CHAPTER 4: HIGHBLOOD

495 Words
Parang estatuwa si Maribeth sa palengke. Kunot-noo naman siyang tinititigan paharap ng tsyahin. “ Anong nangyari sayo't tulala ka riyan Ineng? ” Tanong nito bago muling asikasuhin ang mga paninda. Umangat ang isang kilay niya sa tanong nito. Pero parang masama ang pakiramdam niya. “ Tsyang, uuwi muna ako. ” Paalam niya sabay haplos sa ulo. “ Kung masama ang pakiramdam, automatic leave naman iyon insan. ” Sagot ng pinsan. Na sinundan ng pagtango ng tsyahin. Tumango siya't hindi nagdalawang isip na lumakad pauwi. ~~~ Napagdesisyonan ni Luke na mas mabuti siguro na magpahinga muna sa pagmamaneho. Nadaanan niya kagabi ang isang bahay at nakita niya ang isang karatula sa pinto ‘One Room Space’, kaya ngayon magbabasakali siyang uupa pansamantala roon. “ May maipaglilingkod ba ako sa iyo hijo?” Sumulpot at sumalubong sa kaniya ang isang Ginoo mula sa may hardin. “ May bakante pa ba ritong mau-upahan? ” Sagot na tanong niya. Ngumiti ito, “ Para sa mestisong gwapong tulad mo, may bakante.” Lumapit ang ginoo. “ Uupa ka ba?”. Tumango siya't sumunod rito papasok ng bahay. ~~~ “ Hilong-hilo ka na Maribeth.” Paalala niya sa sarili na sinamahan pa ng tuno.“ Pero kapag makasalubong mo ang mayabang na lalaking iyon muli. Ilalabas muna ang iyong galit.” Napahinto siya ng mapansin ang kotse. Parang iyon nag kotse na may-ari ng kina-iinisan niya kagabi. “ Do, re, mi, magtutuos na rin kami.” Masamang tingin ang ipinukol niya sa sasakyan bago pinasok ang bahay. Pagbukas niya agad bumungad sa kaniya ang binata at napagtanto niyangkay puti't kay gwapo pala nito. Pero hindi ibig sabihin nalimutan niya ang pagmamamyabang nito. “ Maaga yata ang uwi mo anak. ” Pansin ng Ina. Sumagot siya, “ Highblood po ako 'nang.” Nagtaka ang mga magulang niya. “ Aba'y may tao pala na bisita rito.” Aniya at tinaasan ng kilay ang binata. “ Oo nga anak ehh, pero hindi siya bisita. ” Sagot ng ama na ikanagulat niya. “ I'm not a visitor.” Pa-ulit ng binata. “ Hindi mo kailangang i-translate, naiintindihan ko ang ibig sabihin ng magulang ko.” Pinilit niyang huwag magpahalata na natatawa siya sa anyo nito. “ English Yabangers ang kumag. ” Aniya sabay talikod dito upang pumunta sa silid.‘ Grabe! Ang gwapo naman nito’ Aniya sa isipan. “ Hijo, pagpasensyahan mo na ang anak namin, ganin talaga siya sa mga baguhan.” Paliwanag ng Ginang sa naka-upong si Luke. “ I understand ” Tipid niyang pagkakaintindi. Tumayo ng ginang, “ Halika hijo at ituturo ko sayo ang silid mo. ” Anyaya sa kaniya. Hindi naman siya naghatubiling sumunod dito. Sabay silang tumungo sa maliit na hagdan at umakyat. Lumiko sila sa kanan at umakyat muli. Pagtungtung sa palapag na iyon, makikita ang mga silid. Lumapit sila sa unang pinto. “ Dito ka hijo.” Binuksan ito ng ginang. “ 'Pag may kailangan ka , bumaba ka lang. ” tinapikan siya nito bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD