Chapter 66

2205 Words

Day off ni Apple ngayon kaya naman inaya siya ni Noah na mamasyal. Una silang kumain sa isang karenderya dahil malapit na din namang magtanghalian. Gusto sana ng binata na ilibre siya sa isang mamahaling restaurant pero hindi siya pumayag. Ayaw niya kasi do’n dahil hindi naman siya nababagay doon. At isa pa, hindi siya komportable na kasama niya sa iisang silid ang mga mayayamang tao. May mga etiquette kasi ang mga ito habang kumakain, habang siya ay wala. Pakiramdam niya kasi ay kahit magbihis pa siya ng mga magagandang damit ay nakikita pa din sa pagmumukha at sa mga galaw niya ang isang pagiging katulong, ang pagiging isang mahirap. Isa pa, para sa kanya ay mas masaarp pa din ang luto sa karenderya. Mura pa! Nakakunot ang noo ni Noah habang nakatingin sa madaming ulam na in-order ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD