya ang hinanda niyang kape saka inilapag sa mesa. “Good morning, Sir Aiden,” magalang niyang bati dito saka bahagyang yumuko. Yes! Maid na maid talaga ang asta niya. Syempre kailangan niya ding maging magalang dito at baka magustohan nito ang serbisyo niya at taasan pa nito ang sahod niya. Kailangan na kailangan pa naman niya ng pera. “Good morning?” Napatingin siya dito nang patanong ang naging sagot nito. Nakakunot ang noo nito. “What’s with the formality?” tanong nito saka naupo sa harap ng mesa. “Ha? Dapat po ba ‘yong ikapagtaka?” Napaisip naman siya habang nasa baba ang kamay. “Dapat naman po talaga pormal at magalang sa inyo dahil amo ko po kayo.” “Drop the po.” “Bakit po?” Napakamot na lang siya sa ulo nang marinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Tumingin ito sa kanya at naging seryoso ang mukha dahilan para kabahan siya. Napalunok na din siya. Ayaw niya talaga ang nakikita ang seryoso nitong mukha, nakakakaba, promise! Mas gusto niyang nakangiti ito gaya ng palagi nitong pinapakita sa mga kasama niya. May galit ata ito sa kanya kaya sa kanya lang ito hindi ngumingiti. Napailing-iling ito at muling napabuntong-hininga. “Magpo-po ka din ba sa akin kapag nasa harap na tayo ng mommy ko?” ‘P-pero...” Napakamot siya sa pisngi. “Hindi kasi ako sanay na hindi maging magalang sa ‘yo lalo na’t amo kita.” “Dapat ngayon masanay ka na.” Kinuha nito ang kubyertos saka kumuha ng ulam. Mabilis niyang kinuha ang kanin saka binigay dito. “Thank you.” Muli niya itong ibinalik pagkatapos nitong kumuha. “Anyway, dapat masanay ka na dahil magtataka si mommy kapag pino-po mo ako. Magtataka ‘yon kung bakit sobra mong galang sa akin. Gusto mo bang mahuli niya tayo? Gusto mo bang masira na ang kontrata natin?” Tumingin ito sa kanya. “Gusto mo bang hindi na din ako magpanggap na boyfriend mo at makasal sa lalaking ‘yon?” Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na hinawakan ang braso nito at niyugyog iyon. “Huwag naman gano’n, Sir. Maawa ka. Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Ayoko magpakasal kay Noah kahit pa gwapo at mabait siya.” “Noah?” Tumango-tango siya. “Panganay siyang anak ni Don Alberto. Kababata ko siya, sabay kaming lumaki. Mabait at gwapo naman siya kaya nga madaming babae ang nagkakagusto sa kanya sa lugar namin.” “Kung gano’n naman pala, bakit ayaw mong magpakasal sa kanya? Mabait naman pala siya at gwapo. Yon naman ang gusto niyong mga babae, ‘di ba?” Mabilis siyang umayos nang tayo saka napa-cross arms. “Sila ‘yon, Sir, at hindi ako. Hindi ko kailangan ng kagwapohan nila, kabaitan oo, hmmm... Pera, pwede na din.” Napabungisngis siya dahilan para ikailing ng binata. “Pero kahit na mabait, gwapo, at mayaman si Noah ay ayaw ko pa rin. Hindi ko siya mahal, eh.” “Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya? I mean, sabay kayong lumaki. Pwedeng sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ka din ng pagtingin sa kanya.” “Hindi din, Sir, eh.” Napakunot-noo ang binata nang makita siyang umupo sa tabi nito at nagpatuloy sa pagkukwento. Sandali nitong nakalimutan na katulong siya. “Kung iisipin ko, hmmm...” Nag-isip-isip naman siya ng mabuti. “Wala talaga akong nararamdaman sa kanya, eh. Pagmamahal ng isang kapatid, meron pa siguro, pero ibang pagmamahal?” Umiling-iling siya. “Wala, eh. Wala talaga, as in walang-wala.” “Naranasan mo na din bang magmahal?” Natigilan siya saka napatingin dito. Kumakain na ito. “Haist! Huwag kang tumawa, Sir, ah.” Tumingin ito sa kanya dahilan para panlakihan niya ito ng mga mata. Pinagbabantaan niya ito gamit ang tingin niya. “Sa edad kong ito, hindi pa.” Nabulunan ito kaya bigla siyang nataranta. Mabilis siyang nagsalin ng tubig sa baso saka mabilis na ibinigay dito. “Sir.” Hinaplos-haplos niya ang likod nito. “Dahan-dahan naman po kasi sa pagkain.” Napangiwi siya sa isiping baka wala itong tigil sa pagsubo kaya nabulunan. Mas lalo siyang napangiwi nang in-imagine niya ang itsura nito na mabilis kumain. Hindi bagay, para tuloy nagmukhang baboy ang binata sa paningin niya. Napailing-iling siya. “What are you thinking?” tanong nito pagkatapos uminom ng tubig. “Ha?” Napatingin siya dito. Pinupunasan na nito ang bibig gamit ang table napkin. Natawa siya nang mapakla. “W-Wala po.” Napakamot siya sa ulo. Kapag sinabi niya ang iniisip niya ay baka hindi na nito ituloy ang usapan nila, ang masaklap pa ay baka paalisin na siya nito dahil inisip niya na para itong baboy kumain. Gusto niyang maiyak sa kahihinatnan niya kapag nangyari ‘yon. “Anyway, back to the topic.” Nabalik siya sa Earth sa sinabi nito. Sayang, malapit na sana siya sa Mars sa sobrang pag-i-imagine. Tiningnan siya nito nang maigi. “Hindi mo pa talaga nararanasana ang magmahal, I mean, ang ma-in love?” Umiling naman siya saka bumalik sa pag-upo. Pakiramdam niya talaga ngayon ay close sila. Sa tagal niya kasing pagtatrabaho dito ay ngayon lang sila nagkausap ng ganito ng binata. Wala kasi siyang rason noon para kausapin ito kaya ni minsan ay hindi niya ito kinausap. “Hindi pa po, eh. Kaya nga sinabi ko sa ‘yo na huwag mo akong tawanan. Anyway, ang gusto ko kasi kapag nakahanap ako ng boyfriend, gusto ko siya na ‘yong una at huli ko kaya maingat akong pipili ng lalaking mamahalin ko. At isa pa, Sir, wala pa kasing lalaking na nakapag-dugdug sa puso ko.” Napangiwi ito at kumunot ang noong nakatingin sa kanya. “Anong dugdug?” “Hindi mo alam ‘yong dugdug, Sir?” gulat niyang tanong na ikinailing nito. “Tss! Yon ‘yong sounds ng t***k ng puso, Sir. Yong ganito, Sir.” Hinawakan niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya saka inaksyon ang pagtibok ng puso. “Dugdug dugdug. Ganern.” Napailing ito sa kabaliwan niya. “Ano ba naman ‘yan, Sir? Pangit mong ka-bonding.” Ito naman ang napangiwi. “Pwede mo naman kasing sabihin na nakapagpabilis ng t***k ng puso mo. Hindi ‘yong dugdug ka pa diyan ng dugdug. Ang badoy mo.” “Tss! Anong magagawa ko, ganito ako. Dapat nga din, Sir, ‘yong lalaking mamahalin ko ay tanggap din ang kabaliwan ko. Hindi ‘yong katulad mo na ang pangit ka-bonding.” “What did you say?” Tumawa siya. “Biro lang, Sir. Ito naman, hindi na mabiro.” Hinampas niya ito ng mahina sa balikat nito. “Sa tingin ko din po kasi na ang boring ng isang relasyon kung parehong seryoso sa buhay ang dalawang tao. I mean, dapat may baliw sa dalawa at sa lalaking ka-meant to be ko, ako ang baliw.” Ibinalik nito sa platito ang tasa ng kape. “Isa lang ang masasabi ko, good luck sa lalaking ‘yon.” Napangiwi naman siya. “Maka-good luck ka naman, Sir. Isa lang mapapangako ko sa kanya, sigurado akong walang araw na hindi siya magiging masaya sa piling ko.” NAPAILING si Aiden nang ngumiti ng malaki si Apple sa kanya sabay thumbs up sa kanya. Kung sino man ang lalaking ‘yon ay maswerte nga ito kay Apple dahil mabait na, masayahing babae pa. Siya kaya? Kailan niya mahahanap ang babaeng para sa kanya? Napailing siya, maybe after ten years.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD