Chapter 68

1512 Words

Kinabukasan ay hindi agad bumangon si Apple. Naramdaman na niya ang pagbangon nina Yna at Gretchel pero hindi siya gumalaw. Nanatili pa din siyang nakahiga habang nasa ilalim ng kumot. Ayaw niyang makita ng mga kaibigan niya ang parang panda niyang mukha. Iyak lang siya nang iyak kagabi at halos wala siyang tulog kaya namamaga ang mga mata niya at alam niyang nangingitim din ang ilalim nito. Baka bigla itong matakot at pagkamalan siyang zombie dahil sa itsura niya. “Sa tingin mo, tulog pa kaya si Apple?” rinig niyang tanong ni Gretchel sa kausap nitong si Yna. Nagkibit-balikat ang dalaga. “Hindi ko alam. Siguro.” Napabuntong-hininga ito. “Baka tulog pa siya. Narinig mo naman ang pag-iyak niya kagabi, ‘di ba?” Mariin niyang naipikit ang mga mata. Kahit pala tinakpan niya ang kanyang bibi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD