Maagang nagising si Apple para ipaghanda ng almusal si Aiden. Mabuti na ang pakiramdam niya. Kahit papaano ay gumaan na, lalo na kapag iniisip niya na mamaya ay magiging maayos na sila ng binata. Mas marami siyang na-realize pagkatapos niyang makausap si Manang Pesing kahapon. Tama naman kasi ito, pareho lang naman silang nasasaktan ng binata sa nangyayari sa kanila. Nakikita din naman niya ‘yon sa mga mata ng binata. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at pinagdudahan niya ang nararamdaman ng binata para sa kanya. Kahit pa hindi imposible na may nararamdaman pa si Aiden kay Agatha ay dapat kumapit siya sa maliit na chance na mahal din siya ng binata. Minahal naman siguro siya nito dahil madami na itong ginawa para sa kanya at nakikita naman niya ‘yon sa mga ginagawa nito. “M

