Agad kaming inawat ng mga kasamahan namin, si Irene ay agad akong inilayo sa kanila Leilanie para hindi na kami mapang abot pa. Nasa labas kami ngayon ni Irene, nag stay na muna kami dito sa cafeteria dahil mag lalunch na rin. “Bakit mo naman kasi ginantihan?” ani Irene sakin habang inilalapag ang pagkain niya sa mesa. “Hindi naman ako papayag na nakasampal siya tapos ako hindi? dati pa yun ganun e, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago.” irap ko naman sa kawalan “Hays, parang matagal na nga kayong may pagtatalo ni Leilanie, lalo na at hanggang ngayon nanggagalaiti pa rin siya sayo.” ani Irene kaya naman nag tango tango naman ako. “Insecure lang sakin yun at may galit dahil niligawan ako ng crush niya no’n na si Ethan Ramirez, Varsity player noon sa campus namin” singhal ko. “E-etha

