Nang makapasok sa sala ay bumungad kay Apple ang sinasabing bisita ng kapatid niyang si Clarissa at ang nagmamay-ari ng sasakyan na naka-park sa labas ng bahay nila. Nakaupo ito sa upuan nilang kawayan na may unan para hindi masyadong masakit sa puwet kapag inupuan. “What are you doing here, Papa?” tanong ni Noah nang makita ang ama. Si Don Alfonso ang tinutukoy ng kapatid niya na bisita nila. Simula nang araw na binayaran ni Aiden ang utang nila dito ay hindi na sila muli pangnagkita nito, kahit pa nang araw na bumalik na siya sa bahay nila. Sa makalipas na halos isang taon ay muli silang nagkita ng matanda na minsan na din niyang itinuring na bahagi ng pamilya nila. Hindi naman siya galit dito at wala siyang karapatan na magalit dito lalo na’t ito ang tumulong sa kanila sa mga panahon

