Chapter 30

1855 Words

Nang makauwi ay alam na niya kung ano ang sasalubong sa kanya. Kahit pa hinanda na niya ang sarili sa sasalubong sa kanya ay hindi niya pa rin maiwasan na makaramdam ng kaba lalo na sa tingin ng mga kasama niya. Tumawa siya ng nakakailang dahil sa mga titig nito sa kanya, lalo na si Yna. Napakamot siya sa kanyang pisngi. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kwarto nila ay titig na titig na ang mga ito sa kanya. “Bakit ganyan kayo makatitig sa akin? Ahhh!” Napasigaw siya nang bigla siyang hilain ni Yna saka pinaupo sa kama niya. “Bakit ba bigla ka na lang nanghihila?” Napanguso siya nang tiningnan siya nito ng masama. “Bakit hindi mo sinabi sa amin na kayo na pala ni Sir Aiden?” Pinaningkitan siya ng mga mata nito. “Bakit, Apple? Bakit?” Napangiwi siya sa pagiging oa nito. “Eh, hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD