xx
Bumili ako ng sarili kong damit at mga kakailanganin ko para sa party. Habang si Ace ay abalang namimili ng heels na hindi naman para sakin, para kanino paba? Eh di para dun sa kabet niyang si Sofia!
Iniwan ko siya roon at pumunta nalamang sa ibang shop, pinasama-sama niya pako dito! Grrrr! Kumukulo ang dugo ko. Hinilot-hilot ko ang sintido at nilanghap ang malamig na hangin. Sumasakit lang ang puso ko kapag nakikita kong mas inuuna niya ang babaeng yun. Hanggang kailan paba ako nasasaktan ng ganito? Kung piperma bako sa divorce hindi nako makakaramdam ng sakit katulad nito? Parang hindi ko yata kakayaning makuha ng malanding si Sofia nayun si Ace.
Sila siguro talaga ang naka tadhana at isa lamang ako'ng sampid sa relasyon nila. I wipe my tears at yumuko nalamang. Naka upo ako sa isang bench malayo sa shop na naroon si Ace.
"Lonely?" Rinig ko ang baritonong boses. Tumingala ako at tiningnan ang nagmamay-ari ng sapatos na nasa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil parang familiar ang taong nasa harapan ko.
"It's nice to see you here, being alone?" May halong pagtataka ang muka nito, siguro dahil sa namumula kong mata. Halata sigurong umiyak ako.
"Anyways. . . what happened to you? Last time masaya kapa sa kasal mo?" Sabay tawa nito. I rolled my eyes, tatayo na sana ako pero pinigilan niyako.
"Ano bang kailangan mo ha Drey?" Ayoko talaga sa lalaking to, napaka playboy at kulang nalang e hubaran na siya sa suot niya, paano ba naman kasi tatlong butones ang naka bukas mula sa long sleeve niyang suot. Pero infairness ang hot niya, ang ganda ng pangangatawan. Hindi nako mag tataka kung bakit maraming nagkakandarapang babae sa kaniya, bukod sa gwapo, mayaman, at macho ay sikat din siyang business man dito sa Pilipinas, walang iba kundi si Drey "Third" Madrigal. Ang ikatlong tagapag mana ng Madrigal's. Ace and Drey are cousins, at nag iisang anak lang si Drey kaya siya ang taga pag mana ng mga ari-arian ng father niya. Kaya spoiled brat itong si Drey, lahat ng gusto niya ay madali niyang nakukuha.
"Why are you being so mad?" He chuckle.
"Tsss." Inalis ko ang kamay niya at nag lakad palayo.
"Hey wait up!" Sumunod ito saakin at hinahabol ang mabilis kong paglalakad.
"Ano ba kasi!"
"I need your help Ally." Seryosong saad nito. Napahinto ako at hinarap siya.
"What? No! Last time I help you, you mess it up Drey."
Naalala ko nanaman noong college, mag classmate kami at humingi siya sakin ng tulong, gusto niyang ligawan ang babaeng nerd which is naging friend ko na, I really don't know kung bakit pero last thing I knew it was a dare. Naawa ako sa babae na niligawan niya, akala niya talaga totoo na yung pinakita ni Drey, well akala ko din kasi sincere naman siya nung humingi siya sakin ng tulong para manligaw.
"Please. . . I promise it's not-"
"Still, no. Alam mo bang nagalit ako sayo nung nalaman kong it's just a dare 'ha! Nakita ko kung paano nasaktan yung babae Drey! Muntik na siyang mag pakamatay nang dahil sayo!" sigaw ko sa kaniya. Kita ko ang gulat sa muka nito. So he didn't know?
"What? It's been a long years and . . I didn't -"
"You didn't know, of course! Ano nga ba ang pakialam mo that time? Mag pa empress sa mga barkada at mga babae lang naman ang alam mo noon." Parang sasabog ang dibdib ko. Lahat yata ng gusto kong sabihin sa kaniya noon pa ay ngayon ko lang nailabas, dahil siguro masama din ang loob ko kay Ace.
"Please Ally, hindi ko alam. Siyaka pag tapos nung araw na yun may nangyari kay Dad kaya hindi nako masyadong pumapasok."
"Karma is real Drey." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay agad ko na siyang iniwan. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko.
That nerd girl is so kind and smart back then, isang beses ko siyang naka sama noon sa isang event at masasabi kong hindi niya deserve ang masaktan ng isang kagaya ni Drey, akala ko talaga noon seryosong nanliligaw sa kaniya si Drey dahil halos araw-araw ko silang nakikitang mag kasama. Bumuntong hininga na lamang ako at napadpad sa arcade nitong mall.
"Uhuh! Tell her everything okay? It's gonna be okay. I'm gonna hang up, see you in a bit. Yeah, I'll be there, bye."
Rinig kong boses ng babae sa unahan ko. Tindig palang alam kong Modelo na. Hindi ko makita ang muka niya pero parang familiar.
"Ano pong name ang ilalagay ko ma'am?" Tanong ng babaeng staff dito sa arcade.
"Zelle Vanco." tipid na sagot ng babae.
Zelle. . . her name is familiar. Wait. . . the nerd girl. Hindi kaya siya yung.. . baka nagkakamali lang siguro ako?
"Z-zelle?" tawag ko dito. Lumingon naman ito at tiningnan ako. Kumunot ang noo nito at agad namang nagulat.
"Allyza? I-is that you?"
Ngumiti ako at tumango.
"Oh my gosh! Hindi kita nakilala." Galak itong lumapit sa akin at niyakap ako.
"It's been a long time." Niyakap ko ito pabalik. Ibang-ibang na ito.
"Yeah you're right, anyway. . glad to see you." Dumako ang tingin nito sa kamay ko at nakita doon ang wedding ring. "Married?"
Tumango ako at ngumiti ng mapit.
"Good for you, buti kapa." Tumawa ito.
"Why? Still single?"
Kanina lang siya ang topic namin ni Drey, ngayon nasa harap ko na siya.
"Kinda? I'm focusing my career."
Tumungo ako, mula sa pananamit at muka, she is very different sa Zelle na nerd na nakilala ko noon.
"Good to hear that, kamusta kana pala? Hindi na kita nabalitaan mula nung-"
"I'm fine. Let's just not talk about the past, shall we?" Pag putol nito sa iba ko pang sasabihin.
Ngumiti nalamang ako.
"Ally!" Rinig kong tawag sa akin, agad namang nagulat si Zelle sa boses ng lalaking tumawag sa akin. Oh no!
"Please don't tell me it's him." Pag mamakaawa niya. Kinagat ko ang ibabang labi, bakit pa siya nandito? Paano niya pako nahanap?
"Ally! Please naman, I really need your help. I know nag kamali ako dati pero nagsisisi nako sa nagawa ko, Zelle is important to me back then, at ayoko siyang masaktan kaya sinabi ko na sa kaniyang it's just a dare. So, please tulungan mo na ako."
Agad na sabi nito nang maka lapit na ito sa akin. Parang na istatwa kami ni Zelle sa sinabi nito, kita ko ang gulat sa mga mata ni Zelle ng marinig niya ang mga sinabi ni Drey. Hindi niya siguro nakita na ang babaeng tinutuloy niya ay ang taong kaharap ko.