“Angelo, come here,” tawag ni Apple sa limang taong gulang niyang anak na naglalaro sa bakuran nila kasama ang kanyang kapatid na si Andy. Patakbo itong pumunta sa kanya. “Why po, Mama?” inosente nitong tanong nang makalapit na sa kanya. “Punasan na muna natin ‘yang pawis mo, okay? Masyado ka ng nabibilad sa araw. Baka mamaya ay magkaubo ka pa. Ayoko pa naman na nagkakasakit ang baby ko.” Pinunasan niya ang gwapo nitong mukha na pinagpapawisan na at ang likod nito. Nilagyan niya ito ng pulbo sa leeg, dibdib saka sa likod nito. Nilagyan na din niya ito ng bagong towel sa likod. “It’s okay naman po, Mama. Besides, vitamins naman po ang sikat ng araw at saka hindi naman po ako nangingitim kahit pa buong araw akong mabilad sa araw.” Mahina niyang pinisil ang matambok nitong pisngi. “Vitami

