Chapter 45No Mercy Kasalukuyang walang malay si Kisha habang nakahiga sa metal na higaan. Tinurukan siya ng pampatulog para hindi niya maramdaman ang bawat tusok ng karayom sa kaniya para sa isinasagawang test. Ilang linggo pa lamang niyang ipinagbubuntis ang bata pero mapapansing lumalaki na ‘agad ang kaniyang tiyan dahil sa kadahilanang mabilis ang development ng bata sa loob ng sinapupunan niya. "What about the baby in her tummy? If we continue this, the baby will die," nag-aalalang tanong ni Thalia kay Ivan. Si Thalia Robinsons ay isa sa tatlong scientist na nandito ngayon sa laboratory kasama nina Finnick Wayland at Roger Bruce. Ngayon ang unang beses na itataya nila ang buhay ng isang inosenteng bata na hindi pa isinisilang. Isa ring ina si Thalia kaya alam niya ang magiging paki

