PROLOGUE
Morisette Lebastro
“Bakit naman dito mo naisipang mag labas ng sama ng loob?” tanong ko sa pinsan kong si Roxie, nag break daw sila ng boyfriend niya at himalang sakin siya nagpasama dito sa isang club.
Di namana bago sakin ang lugar na ganito, since nagtatrabaho rin ako bilang waitress sa isang club di kalayuan sa club kung nasan kami ngayon.
“E san pala?! Manahimik ka na nga lang at samahan mo na lang akong uminom” sagot niya sabay abot sakin ng alak na nasa baso.
“Baka naman malasing ako? Ikaw… baka malasing tayong pareho, paano tayo makakauwi?” tanong ko pa pero tumawa lang ito,
“Jusko Sette, 20 ka na pero yung utak mo pang 13 years old pa rin e! Moderate lang tayo kahit na broken ako wala naman akong balak magpakalasing.” saad naman nito.
Mas matanda sakin si Roxie, 24 na siya pero parang mas may isip pa ako sakaniya. May trabaho rin naman siya intern siya sa isang kumpanya, habang ako naman ay nagsimulang maging waitress 17 pa lang ako hanggang sa mag 20 nga ako.
Wala na rin akong mga magulang kaya nakatira ako sa bahay nila Roxie, kasama ang mama niya na ubod ng pag ka matapobre kahit na pobre lang naman kami.
Bata pa lang ako ng mapilitan itong kupkupin ako dahil sa pakiusap ng lola ko noong nabubuhay pa ito. Namatay kasi ang magulang ko sa aksidente noong pitong taong gulang pa lang ako, at kapatid ni papa ang mama ni Roxie. Sa side naman ni mama, hindi ko sila kilala dahil walang naikukwento o wala akong na meet na isa sa kapag anak ko sa side ng mama ko.
Gustohin ko mang umalis na sa poder nila Roxie ay hindi ko magawa dahil na rin sa utang na loob ko sakanila kahit papaano, kahit palagi akong sinasaktan ni Tita Rowena at laging pinagsasalitaan ng masasakit ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sakaniya dahil kahit paano ay tinanggap pa rin niya ako at kinupkop.
“Iniisip ko lang ang mga sarili natin, pero kung gusto mo talaga na sabayan kita sa pag inom… sige.” saad ko at ininom ang alak na ibinigay niya sakin.
“Ackk… ang pait” asik ko ng gumuhit ang init at pait ng alak sa lalamunan ko.
“Pakaarte mo naman, ako nag umpisa na akong maging ganyan 16 pa lang ako… jusko!” pagmamalaki pa nito. Bumuntong hininga na lang ako at kinuha ulit ang alak na binigay sakin ni Roxie at ininom ito.
Napatingin ako sa paligid, sa mga nagsasayawan sa gitna ng dance floor, pero napapikit ako dahil parang umiikot ang paningin ko.
“R-roxie…” tawag ko kay Roxie na may kausap sa phone, ang lapit lang niya sakin pero hindi ko marinig kung anong sinasabi niya, at maging ang tugtug at ingay ng mga tao sa club ay di ko rin marinig. Pinilit kong ipikit at imulat ang mata ko pero mas lalo lang lumalala at nanlalabo pa ang paningin ko, bahagya kong sinampal ang sarili ko at pati na ang tainga ko dahil nga sa wala akong marinig, pero ganoon pa rin.
“Roxie!” tawag ko at doon ay humarap na siya sakin at agad akong inalalayan kita ko ang pag aalala sa mukha ni Roxie kahit nanlalabo na ang paningin ko hanggang sa may tinawag siya at nagulat na lang ako ng may humawak sakin at buhatin ako.
“Roxie…” mahina ko pang sabi
“Shh, dadalhin ka namin sa mga vip rooms dito para makapagpahinga ka… nalasing ka agad sa dalawang baso?” tawa nito habang ako ay pakiramdam ko parang hindi ko na kayang imulat pa ang mata ko.
