Nakaupo sa isang rocking chair si Apple habang nakatingin sa labas ng bahay nila. Nasa second floor siya at nakatingin sa labas, lalo na sa mga ibon na malayang lumilipad. Napakapayapa ng pakiramdam niya. Ito ang buhay na kinagisnan niya, ang isang tahimik na buhay, at may magandang tanawin. Maganda naman sa Maynila dahil marami kang mapapasyalan. May makikita kang magandang tanawin, matataas na mga building, pero ang hindi niya lang gusto ay ang maingay at ang mausok na lugar dahil sa mga sasakyan. Idagdag mo pa ang traffic sa daan. Hinaplos niya ang kanyang malaking tiyan saka napaisip kung kumusta na kaya ang mga kaibigan niya? Siguro naman ay maayos ang mga ito. Kumusta na kaya si Aiden? Napaisip siya kung may iba na kaya itong mahal ngayon? Kung pinili na nito si Danicca na gusto ng

