HMTR #1

1676 Words
"Hey, Sleepyhead." sobrang lambing ng boses ito. I feel his touches on my cheeks. At naramdaman kong mas naging malikot ang mga kamay nito I just groan. "Don't be so annoying, Love." tinabig ko ang kamay nito sa pisngi. Mahina itong tumawa. Naramdaman kong gumalaw ang higaan namin. "Wake up, my Sleepyhead Baby" malambing na saad nito. I feel his wet lips in my neck. I opened my eyes and gave him glance. "Love, pwede 5 minutes pa. I'm very tired." Saad ko rito. After nun tinabunan ko ng blanket ang mukha ko. He chuckles. Hinila niya ang blanket. "Sorry, Love... for making you tired every night. Promise, 3 rounds na lang tayo." binigyan ko ito ulit ng tingin at inirapan ko siya. He smirks at me. "Tigilan mo ko sa 3 rounds mo. Hindi mo ako maloloko sa paandar mo na 'yan." iritado kong saad rito. Gumalaw ang panga nito at tumingin sakin. "I can't help myself to stop, Love. Alam mo naman na baliw na baliw ako sayo." I just rolled my eyes. At tinalikuran ko siya dahil puro kabastusan lang ang lalabas sa bibig niya. "Kung ayaw mo pang bumangon, Mahal ko. Let me join you then." tuluyan na itong humiga sa tabi ko at hinila niya ako paharap sa kanya. He gives me tight hugs and kisses my forehead. Niyakap ko ito ng pabalik at siniksik ko ang mukha ko sa dibdib nito. Pinikit ko muli ang mga mata ako. And he kisses me again. "Rest again, My Love." at tuluyan na akong nakatulog sa mga bisig niya. Bigla akong nagising sa tapik sakin. I slowly open my eyes, at nakita ko si Nanay na nakaupo sa gilid ng kama. "Good morning, iha" malumanay na saad nito. Dahan dahan akong bumangon para batiin siya. Pero napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pagsakit nito. Napangiwi agad ako. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang saad ni Nanay. Hinawakan nito ang braso ko. Tumingin na ako rito. "Good morning din po, Nanay. Opo, ayos lang po ako. Nabigla lang po ako sa pagbangon." "I'm sorry, Anak. Hindi ko sinadyang gisingin kita ng ganito kaaga." umiling ako rito. "Ayos lang naman po, Nay." ngumiti ako rito. Nawawala na din ang sakit sa ulo ko. She touches my arms gently. "Pupunta kasi kami ngayon sa farm para mag-ani ng gulay. At sasama si Manang Pasing at gusto niya daw mamitas ng mga gulay. Kaya ginising kita kasi wala kang makakasama dito sa bahay, Anak." paliwanag nito sakin. "Susunod na lang ako, Nay." pero umiling naman ito. "Naku, Nak. Huwag na magpahinga ka na lang muna. Baka magtuloy pa ang sakit ng ulo mo." saad nito. "Nabigla lang naman ako sa pagbangon, Nay. Gusto ko pong tumulong sa pag-aani." I try to convince her. Kahit alam kong hindi siya papayag. She cupped my face and touch it. "Huwag na. Sa susunod na lang. Magpahinga ka lang muna." tumango ako dito. "Sige po." magalang kong sagot dito. "Oh siya. Aalis na din kami, Anak. Tumawag ka na lang at pauuwiin ko dito si Manang." bilin nito. "Kaya ko na po iyon, Nay." her reaction looks not convince. "Basta. Sige, aalis na kami." paalam nito. "Ingat po kayo." at pinanood ko siyang nagpapalabas ng kwarto ko. Nag-inat ako para mas magising ang wisyo ko. Hindi muna kami bumangon. Nanatili akong nakaupo at napaisip sa lalaki sa panaginip ko. Madalas siyang nasa panaginip ko pero wala itong