Naramdaman ko pa ang pag pasok namin sa isang kuwarto, puro pula ang ilaw at napahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang lambot ng kama ng ilapag ako ng kung sino man ang tumulong sa pinsan ko.
Medyo may ulirat pa ako dahil alam kong nahawakan ko pa si Roxie, at nadinig ko pa ang sinabi niya bago siya umalis.
“Kayo na bahala dyan, basta bayad na kami ng mama ko”
Gustuhin ko mang tumayo at itanong ang tungkol sa sinabi ni Roxie pero wala na talaga akong lakas pa hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng malay...
NAGISING ako ng may maramdaman akong mainit na humahaplos sa binti ko, pag mulat ng mata ko ay hindi pamilyar sakin ang kuwartong kinabibilangan ko. Napatayo ako ng wala sa oras, at halos humiwalay ang kaluluwa ko ng makita ang matandang lalaki na nakaroba at nakangising hinahaplos haplos ang legs ko.
“Sino ka?!” takot na tanong ko sa matanda, pero imbis na sumagot ay tumawa lamang ito at lumapit pa sakin kaya napaatras ako at napasandal sa head board ng kama
“Wag kang matakot sakin, hindi naman kita sasaktan… ipaparamdam ko pa nga ang sarap na baka hindi mo pa nararanasan” hagikhik nito at hinaplos ang pisngi ko kaya agad kong tinabing ang kamay niya dahilan para mapangisi ito at bigla na lamang nanlisik ang tingin sakin
“Rico!” napaigtad ako ng sumigaw siya pero saakin pa rin ang tingin kaya kinuha ko ang kumot at tinakpan ko ang sarili ko
Ilang saglit lang ay may pumasok na lalaki, naka itim na polo, itim na pants at may silver na kwintas sa leeg
“Bring me the drink” saad ng matanda, tumango lang ang lalaki at lumabas, ilang saglit lang ay bumalik ito dala ang isang baso ng alak at inabot ito sa matanda.
“Inumin mo na lang ito para mawala yang takot sa katawan mo at mapalitan ng… init—hahahahah” hagalpak nito kaya napailing iling ako, pero minatahan niya ang lalaking tinawag niyang Rico tsaka ito sinenyasan, at hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa ng lalaki.
Tumalon ito palapit sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay gamit lang ang isang kamay niya, habang ang isang kamay naman niya ay nasa bibig ko at pilit na pinapaharap sa matanda.
“Inumin mo na to hija, siguradong hindi lang ako ang mag eenjoy pag naubos mo ito, ikaw rin” hagikhik nito na lalong nagpanginig sa buo kong katawan.
Pilit akong nagpupumiglas pero mas malakas ang lalaki sakin, halos mabali na rin ang leeg ko dahil sa lakas ng pwersa nito. Pinilit kong isara lang ang bibig ko habang ang matanda ay pilit naman niyang pinapainom ang alak sakin, hanggang sa may pumasok sa ilong ko kaya kusang nagbuka ang bibig ko dahilan para mabuhos niya ang lahat sa bibig ko at deretsyo agad iyon sa lalamunan ko.
Ang pait at init ng alak ay gumuhit sa lalamunan ko, nang bitiwan ako ng lalaki ay doon ko lamang nabawi ang hininga ko.
“Hayop ka!” sigaw ko sa matanda na nakangiti lang na pinagmamasdan ako habang ang lalaki ay lumabas na ng kwarto.
“Mas hayop ako sa kama, Morisette! kaya kung ako sayo, ilabas mo rin ang pag ka hayop mo sa kama!” saad nito at sumampa sa kama, akma niya akong hahawakan pero mabilis ko siyang nasipa sa dibdib dahilan para malaglag at bumagsak siya sa sahig.
Tumayo ako kahit na nanginginig ang tuhod ko, dinig ko ang pag daing niya at parang hirap sa paghinga kaya naman agad akong nagtungo sa pinto at kusa akong naistatwa ng makitang nakatayo ang lalaking si Rico sa labas ng pinto.
“Saan ka pupunta!” saad nito sakin.
“Y-yung matanda… inatake yata sa puso, hindi siya makahinga” mabilis kong sabi kaya dali dali itong pumasok at agad naman akong tumakbo palabas tsaka tumakbo palayo, pero nagulat ako ng may magsigawan na kalalakihan hindi kalayuan sakin.
“Hulihin nyo yung babae! babae ni boss yun!” sigaw ng isa sa kanila kaya mabilis akong kumaripas ng takbo, bawat pintong madadaanan ko ay puro nakalock at halos humagulhol na ako sa bawat pag katok na ginagawa ko at pahingi ng tulong na para bang wala silang naririnig o wala man lang silang pakealam.
“Ayun!” dinig kong sigaw kaya tumakbo ako ulit ng mabilis. Habang tumatakbo ay may nakita akong lalaki na papasok pa lang sa isang silid kaya mas binilisan ko ang takbo ko at ng maabutan ko ang lalaki ay tinulak ko ito papasok tsaka ko nilock ang pinto at idinikit ang tainga ko rito.
Napakuyom ako at napalunok ng marinig ko ang mga yabag na nagtatakbuhan at ang pagtatanong nila sa isa't isa kung saan na daw ako nagpunta. Kaya ng marinig ko ang yabag nila na papalayo na ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag at napaluhod nalang sa sahig.
“Who are you?!” galit na tinig na tanong ng lalaki, at ng mag angat ako ng tingin ay parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa sistema ko ng makita ang napakaamo at guwapo niyang mukha.
“S-sorry… p-pwede bang dito na muna ako?” lakas loob kong sabi ng makatayo ako.
“S-sorry, you what?” iritable nitong sabi na ikinalunok ko, pinagmasdan ko lang siya at kahit halata sa boses niya ang pag ka irita ay napakaamo pa rin ng mukha niya, kaya magaan ang pakiramdam ko na wala siyang gagawin sakin na masama, di tulad nung matanda kanina.
“Please? kahit ngayong gabi lang… may humahabol kasi sakin” saad ko pa, pero habang nagsasalita ako ay hindi ko maiwasang hawiin ang buhok ko na dumidikit sa leeg ko dahil sobrang init ng pakiramdam ko.
Nagulat ako ng lumapit siya sakin at titigan ako, at sa pagkakataon na iyon ay napailing ako dahil bigla na lamang nanlalabo ang paningin ko.
“Are you drunk?” tanong nito sakin
“Drunk? sino bang… sino bang malalasing sa halos kalahating baso lang ng alak?” nakangisi kong tanong, pero unti unti kong napagtatanto ang lalong pagiinit ng katawan ko.
“Oh, unless someone puts something on your drink.” nakangisi nitong sabi
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong ko
“You got the wrong door, Woman. If you're trying to escape someone dangerous, i’m more dangerous than them” saad nito at nagulat ako ng bigla niya akong sakalin at isandal sa pader, pero imbis na takot ang maramdaman ko ay parang may kung anong sumiklab sa loob ko.
“B-bitawan mo ko…” utal kong pakiusap pero ngumisi lang ito at sa isang iglap ay naramdaman ko nalang ang mainit at malambot niyang labi sa labi ko.
Nanlaki man ang mata ko sa gulat ay agad rin akong napapikit at napahawak sa batok niya ng maramdaman ko ang dila niya na pilit pumapasok sa bibig ko.
Nanatili pa rin niya akong sakal sakal habang marahas kaming naghahalikan, hanggang sa bitiwan niya ang leeg ko at hawakan ang hita ko tsaka niya ako binuhat at mas diniin pa ako sa pagkakasandal ko sa pader.
“Ang init…” asik ko sa gitna ng halikan namin, bumitaw ako sa pagkakahalik niya at nagkatitigan kaming dalawa habang nakangisi siya.
“I know, so… let me help you with that” saad pa nito at muli akong sinunggaban ng mas marahas pang halik.