xx
Ano bang ginagawa namin dito sa loob ng mall? Naiilang ako dahil marami ang kasama naming bodyguards ngay on, aakalain yata ng mga tao rito 'e mga sikat kaming artista. Alam ko naman karamihan sa mga tao ay kilala si Ace bilang isang anak ng pinakamayamang tao, minsan naring na featured si Ace sa mga magazine at mga news. Nakaka proud syempre pero nakakainis dahil marami tuloy akong kaagaw.
Pumasok kami sa isang sikat na brand ng mga damit. Minsan dinadaanan ko nalang ito at sa ibang shops nalang bumibili, the dress in here is so expensive, siyaka bakit ganun kamahal? Ano bang tela ang ginamit nila, may halo bang gold kaya ang mahal? Siyaka nasisira din ang mga damit. Mas okay pang e' donate nalang ang pera kaysa ibili sa sobrang mahal na damit na nandito.
"Try some of them." he said.
Napatingin ako sa itinuro nito. Mga puting dress ang gusto niyang suotin ko? Mag mumukang bride yata ako sa party. Wala bang blue or pink man lang? Kahit black nalang okay na sakin wag lang puti. I hate white color, feeling ko kasi kapag susuot ako ng puting damit parang pupunta ako ng lamay.
"No! I want pink or red or blue, not white." Reklamo ko.
Tumaas ang kanang kilay nito.
"Mom didn't told you? All woman in the party must wear a white dress."
Need ba talagang puti? O baka naman sinasabi niya lang iyon para mag suot ako ng puti, alam niya bang ayaw ko sa puti? Hindi kaya part pa 'to ng plano niya na pasuotin ako ng puti dahil ayaw ko sa puti? Nakakaloka!
"If you don't like it then wag kanang pumunta sa party, simple right?" With he's sarcastic tone. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. Mukang di naman siya nagsisinungaling, bahala na. Babagay naman siguro sakin ang puti.
Siyaka gusto niyang hindi ako pumunta sa party? Para ano? Si Sofia ang isama niya? No way! Siyaka gusto niya bang sirain lahat ni Tita ang mga kotse niya? 'Eh di mas mabuting hindi nako pumunta, hindi naman ako ang mawawalan ng mga kotse, kundi siya!
"Then say bye-bye to your beloved collection." And I give him my sweetest smile. Dumilim ang muka niya sa sinabi ko.
Tiim bagang ito ng iwan ko siya at pumunta sa mga dress na naka display. Mukang nasasanay nako sa aura niya.
Ang gaganda talaga ng mga dress pero ayoko talaga sa color white. Napadpad ako sa mga dress na iba't-iba ang mg kulay, I love them all! Pero minsan lang ako mag suot ng dress, need ko lang talaga sigurong mag ipon ng confident para may confident akong mag suot ng super girly outfit na kagaya ng mga ito. Ang iba ay masyadong showy kaya hindi ko na pinili, hindi naman siguro kailangang maging sexy sa party na 'yun.
"Sabi ko puti hindi rainbow ang piliin mo." malamig na boses nito sa likuran ko. Umirap ako sa hangin at ibinalik ang dress na iba-iba ang design at color.
"Oo, ito na nga diba? Pipili na ng puti oh." Padabog akong bumalik sa kinaruruonan ng mga puting dress, sumimangot ako at di gustong pumili ng babagay sakin. Lumapit sa amin ang isang staff ng shops at may sinabi tungkol sa isang damit, maganda at maraming beads ang mga naka lagay diti at nakapa ganda ng design. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya, may pag ka french kasi ang tono ng pananalita nito at ang tanging naintindihan ko ay ang forthy- five thousand dollars.
Wait what? That's too expensive! No, di ko bibilhin 'yon.
"I'll take it." Rinig kong sabi ni Ace at magkasama silang tumungo sa counter. Naka tunganga lang ako dahil di ako maka paniwalang binili iyon ni Ace para sakin, ito ang kauna-unahang binilhan niyako ng napaka mahal na damit. Wait may sakit ba siya? O baka naman nabagok ang ulo niya?
"Teka nga, hindi ko pa nasusukat yan." Sabi ko habang papalapit ng counter. Muntik pakong matapilok dahil sa heels na suot ko. Buti nalang at nasalo niya ako kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Ang lapit ng muka naming dalawa, isang maling galaw ay tuluyan ko na siyang mahahalikan, nag ka tinginan kaming dalawa at diko namalayan na naka tayo napala kaming dalawa. He cross his arm on his chest at di makapaniwalang umiling.
Bumalik ako sa ulirat and I cleared my throat, parang may bumara sa lalamunan ko para hindi maka pagsalita, bakit kapag lagi siyang malapit sa akin ay agad akong na didistract at hindi makagalaw? At siyaka paano niya nasabi na kakasya yun sakin kung hindi ko pa nasusukat? Baka mamaya maliit pala yun o baka malaki sakin 'e di nag muka akong tanga dun sa party.
"Who said this is for you?"
Kita ko ang pag panunudya sa muka nito. So hindi yun para sakin? Isa lang iniisip ko na pagbibigyan niya ng dress na 'yun. It's for Sofia.
"S-so para kanino y-yan?" Nanghihina ang lalamunan ko. Parang gustong lumabas ng mga luha ko. Alam ko naman na kahit kailan, hindi siya mag aaksaya at mag aabalang bilhan ako. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ang swerte naman ni Sofia, binilhan siya ng asawa ko. Samantalang ako ni minsan ay hindi pa. Sana ako nalang siya.
Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pag iyak.
"Bakit akala mo ba para sayo to?" He smirk at tiningnan ako sa mata. "In your dreams Allyza, besides you have a lots of money right? Buy yourself and don't depend your dress on me." Ngumisi ito at bumalik na itong muli sa sofa kung saan siya naka upo kanina.
Nanghina ako sa sinabi nito. My vision is starting to blur because of my tears, they wanted to fall but I don't want to cry in here. Nag madali akong kumuha ng isang dress at pumasok ng fitting room. Doon nako tuluyang umiyak. Umasa nanaman ako! Parang tinutusok ang puso ko, ansakit-sakit. Umasa ako! Akala ko. . . akala ko para sakin yun, akala ko. . . .
Humagulgol nako ng iyak habang mahigpit na naka hawak sa damit na hawak ko. Agad ko iyong itinapon sa sahig at patuloy lang ako sa pag iyak.
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Unti-unting namamaga ang mata ko dahil sa kakaiyak. At patuloy parin ang luha ko sa pag agos.
Nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Ma'am are you okay?" Rinig ko ang boses ng babae kanina. Kitang-kita ko din kung paano niya tingnan ang asawa ko, ang ngiti at tingin nito ay napaka lagkit. Ano mang oras ay pwede nilang maagaw sakin si Ace. I know Ace is happy seing me crying, alam ko gustong-gusto niyang pahirapan ako. Saktan ako ng paulit-ulit.
Kinuha ko ang dress at pinahiran ang mga luha sa mga mata. Tiningnan ko ang sarili muli sa salamin.
'Ano pabang kulang sakin?' tanong sa isip ko.
Lumabas ako ng dressing room at bumalik sa kinaruruonan ng mga puting dress, pinili ko ang ayaw na ayaw ko kanina.
Dumako ang tingin ko sa kaniya at may kausap ito sa phone habang matamis na naka ngiti.
Bumalik ako sa dressing room at isinuot ang dress, mas lalong tumingkad ang kaputian ko dahil mas kita ang karamihan ng balat ko. Magsuot man ako ng ganito o hindi, ganun parin naman ang tingin niya sakin.
Then so be it!