Chapter 44Allies “Kisha! What is happening to you?! You’re making me worry!” Sunod-sunod ang pagkatok ni Cross sa pintuan ng banyo kung saan naroon si Kisha na panay ang suka. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito. ‘Wag naman sanang mangyari ang iniisip niya. Tiyak na magkakagulo kung tama siya. Nitong mga nakaraang araw pa niyang napapansin ang unti-unting pagbabago kay Kisha at kailangan niyang tiyakin kung tama o mali ang iniisip niya. “O-Okay lang ako!” rinig niyang sabi nito sa mula sa loob. Maya-maya ay narinig na niya ang pag-flush sa loob at bumukas ang pinto. “What do you think is happening to you?” nag-aalangang tanong ni Cross sa kaniya. Ngumiti lamang ng bahagya si Kisha pero maya-maya ay may tumulong luha sa mga mata nito. “I think I’m pregnant.” Tuluyan na siyang napahag

