CHAPTER 16

1302 Words
[ Allyza POV ] Shet talaga! Ano na ang iisipin ni Zelle, na may something samin ni Drey, heck no! Kainis! Paano ko ba siya makakausap at masabi sa kaniya na there's nothing between me and Drey, pero mukang guilty naman ako pag ginawa ko yun. Humiga ako sa kama at tulalang naka tingin sa kisame. I feel exhausted and stress, I need to relax. Bakit napaka tahimik? Wait! Ngayon ko lang napansin na napaka tahimik ng mansion, where's ace and her mistress? At bakit ko ba sila hinahanap. Mabuti nang wala sila dito, I need peace of mind. Hindi ko pa masyadong napipikit ang mata ko nang biglang bumukas ang pinto. “Ay pasinsya napo ma'am, hindi ko po alam na narito napo pala kayo.” Aalis na sana ito. “Ah kakarating ko lang din po manang, may kailangan ho ba kayo?” Napahinto ito sa pintuan. “Maglilinis po sana ako ng kwarto niyo ma'am, inutusan po kami ni Madam na linisin ang buong mansion.” Saad nito. Si Tita? But why? Sobrang dumi naba talaga ng mansion? Pero palagi naman akong naglilinis kapag wala akong ginagawa. “Bakit daw po manang?” takang tanong ko. Wala akong natanggap na sagot mula rito. Hinayaan ko nalang itong maglinis. Lumabas na muna ako at uminom ng juice sa sala. Di kalaunan ay tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Tita kaya agad ko itong sinagot. “Hello, tita.” [“Good evening hija, how are you?”] Masayang bati nito sa kabilang linya. “I-im fine tita, how about you?” Natahimik ang kabilang linya at rinig ko ang pag buntong hininga nito. [“I know you're not hija, alam ko ang mga nangyari. I apologize for my son, don't worry that girl will never bother you again, I promise you that.”] Nagulat ako sa sinabi nito. “P-po?” [“Pinalayas ko na ang babaeng 'yon at ayokong pumasok pa siya ulit sa mansion, at ayokong may duming maiwan siya diyan. You are the legal wife for pete's sake, kaya dapat ikaw lang ang pwedeng ibahay ni Ace.”] galit na tono nito. Kinakabahan ako, dahil sa ginawa ni tita alam kong ako ang pag iinitan nanaman ni Ace. “T-tita i-im so-sorry.” Basag na boses ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko, nahihiya ako dahil wala man lang akong lakas ng loob para ipaglaban ang pagiging asawa ko kay Ace. I don't have a choice, ako nga ang asawa pero hindi ako ang mahal niya. [“Ako dapat ang humingi ng tawad dahil sa ginawa ng anak ko. Alam kong matigas talaga ang ulo niya pero sumusobra na siya, please hija sana ay pagpasinsyahan mo ang anak ko.”] Napakagat ako ng labi at pinahiran ang mga luha. Tumango ako kahit alam kong hindi 'yon nakikita ni Tita. I will give him more chances as far as I can, maybe that way and someday he realize kung gaano ko siya kamahal. “Y-yes Tita.” [“Thank you hija, don't worry ako na ang bahala sa babaeng iyon. Take care and goodbye hija.”] Pinatay na nito ang call at ako naman ay napainom ng juice nang wala sa oras. Mabuti pa si Tita alam niya ang nararamdaman ko, mabuti pa siya ayaw niya akong masaktan, how about Ace? All he wanted to do is to hurt me. Speaking of him. He walks like a devil at patungo ito sa kinaroroonan ko, he's face looks mad. Like I expected. “Happy now huh?” Sarkarstiko nitong tono. “A-ano?” tanong ko ngunit mas lalo lang itong nagalit. Hinawakan nito ang braso ko at hinila papasok ng kwarto ko. “Ano ba! Nasasaktan ako! Get off of me!” Pag pupumiglas ko pero masyadong malakas ang pag kakahawak nito sa braso ko. Nagulat pa si manang na tahimik