mukha. Pero may kutob akong kilala ko siya. The man in my dreams was too lewd but sweet. Tuwing napapaginipan ko siya sobrang gaan ng pakiramdam ko. Kakaiba ang hatid niyang kapayapaan. Malalim ang naging paghinga ko dahil kahit anong alala ko sa mga bagay bagay. Hindi ko pa din maalala. Limang taon na ang nakakalipas simula ng malamang kong may amnesia ako. Nagdesisyon akong bumangon at pumunta sa veranda ng kwarto ko. Para lumanghap ng sariwang hangin at makita ang ganda ng paligid. Napangiti ako sa kawalan. Ilang beses akong pinatingin nila Nanay sa doctor para matulungan akong makaalala pero wala pa ding nangyari. Hindi ako masyadong nag-isip pa dahil baka tumuloy ang sakit ng ulo ko. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago bumaba. Pagpunta ko sa kusina may pagkain ng ginawa sakin. They really cared of me. Hindi talaga silang umaalis ng wala akong pagkain. Nagbreakfast na ako at nagcoffee na din. Dahil hindi naman ako pinayagan na sumunod sa farm. Maglilinis na lang ako ng bahay para malibang ako at mawaksi lahat ng mga agam agam ko. Nagpababa muna ako ng kinain pagkatapos naglinis ako ng bahay. Dahil malawak din ang bahay nila Nanay halos lagpas lunch na din ako natapos. Nang makatapos ako maglinis, ilang minuto lang nagshower na ako dahil nanlalagkit ako sa pawis. Pinatuyo ko ang buhok ko dahil hinihila ako ng antok. Mamaya na siguro ako magla-lunch tutal naman hindi pa ako nagugutom. Nang magising ako hapon na din. Kaya bumaba na ako dahil baka nakauwi na din sila Nanay galing sa farm. Nakita ko naman sila Nanay at Tatay na nagkukwentuhan sa may sala. Kaya nilapitan ko sila para magmano. "Gising ka na pala, Nak. Hindi ka na namin ginising at ng makapahinga ka." saad niya ng magmano ako sa kanya. "Naglinis ka ba, Nak?" tanong ni Tatay Raul. "Opo" napakamot naman ako ng batok. "Dapat hinayaan mo na lang sana, Anak. Pupunta naman sila Melody dito bukas para maglinis bukas" saad ni Nanay . Umupo ako malapit may Nanay. "Wala po kasi akong magawa dito." "Naku kang bata ka talaga." si Tatay. Umupo naman ako sa tabi nila. Nanunuod kasi sila ng TV. "Ay, Zhia." napalingon naman ako sa pagtawag sakin ni Nanay. "Bakit po, Nay?" "May sasabihin pala kami sayo ni Tatay Raul mo." umayos ako ng upo para makaharap sa kanila. "Ano ba iyon?" curious kong saad rito. "Hihingi sana kami ng pabor sayo. Samahan mo muna si Ate Lean mo sa Maynila. Nilalagnat kasi siya hindi namn ako makaalis dahil sa pag-aani." napatango naman ako rito. "Wala naman pong problema doon, Nay." ngumiti naman ito sakin. At hinawakan ang kamay ko. "Salamat, Anak." "No problem, Nay." nginitian ko ito ng pabalik. Bukas ang alis ko para puntahan si Ate. Inayos ko ang mga dadalhin kong gamit patungong Maynila. Akala ko mag-commute ako papunta doon. Pero umalma si Nanay dahil baka daw mapano ako sa byahe kaya ipapahatid niya ako kay Manang Kardo. Kinabukasan maaga kaming aalis ni Manong para makaiwas sa traffic. "Mag-iingat kayo. Tumawag ka sakin pag-nakarating kayo sa Maynila, Zhia." bilin ni Nanay. Hindi ko na mabilang ang ilang beses na paalala niya. "Opo, Nanay." Pagkatapos noon umalis na din kami. Nagdala naman ako ng unan para pag-inantok ako hindi mangawit ang leeg ko. Sa katunayan hindi ako kaano-ano nila Nanay Carmella. Pero inalagaan nila at tinanggap na parang sarili nilang anak. I'm so grateful to have them. Kung hindi dahil sa kanila ng gabing iyon matagal na akong walang buhay. Pauwi na daw sila galing sa isa nilang kliyente ng mga gulay at prutas nakita nila ang sasakyan ko sa hindi kalalim na bangin. Noong una natakot silang lapitan ako dahil baka biglang sumabog o anuman. Pero kinutuban sila ni Tatay na maaaring may tao pa sa sasakyan. Kaya tinignan nila at doon nila ako nakita. Halos wala daw akong buhay doon dahil naliligo na ako sa sarili kong dugo. Pero nagkaroon sila ng pag-asa ng tignan nila ang pulso ko. Tumawag na agad sila ng ambulansya para maligtas ako. The miracle happened, beyond my deep wounds and some broken bones. And no one could explain how it was wonderful. Halos 3 buwan akong na-coma dahil sa matinding nangyari sakin. Paggising ko wala na akong maalala ngunit natatandaan ko ang pangalan ko. Anezhia Lopez "Iha, nagugutom ka ba? May madadaanan tayong fastfood." tanong ni Manong Kardo. "Doon na lang po tayo kumain, Manong." saad ko rito. Sa Jollibee na kami kumain ni Manong. May rice ang inorder ko para mabigat sa tiyan. Pagkatapos naming kumain hindi na kami gaanong nagtagal doon dahil umalis na din kami agad. Nang makarating kami sa village nila Ate hinarang kami noong guard kaya pinaliwanag ni Manong ang pakay namin at pinapasok na kami. Pagkarating namin ako na ang nagdoorbell, matagal din bago lumabas si Ate. Nilabas na din ni Manong ang mga gamit ko. "Omyghad! Pasensya na pinaghintay ko kayo." sobrang putla nga si Ate at lumabas ito nakabalot pa ng kumot. Si Manong Kardo na ang nagpasok ng mga gamit ko. Nakita kong umupo si Ate sa sofa at nanunuod ito ng TV. Pinagstay muna si Manong para makapagpahinga ng kunti pero tumanggi ito dahil kailangan niya makabalik ng Nueva Ecija agad. Umupo ako malapit kay Ate. "Ate, anong nangyari sayo at nilagnat ka?" curious kong saad rito. Lumingon naman ito. "Paano naman ang iyong halimaw naming boss. Inutusan akong bumili ng bulaklak para dalhin sa puntod ng asawa niyang namatay. Akala ko naman hindi na magtutuloy ang ulan hindi na ako nagdala ng payong dahil babalik agad ako sa company. Pero pagkarating ko doon umulan agad, kinabukasan may inaapoy na ko ng lagnat" mahabang kwento ni Ate. "Bakit hindi iyong boss niyo ang bumili ng bulaklak at maglagay sa puntod ng asawa. Tutal siya naman ang asawa. " asar kong saad kay Ate. I heard her sigh. "Hindi kami pwedeng umalma baka mawala pa ako ng trabaho." "Grabe naman pala ng boss niyo, Ate." "Pero sabi nila hindi naman ganoon ugali ni boss dati. Pero noong namatay asawa niya doon daw siya nagbago. At tuwing tuesday siya nagpapabili ng bulaklak para sa asawa niya dahil iyon daw ang araw na namatay asawa niya." nakakalungkot naman pala ang istorya ng boss niya. "Grabe naman pala, Ate." "Pero mabait naman si Sir sa mga benefits ng employees niya. Kaya lang bawal tatanga-tanga." "Okay naman pala... Kaya mahirap mawalan ng taong mahal kasi nagiging dahilan ito kung bakit nagbabago ang tao." sagot ko rito. It is not easy to see someone you love lifeless. ---- HAPPY READING BEAUTIFUL PEOPLE❤️❣️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD