[Allyza POV]
Pag-ka gising ko ay agad akong naligo, nag suot lang ako ng white sando at maong shorts. Para akong kinulang sa sikat ng araw dahil sa kaputian ko, sabagay anemic akong tao kaya mas lalo akong naging maputi.
Kamusta na kaya si Ace? Magaling na kaya siya?
Pababa na ako ng hagdan ng mapahinto ako dahil sa lalaking nasa sala habang nagbabasa ng dyaryo. Is that Ace?
Teka gising na siya? Mukang okay na siya dahil bumalik na ito sa dati. May mga pagkain naring naka handa sa maliit na mesa. Well.. hindi ko na pala kailangang mag luto ng umagahan ngayon.
"Why are you still standing there? Have a sit and eat breakfast with me."
Nagulat ako nang marinig ang sinabi nito, teka paano niya nalamang nandito ako 'e hindi siya naka tingin sa akin at busy siyang nagbabasa ng dyaryo? Ganun naba kahalata ang presensya ko?
I finally went down through the stairs and sat on the seat a little far away from him. I felt nervous, I could feel his presence even though he was quite far from me.
"Are you okay naba?" I asked habang kumukuha ng hotdog.
Ibinaba niya ang dyaryo at humigop ng kape.
"What do you think?" Sarcastic na tono nito.
I shug at nag umpisang kumain. It's better nalang pala na wag nakong magsalita. Rinig ko ang pagbuntong hininga nito at nag simula na ring kumain. Wait! Hinintay niya ba ako?
Napahinto ako ng kain at napangiti. Bayad ba to dahil sa pag-aalaga ko sa kaniya? Infairness kinilig ako. Sana pala lagi nalang siyang may sakit para lagi siyang ganito.
"Hurry up and come with me." Pag wasak niya ng katahimikan.
"Huh?"
"We need to go to the company."
Napakunot ang noo ko. Ano naman ang gagawin ko dun?
"Ahm... bakit?" takang tanong ko.
"May meeting na gaganapin mamaya sa kompanya, isa ang dad mo sa mga shareholders–mom said if pwedeng ikaw nalang ang pumunta dahil busy ang daddy mo." mahabang linyahan nito kahit wala naman akong naintindihan. Tumango nalamang ako at nagmadaling kumain. Mag bibihis pa ako at mag aayos ng sarili.
Nang matapos akong kumain ay agad akong tumakbo pabalik ng kwarto at nag hanap ng pwedeng suotin, kailangan kong magsuot ng disenting damit, well ngayon lang ulit ako lalabas na kasama ni Ace at makakapunta sa company niya. Kailangan kong maging maganda, ano nalang ang sasabihin nila pag nakita nilang panget ang asawa ng presidente nila? Hindi ako papayag! Pano pag nanduon din ang kabet niya? Nako wag siyang mag papakita sa akin, kakalbuhin ko talaga siya.
"Hurry up." Rinig kong sigaw ni Ace mula sa baba.
I don't have a choice. Sinuot ko ang kulay black kong dress, hindi naman ito masyadong mahaba at hindi rin masyado maikli, plain lang siya at may slits din ito sa gilid, mas lalo kong nakita ang hubog ng katawan ko. Well hindi naman sa pagyayabang pero sexy naman talaga ako, tinatago ko lang dahil di naman akong showy na tao. Nag lagay lang ako ng maskara, eye liner at pink na lips stick. Parang natural lang ang make up ko ngayon. Well it's fine, atleast hindi ako mag mu-mukang clown. Nag spray lang ako ng pabango at kinuha ang maliit kong bag at sandal na white with two inches heels. Sinuot ko na ito at tiningnan ang sarili sa salamin. Ginulo ko ng kaunti ang curly at mahaba kong buhok. That's better!
Bumaba na ako at nadatnang naghihintay si Ace sa sala habang naka upo sa couch. He's sitting like a goddess. Naka business attire ito at kahit balot ang katawan, malalaman mo paring maganda ang pangangatawan niya.
"Let's go."
He looked at me at mariin siyang napahinto, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Hinintay kong may sabihin siya ngunit nadismaya lamang ako. Well ano pa nga ba ang aasahan ko?
He looks away at nauna nang mag lakad palabas, what a gentleman he is right? Napa irap nalamang ako sa hangin at sumunod na sa kaniya.
Magkatabi lamang kami sa loob ng kotse pero parang anlayo niya sa akin. Busy itong nag tytype sa cellphone habang ako naka tingin lamang sa labas. It's been two years–two years ko na ring sinusubukang masungkit ang puso ng asawa ko. Bakit ba hindi parin ako napapagod? Ganun naba talaga ako ka desperada?
Hindi ko namalayan na nakarating napala kami, halos lahat ay tahimik nang pumasok kami sa lobby, sumakay na kami ng elevator at nakarating na sa isang malaking silid, agad kong nakita ang iilang business partner ni dad. Nakita ko na ang iba sa kanila noong funeral ni mommy at noong nag debut ako.
"Hija glad you're here, look at you–you are so gorgeous like your mother Alena." Sabi ng isang babaeng medyo may edad na. She's familiar but I don't know if saan ko siya nakita.
"Thank you po...."
"Just call me Tita Amor."
Now I remember, siya ang nag bigay sa akin ng diamond necklace noong debut ko. She's my father second cousin.
"T-thank you Tita Amor, I'm so-sorry I forgot your name."
"No worries hija, you're father is always busy that's why he didn't even bother to bring you in our family's ocacion nor reunions." She said. Ngumiti nalamang ako, well she's right. Dad is always busy.
Umupo na kami at tuluyan nang nag umpisa ang meeting. Medyo nakukuha ko naman at may naiintindihan naman ako kahit papano. Parang inaantok ako dahil mas lalong hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ace sa unahan. Na didistract lang ako sa kagwapohan niya habang nag sasalita siya, nakaka proud dahil confident ang asawa ko.
Napapatingin nalamang ako sa mga taong nandito sa loob ng silid. Hindi mo talaga aakalain na masamang tao lahat ng nandito, they look like a normal person pero lahat pala sila ay mga masasamang tao. They killing people and their business is illegal, same as my father. I remember he force me one time to kill someone but I refuse. I can't do it! I'm scared.
'I rather die than to kill.'
H
indi paman natatapos ang meeting ay nauna na akong lumabas dahil parang na sosoficate ako sa loob. I'm not part any of this, my father does.
"Why are you here?"
Napalingon ako sa lalaking nagsalita.
"Dos? Why are you here?" Tanong ko nang tuluyan na itong naka lapit sa akin.
"Meeting." wala sa mood na tugon niya.
"Ahh I see. Kanina pa sila nag 'me-meeting sa loob, kahit kaunti wala akong naintindihan."
I heard him chuckle at ginulo ang buhok ko.
"Kailangan mong maintindihan lahat Allyza, lalo't ikaw ang kaisa-isang anak ni Mr. Guevarra."
Inirapan ko ito at inalis ang kamay niyang ginugulo ang buhok ko.
"It doesn't matter Dos, besides I don't have an interest on this kind of business."
"I know. Anyway, kamusta ka? I'm sorry I didn't visit you at the hospital."
"No it's fine, I'm fine now. Thank you for your concern Dos. I appreciate it." I smiled at him.
"I'm always concern Allyza."
"Huh? May sinabi ka?" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito dahil masyado iyong mahina.
"Nothing."
"Allyza!" Napalingon kami sa tumawag sa akin. It's Ace at mukang galit siya.
Kita ko ang pag bago ng expression ni Dos nang makita si Ace.
"I'm going inside now, nice to see you again Allyza."
Hindi na ako naka sagot dahil tuluyan na itong naglakad papasok ng silid, nadaanan nito si Ace at kita ko kung paano nila tingnan ang isa't-isa, parang ano mang oras ay mag susuntukan at mag babarilan silang dalawa. May problema ba sila sa isa't isa? Dahil parin ba to sa nangyari?
"Let's go home." Rinig kong sabi ni Ace at dinaanan lamang ako. Wala akong nagawa kundi sumunod nalamang sa kaniya.
Nang makauwi kami ay nauna na akong pumasok sa mansion. Naabutan ko si Mr. Tan na naka tayo sa sala habang may kinakausap na babae.
"Bakit ba ang kulit mo? I said hihintayin ko siya!" Rinig kong sigaw ng babae. That voice was familiar.
Nag lakad ako papalapit sa kinaroroonan nila at doon ko tuluyang naaninag ang muka ng babae. That girl, it was....
"Sofia"