na naglilinis, agad naman itong lumabas ng kwarto. Padabog akong inihagis ni Ace sa sahig, nakaramdam ako ng sakit ng pwetan ko dahil sa pagka-bagsak ko sa sahig. Napa igik ako ng sinubukan kong tumayo. “You witch! I know you're behind of this, you told mom about Sofia right?” Umiling-iling ako. “No. I didn't.” Matigas kong sagot. But he didn't listen. Nakapamewang ito at di maka paniwalang nakatingin sa akin. “I already told you about the divorce right? Just sign it and we both free!” Sigaw nito. Hinalukay nito ang mga drawers ko. Habang ako ay patuloy lang sa pag hikbi. I'm scared, he's being a monster again. “Where the fuvk is it?!” Di kalaunan ay nakita niya din ito, nilapitan niya akong muli at hinawakan niya ang buhok ko. “Ace p-please. . . ” pag mamakaawa ko. Ang sakit ng pag kakahawak niya. “Sign this!” pag pupumilit nito. Patuloy lang ako sa pag iyak at umiiling. Ayoko, ayokong permahan ang mga papel na 'yon. Ayokong mawala siya sakin. Kahit ganito ang ginagawa niya sakin, mahal na mahal ko parin siya. “N-no. . . I w-won't.” Ramdam ko ang mga luha ko na patuloy lamang sa pag patak. Kahit anong sakit, titiisin ko wag lang siyang mawala sakin. Ayoko siyang mapunta sa Sofia na yun! “Ayaw mo? Then I will make your life miserable Allyza, just like hell.” binitawan nito ang buhok ko at itinapon sa akin ang mga divorce papers. Rinig ko nalamang ang pag sara ng pinto at mga yapak nito palayo. Humagolgol ako ng iyak, akala ko kaya ko na siyang harapin, akala ko kaya ko, pero hindi, hindi ko kaya. Nanghihina ako kapag nasa harapan ko na siya. He's being ruthless. I can't take this anymore, I want to be free. But I can't live without him. KINAUMAGAHAN ay hindi ako lumabas ng kwarto, kahit kagabi ay hindi din ako kumain. Wala akong gana, hindi ako nagugutom. Kahit anong iyak ko ay parang wala nang luha na pumapatak sa mga mata ko. Niyakap ko ang mga binti at tumingin sa labas ng bintana. May narinig akong katok mula sa labas ng pinto. “Madam kailangan niyo pong kumain, kagabi po kayo hindi kumakain.” Boses ni Mr. Tan Hindi ako umimik. My head hurts, my back hurts and my heart hurts so bad. Can I die now? Parang gusto ko nalang mamahinga, kapag namatay bako magiging masaya siya? How about dad? Alam ko magiging malungkot siya, ayokong iwan siya mag isa. Hindi ko namalayan na binuksan pala nila ang pinto ng kwarto ko. “Hey,” Boses ni Dos at mahinang lumapit at umupo sa kabilang gilid ng kama. Napatingin ako sa kaniya at di kalaunan ay tumingin muli sa labas ng bintana. “You okay? Butler Tan called me and he said you don't want to eat.” ramdam ko ang lungkot sa boses nito. Ibinaba nito ang dalang tray na may lamang pagkain sa kama. “I-im fine. B-busog pako.” nanginginig kong boses. Para gusto nanamang kumawala ng mga luha ko. “You don't look ok Ally, look at you, you look pale.” hinawakan nito ang kamay ko. Tumingin ito sa mga mata ko at hinaplos ang muka ko. “You look sick, please just eat a little bit.” Pakiusap nito. Umiling lamang ako at binawi ang kamay ko at lumayo sa kaniya. “Okay lang ako Dos, kaya ko ang sarili ko.” matigas kong sabi. I heard him sigh at tinalikuran ako. “You know, it hurts to seeing you like this. Double ang sakit pag nakikita kitang ginaganito ng g*gong yun. Please kumain kana, maraming nagmamahal sayo, wag mong sayangin ang buhay mo sa isang walang kwentang tao.” pag katapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD