THE DAY when Aiden and Agatha meet… Busy sa trabaho si Aiden. Marami siyang documents na binabasa at maraming meetings ang pinupuntahan. Tambak na naman siya sa trabaho dahil sa ilang linggong hindi niya pagpasok sa trabaho dahil sa bakasyon nila ni Apple. Talagang sinulit niya ang araw na makasama ang dalaga dahil gusto niya ding bumawi dito. Lalo na’t hindi natuloy ang pagbakasyon nila noon dahil sa biglang pagdating ng mommy niya. Nang pumasok sa isip niya si Apple ay napasandal siya sa swivel chair saka wala sa sariling napangiti. He already misses her kahit pa kanina lang sila nagkita. Napatingin siya sa kanyang relo at nakitang dalawang oras na lang ay dadating na ang dalaga dala ang tanghalian nila. Kaunting oras na lang din naman pala ang hihintayin niya at makikita na niya ulit

