“Apple, this is not what you think.” Sinubukan nitong lumapit sa kanya pero bahagya siyang napaatras dahilan para mapatigil ito. “Listen to me, okay?” “Siya ba ‘yong dahilan kaya natiis mo ako ng ilang araw na hindi makausap?” Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sumisikip ang kanyang puso dahil sa sakit. “Huwag mong sabihin sa akin na nagkamabutihan ulit kayo?” Mas lalong tumulo ang mga luha niya sa isiping ‘yon. “Makikipaghiwalay ka na ba sa akin?” “What?” singit ni Agatha. “What is she saying, Babe?” Napatiim-bagang siya sa tinawag nito sa binata. “I thought you both broke up already. Now, what is she saying?” Akala nito ay naghiwalay na sila ng binata? Kailan pa? Bakit hindi niya alam na naghiwalay na pala sila? Ganito na ba ang hiwalayan ngayon? Para sa isa ay hiwalay na samantal

