Chapter 18The Talk Kakatok ba ako o hindi? ‘Wag na lang kaya? Umuwi na lang kaya ako? Kanina pa ako naglalakad back and forth sa front door ng bahay ni Cross. Kailangan ko kasi siyang makausap tungkol kay Jullia. Hindi naman sa sinisisi ko si Jullia pero sa kaniya naman talaga nagsimula ang lahat ng ito. Oo nga’t patay na siya pero hindi ko pa rin maiwasang mainggit dahil kahit patay na siya, buhay na buhay pa rin siya sa puso ni Van. Kailangan ko ng mga kasagutan sa madami kong katanungan… Bago pa ako abutin ng isang oras dito, kumatok na lang ako. Nakakatatlong katok pa lang ako ay bumukas na ang pinto at ohmygolliewow, si Cross ay walang suot na shirt. Napatingin ako sa kaniyang sizzling hot abs. Gulat ang rumehistro sa mukha niya pero napaltan din ito ‘agad ng kaniyang usual poker

