[Ace POV]
"Where the fuvk is she?"
Bulyaw ko habang hinahanap ang babaeng kasama ko lang kanina. Ang lakas ng loob niyang iwanan ako. Siya na nga itong binibilhan siya pa may ganang mang iwan.
Napa iling nalamang ako at tiningnan ang binili kong mamahaling heels. Tsk! Maybe ibibigay ko nalang to kay Sofia, I know she's gonna like it.
"Sir tumawag po si Madam sa inyo." Anang isa kong tauhan. Tumango ako at kinuha ang cellphone ko sa kaniya.
Tinawagan ko ang numero ni mom at agad niya naman itong sinagot.
"What is it mom?"
"Where are you? At ano itong nabalitaan ko na binabahay mo ang kabet mo? Sa sarili ko pang mansion?" Galit na sigaw nito sa kabilang linya.
Sh*t! Paano nalaman ni mom? Sino ang nag sumbong sa kaniya? Sabagay, hindi nako mag tataka dahil lahat ng nasa loob ng mansion ay may connection siya.
"Mom hindi ko siya kabet! And stop calling her that!"
"Don't use that tone on me Ace! Paalisin mo siya sa mansion o ako mismo ang gagawa! Wag mo akong subukan! At pwede ba? hindi ka na nahiya sa asawa mo? Kasal ka tapos may dinadala kang babae sa bahay? anong utak meron ka ha?!"
Umiling-iling nalamang ako at agad pinatay ang tawag. Nag-iinit ang buong katawan ko sa inis. Agad kong sinuntok ang isa kong tauhan, humandusay ito sa sahig. Wala namang pakialam ang iba pa, alam nilang inilalabas ko ang galit ko.
"Fuvk it!!" sigaw ko.
"Find her and take her home. May gagawin lang ako." Hindi ko na sila pinasunod sa akin at pinahanap ko nalang ang pesteng babaeng yun. Mas lalong nadadagdagan ang init ng ulo ko.
Tinawagan ko si Sabo at agad na pinaandar ang kotse.
["Yes boss?"] sagot nito.
"Find me a luxury condo, near in my company." agad na utos ko.
["Ariglado boss."]
"Make it fast." Nag drive ako papunta sa mansion at hinanap si Sofia. Nasa loob ito ng kwarto at abalang naghahanap ng damit sa closet. Nawala agad ang galit ko nang makita ko ang maputi nitong hita. Goddamit!
Niyakap ko ito mula sa likuran at hinalikan sa leeg.
"Hmnnn. . . naka rating kana pala."
Pinahanap ko ito sa akin at agad na hinalikan sa labi. She smiled and grab me closer to her.
"I miss you that's why." I chuckle.
"I miss you more. Wanna take this off?" She teased. Parang kumislap agad ang mata ko at dali-daling kinuha ang towel na naka balot sa katawan nito. Agad namang nag react ang alaga ko sa baba ng makita ko ang kabuo-an ng katawan niya. I make it this fast, kailangan ko na siyang dalhin agad sa condo bago pa dumating dito ang mga tauhan ni mom.
[Allyza POV]
Agad kong hinila si Drey palayo kay Zelle. Mabuti nalamang at naka talikod si Zelle sa kaniya dahil kung hindi baka nakita niya si Zelle at baka ano pang mangyari. Alam kong galit si Zelle kay Drey at hindi ko siya masisisi.
"Tutulungan mo na ba ako?" Pagmamakaawa nito. Pesteng buhay to oh! Ano nanaman ba ang tulong na kailangan nito?
"Okay. . . fine! Ano ba kasi yun?" Iritadong tanong ko. Kahit labag sa loob ko.
"Pretend to be my girlfriend."
Naka nganga ako habang tulalang di maka paniwala sa kaniya. Do I hear it right?
"Ano?!" sigaw ko.
"Ngayon lang naman e, ganito kasi yan. Mom put me on a blind date then this girl have something I didn't like, so. . . all I want you t-"
"Wait what? Do you want me to pretend as your girlfriend? Nasisiraan kana ba? At siyaka bakit ako? You are Drey Third Madrigal at madaming nagkakandarapa sayong babae, isang tawag mo lang sure akong hindi sila mag dadalawang isip na hindian ka sa alok mong pretend." sarkarstiko kong sabi. Totoo naman e, halos mag hubad na ang mga babaeng gustong lumapit sa kaniya.
Bumuntong hininga ito.
"I know but this one is different."
"How?"
"She's a daughter of a great assassin at may utang na loob sa kaniya si mom. Siyaka masasabi ko naman na magaling kang umakting. Ngayon lang naman e, promise gagawin ko lahat ng gusto mo pag tapos nito. Ano bang gusto mo? Limang million? Kotse? Ano? Sabihin mo lang."
Napa-irap ako sa hangin. Mukang pera bako? Tsk! Bigla akong may naisip sa sinabi nito.
"Sige deal. Basta ipangako mong isa lang ha. Kundi gigilitan kita!" Pag babanta ko.
"Oo na, isa lang talaga."
Hinila niya ako papasok sa mamahaling restaurant. Naka punta nako dito at ilang beses. Dito kami dati kumakain ni mom at dad noong bata pako.
"There is she. So ganito ang gagawin mo okay? Mauuna akong umupo doon then medyo mag uusap kami tapos bigla kang susulpot. Tatanungin muko kung bakit ako nandito at sino ang kasama ko, then mag papakilala kang girlfriend kita, okay? Then mag e-emote ka na kesho manloloko ako, tapos nag wawalk out ka then hahabulin kita. Okay ba yun?"
Nakanganga lang ako habang nakikinig sa kaniya. Parang nakikita ko lang sa mga kdrama pala ang peg. Pero sige, dahil magaling naman akong artista, este actor basic lang sakin to. Tinanguan ko siya at inayos ko ang sarili.
"Nakuha mo ba ang sinabi ko?" tanong nito.
"Oo nakuha ko, dali na pumunta kana dun."
Agad namang siyang tumayo at nag lakad patungo sa babaeng naka upo sa pinaka dulo, which is ang VIP table.
Nagulat ako ng biglang sumulpot ang mga bodyguard ni Ace. Shett! Bakit ngayon pa, nakita nila agad ako at agad na nilapitan.
"Ma'am, sinabi po samin ni Sir Ace na iuwi kayo."
"Wait, pwedeng mamaya nalang? hmnn. . . sige ganito nalang, samahan niyoko pumunta doon sa babaeng yun..." sabay turo sa kinauupuan ni Drey.
"dahil may gagawin lang ako then pag tapos uuwi na tayo." then i smiled at them.
Nag ka tinginan silang apat at tumango. Agad akong tumayo at lumapit sa table na kung saan naka upo si Drey at ang babae.
Okay this is it!
"Drey?" Tanong ko kay Drey ng maka lapit ako sa table nila, pinanlakihan ko siya ng mata. Siguraduhin mo lang talaga na mag co-cooperate ka!
"Bakit ka nandito? A-at sino tong kasama mo?" Medyo galit ang tono ko at tiningnan ang babae. Shocks nakakatakot ang aura niya.
"B-babe i-i can explain." Nauutal na sabi nito. Buti naman at mukang magaling tong si Drey.
"Walang hiya ka!! Manloloko ka! Babae mo ba to ha? Sumagot ka!" Sumigaw na ako at agad naman akong naka kuha ng attention mula sa mga taong nandito. Nilapitan ko siya at pinag hahampas. Ito ang gustong-gusto kong gawin kay Ace ay sa kabet niya! Mga walang hiya! Mga manloloko!
"Who are you?" Maarteng tanong ng babae. Napahinto ako at tiningnan siya, mata sa mata ang tinginan naming dalawa. Ayokong mag pa tinag sa mga tingin nito.
"Girlfriend niya ako at ikaw? Sino kaba ha? Alam mong may girlfriend ang tao papatulan mo? Nasaan-"
"I'm not interested in him. I'm here because my dad want me to be here." Bagot na sagot nito. Kalmado lang ang boses at ganun parin ang ekspression nito. I swallowed hard, mukang wala naman talaga siyang pakialam sa mga nangyayari.
"So bakit kayo mag kasama ha? At ikaw Drey! Pano mo nagawa sakin to? Manloloko ka!! Mag sama kayong dalawa!" Agad nakong nag walk out kasama ng apat kong bodyguards. Rinig ko ang pag tawag sa akin ni Drey. Bahala na si Drey, basta i did my best. Nakakatakot talaga ang babaeng yun, hindi nako mag tataka kung bakit anak siya ng Great Assassin.
"Babe!"
Para akong masusuka sa tawag nito sa akin. Yun talaga ang naisip niyang itawag sa akin? Seryoso ba siya? Bago paman ako naka labas ng restaurant ay nahagip ng mata ko si Zelle na gulat na gulat na naka tingin sa akin. Oh gosh! This is bad. Alam ko ang iniisip niya.
Wala akong nagawa kundi lumabas at agad na pumunta sa parking lot. Sumakay agad ako ng kotse. Shet! I know iniisip niyang may something samin ni Drey. This is really bad. Gusto ko siyang makausap kaagad.