Napatingin si Apple kay Aiden na prenteng nakaupo sa sofa. Halatang kanina pa siya nito hinihintay. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil may kadiliman sa inupuan nito. Napalunok siya dahil kahit hindi niya masyadong nakikita ang mukha nito ay nararamdaman niyang matalim siya nitong tinitingnan ngayon. Alam niyang isang nakakamatay na tingin ang pinupukol nito sa kanya ngayon. Napalunok siya nang mariin. Pakiramdam niya tuloy ay nagsisi siya na sumama siya kay Noah. Dapat pala nanatili na lang siya sa bahay. Napailing-iling siya. Bakit naman siya magsisisi? Alam naman niya sa sarili niya na wala silang ginawang masama ni Noah. At kung mananatili lang siya sa bahay at walang ginagawa ay mas lalo niya lang itong maiisip. Baka mabaliw na siya sa kakaisip dito. Dapat nga ay mag

