Chapter 32

2013 Words

Huminto ang sasakyan ni Aiden sa harap ng isang malaki at magarang five star hotel. Habang nakatingin sa labas si Apple ay hindi niya maiwasan na mapalunok nang mariin at kabahan. Ito kasi ang unang beses na pupunta siya sa isang party at party pa talaga ng mga mayayaman. Sa ilang taon na pamamalagi niya sa Maynila ay ni minsan ay hindi pa siya nakakapunta sa mga ganitong event. Lalo na sa ganitong kagandang mga hotels. Wala din naman kasi siyang kakilala na mayayaman dahilan para makapunta siya sa mga party. Napatingin siya sa binata nang ilahad nito ang kamay sa kanya. Hindi niya namalayan na nakababa na pala ito at nasa gilid na niya ito, pinagbubuksan siya ng pinto. Huminga siya nang malalim saka tinanggap ang kamay nito. Kailangan niyang masanay na kaharap ang pamilya ni Aiden para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD