"The number you have dialed is now unattended. Please try and—" Agad na pinindot ni Lindsay ang end call button. Ilang beses niya itong ginagawa sa tuwing hindi kumukonekta ang kanyang tawag mula sa kabilang linya. Mahigit 20 minutes na siyang paulit-ulit na tumatawag sa numero ni Alex, ngunit hindi pa rin ito sumasagot. "Tumigil ka na, Lindsay. Hindi ka pwedeng ma-stress ngayon. Makinig ka naman, please..." pagsusumamo ni Alice sa kanya. Marahas na napabuntong-hininga ang dalaga at inilapag ang cellphone sa kama. Pagkatapos niyon ay hinugot niya ang dextrose mula sa kanyang kamay. "L-Lindsay, anong ginagawa mo? Bakit mo tinanggal 'yan?" Akma siyang pipigilan ni Alice ngunit mabilis siyang nakailag. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kama at lumabas ng kanyang ward. Hindi alint

